PROLOGUE

5.6K 316 86
                                    

"HANGGANG dito ba naman ay sinusundan mo kami? Hindi mo ba talaga kami titigilan ni Philip?"

Naningkit ang mga mata ko at napatigil sa paglalagay ng lip tint sa mga labi ko pagkatapos kong marinig iyon mula kay Nineth, ang bagong girlfriend ng ex kong manloloko.

"Excuse me?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko akalain na makikita ko sila rito sa restaurant kung saan sana kami kakain ng kaibigan ko. Kaya lang ang tagal niyang dumating kaya nag-retouch muna ako rito sa restroom.

"Stop acting innocent, Honey Larissa. Alam kong hindi ka pa nakaka-move on kay Philip kaya kahit saan kami magpunta ay sinusundan mo kami. Do you really think babalikan ka pa niya?"

Nagpanting ang mga tainga ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi ko talaga maintindihan kung ano'ng nakita sa kanya ni Philip, e maliban sa feelingera siya, ang judgmental pa. Hindi ba puwedeng coincidence lang na nagkita kami rito?

"Puwede ba, Nineth? Kung wala kang magandang sasabihin itikom mo 'yang bibig mong ilang layer ang lipstick. At saka paano mo naman nasabing hindi pa ako nakaka-move on kay Philip mo? FYI, ako ang nakipaghiwalay sa kanya kaya hindi ko siya kailangang bawiin sa 'yo. Besides, my new boyfriend is ten times better than him."

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Naiinis kasi akong ilang beses niya nang ini-insist sa akin na may gusto pa rin ako kay Philip. E wala naman akong pakialam sa lalaking 'yon. Siya nga itong lapit nang lapit at sinubukan pang makipagbalikan sa akin kahit sila pa ni Nineth.

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko. Nag-flip siya ng buhok at muling naglagay ng foundation sa pisngi niya. Actually kanina ko pa sila napansin ni Philip na pumasok dito sa restau. Nauna kaya ako sa kanila. Nang pumasok ako sa restroom, sumunod din ang babaeng ito.

"I can't believe na may pumatol pa sa 'yo. Aside from you are boring..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You are also plain looking. I'm sure isang nerd ang bago mong boyfriend."

Nagngitngit ang kalooban ko. Aba't sumusobra na ang babaeng ito, ah!

Tumawa ako nang peke. "Baka nga kapag nakita mo siya susulutin mo siya kagaya ng ginawa mo kay Philip, e. Mahilig ka pa naman sa second hand. Siguro sa past life mo recycle bin ka, ano?" mapang-asar kong sagot bago siya iniwanan.

"You really are a bitch, Honey Larissa!" bulalas niya.

Ngumisi lang ako saka taas-noong nagmartsa palabas ng restroom. Naramdaman ko namang sumunod siya. Ang gaga, panay bintang na sinusundan ko siya pero siya naman ang panay  sunod sa 'kin.

Napasinghap ako nang pinatid niya ako. Nanlaki ang mga mata ko at pumikit na lamang. Pero agad akong napadilat nang maramdaman ko ang matitipunong mga bisig na sumalo sa akin.

Bumungad sa akin ang napakaguwapong mukha ng isang lalaki. Napatitig ako sa malalim niyang mga mata at matangos niyang ilong. Para siyang anghel na bumababa sa lupa. Napalunok ako nang mapatingin ako sa mga mapupula niyang labi. Artista ba siya?

"How long are you going to stay in my arms?" bulong niya.

Natauhan ako at umayos ng tayo. Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Nineth habang nakatingin sa amin kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para lalo siyang inisin.

"Love, mabuti na lang nasalo mo ako. May atribida kasing pumatid sa akin, e."

Nilambingan ko ang boses ko. Bahagyang nagulat ang lalaki. Hinawakan ko siya sa braso saka bahagyang yumakap sa kanya.

"Makisakay ka lang, ah? Saglit lang," bulong ko sa kanya.

Napansin kong tumayo si Philip mula sa upuan saka lumapit sa amin. Nagulat pa siya nang makita niya ako at ang lalaking kasama ko. Mabuti na lang at kokonti ang mga customer sa restaurant.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon