Chapter 13: Thank you

3 0 0
                                        

BRIELLA 

"Tumakbo na kayo!" Malakas na sigaw ko sa mga tao. 

Nasa bungad ako ng village. Sinisigurado kong wala ng tao sa paligid, baka mamaya kasi ay may naiwan.

Nakaramdam ako nang malakas na mahika sa likuran ko kaya mabilis akong lumingon. 

"P-paanong?" Gulat akong nakatingin sa mga taong nasa harapan ko. 

Bakit may kalaban dito? Paano sila nakapasok? Ibig sabihin ba nito natalo nila sila Violet?! 

Tumingin ako sa labas ng village. Tuloy parin ang ingay sa labas, mukang tuloy parin ang laban pero paano sila nakapunta dito kung buhay pa sila Shawn?

"Bakit parang gulat na gulat ka ata? Akala mo ba ay mapipigilan kami ng mga kaklase mo?" Nakangising tanong ng lalaking nakasuot ng pulang cloak. 

May sampu pa siyang kasama na nakasuot rin ng cloak na kulay itim naman. 

Nilabas ko ang espada ko at mahigpit itong hinawakan. "Anong gusto mo? Bakit ka nandito?" Matapang na tanong ko sa kaniya. 

"Bakit mahina ang mana na nararamdaman ko mula sa'yo?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. 

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. 

Tangina naman, eh! Nasaan na ba sila Violet? 

"Sagutin mo ang tanong ko!" Hindi ko rin sinagot ang sinabi niya. 

Ano naman kasing isa-sagot ko? Na wala pa akong mahika kaya wala siyang maramdaman na mana mula sa'kin? 

Malakas siyang tumawa kaya kumunot ang noo ko. May sinabi ba akong nakakatawa? 

"Hindi naman ako sobrang sama kaya bibigyan pa kita ng pagkakataon para tumakbo." 

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa espada nang marinig ko ang sinabi niya. Mahina ako kumpara sa kanila pero hindi ako duwag!

"Umalis ka na dito." 

"Sinayang mo ang pagkakataon na binigay ko sa'yo." Tinaas niya ang kamay niya at tinapat sa'kin. 

May lumitaw na malalaking bato sa gilid niya at bumulusok papunta sa'kin. 

Mabuti nalang at speed ang ability ko dahil lahat ng bato ay naiwasan ko at ang iba ay nahati dahil sa espada ko. 

Ang lakas pala ng espada na binigay ni Miss Alice sa'kin. Hindi nasisira kahit gamitin ko sa bato! 

"Magical tree: Wooden knife." 

Hindi pa ako nakakahinga mula sa unang atake niya ay may bago na naman. 

May lumitaw na maraming tree branch sa paligid niya. Sobrang tulis ng mga ito at sigurado akong ikamamatay ko pag natamaan ako ng mga ito. 

Inatake ako ng mahika niya kaya mabilis akong umiwas. 

"Sht," mahinang sigaw ko nang may tumama sa braso ko. 

Mabilis ako pero hindi ko kayang umiwas at atakihin yung mga sanga at the same time. Tuloy-tuloy ang palatak ko kada may tatama sa'kin. 

PowerlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon