CHAPTER 11

4.8K 272 106
                                    

Ambiguous Relationship

HOW can I act as if everything is fine when he thinks my confession was merely a side effect of the alcohol? Ni hindi man lang siya na-touch sa mga sinabi ko kahit slight lang. He acts as if nothing happened. I only said that was nothing to save my face. It's a rare incident for a woman to confess her feelings. Hindi man lang ba niya naisip 'yon?

"Kulang ka lang yata sa diskarte, Bakla. Alam mo ang mga kagaya ni Sir Hans, kailangan ng konting stimuli para ma-trigger."

Napakunot ako sa sinabi ni Phoebe. Magkaharap kami habang kumakain ng lunch.

Ilang araw na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang insidenteng iyon, pero parang lalong lumayo ang loob sa akin ni Sir Hans. Kaya lalo kong napatunayan na wala talaga siyang feelings para sa 'kin.

"Kung anu-ano na naman ang naiisip mo. Once is enough. Hindi ko na uulitin 'yon, 'no. Bakit ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya? Obvious naman na wala siyang gusto sa 'kin. Buti nga hindi niya ako sinisante pagkatapos ng nangyari, e."

Phoebe laughed heartily. Hanggang ngayon nga ay inaasar pa rin niya ako sa nagawa ko. Minsan ay ginagawa pa niyang panakot iyon sa akin.

"It's because I can't believe you got dumped. Sa ganda mong 'yan. Hindi ka nga kasing yaman ni Nineth pero pagdating sa personal achievements, may ibubuga ka naman."

"He's qualified to dump someone one like me. Sapat na bang dahilan iyon? Hello? Isa siyang Bustamante. Mayaman, guwapo, matalino. Top-notched double-degree holder pa. Bakit naman siya magkakagusto sa isang katulad kong average lang?"

Napangiwi ako nang tinampal ako ni Phoebe.

"Alam mo, hindi ka na ang Honey Larissa na nakilala ko. Magmula nang makilala mo 'yang si Sir Hans, parang nawalan ka ng confidence. Hello? Nasaan na ang palaban at matapang na kaibigan ko? Kailan ka pa natutong malitiin ang sarili mo?"

Napataas ako ng isang kilay. "Hindi ko minamaliit ang sarili ko. I'm just stating facts. Alam ko kung saan ako lulugar."

"Nasa in denial stage ka pa, Bakla. But the fact that you feel you're not good enough for him is a sign that you have fallen for him."

Phoebe's words rendered me silent. Nakapa ko ang dibdib ko dahil ramdam ko ang pagbilis ng tibok nito. She's right. I've already fallen for Sir Hans. Hindi lang simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya.

I sighed heavily. Napamata naman sa akin ang kaibigan ko.

"Ang lalim no'n. Na-realize mo bang tama ako?"

I shook my head. "I already did my part. I already confessed, right? I think that was enough. We cannot do anything but only let the nature take its course."

Phoebe stared at me with amazement in her eyes. Na para bang sinasabi niyang tinapos ko na ang usapan.

Pagkatapos naming kumain ay saglit niyang sinagot ang tawag ni Paul. Dumaan din kami sa restroom bago bumalik sa office. May limang minuto pa bago magsimula ulit ang office hours.

Nag-aayos ako ng mga folder sa lamesa ko nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Hans. Iniluwa no'n ang nagmamadaling si Philip. His face is fuming red. Na para bang manunununtok na lang siya ng kung sinumang makakasalubong niya. Napatingin tuloy sa kanya ang ilang officemates ko.

Ano kaya'ng nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya nang lumabas sa opisina ni Sir Hans?

Hindi kaya nagkasagutan sila?

Nagulat ako nang sinundot ako ni Phoebe sa tagiliran. Hindi ko siya pinansin dahil naagaw ang atensyon ko nang tumigil sa harapan ng cubicle ko si Philip at tinitigan ako. Kinunutan ko siya ng noo. Bumuka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero agad din naman niya iyong isinara.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon