CHAPTER 6

2.2K 212 39
                                    

 Drunk

"WHAT?" histirikal na untag ni Phoebe pagkatapos kong maisalaysay sa kanya ang lahat.

Sumama pa talaga siya sa akin dito sa bahay para lang makitsismis. Inihatid kami ni Sir Hans kanina at ang loka-loka panay ang tingin sa akin nang nakaloloko habang nasa biyahe kami. Sa harapan kasi ako naupo sa tabi ni Sir, habang siya naman ay nasa backseat.

"Kumalma ka nga. Hindi naman totoo. Tinulungan nga lang niya ako."

Tumayo siya at nagparoo't parito sa harapan ko.

"Wait! Hindi pa nga ako nakaka-get over sa paghatid niya sa 'yo rito kanina. Tapos malalaman kong nagpanggap siyang boyfriend mo para lang tigilan ka ni Philip. Parang ang bilis naman ng development ng closeness n'yo. One week pa nga lang siya sa office, eh!"

"Sira! Mabait nga lang 'yong tao. Hindi siya snob kagaya ng iniisip mo. Siguro nag-a-adjust pa siya sa lahat. For sure, magiging malapit din siya sa mga empleyado kapag nagtagal na siya sa kompanya," sabi ko.

Namaypay si Phoebe ng kanyang sarili gamit ang magkabilang kamay. Tila hindi pa rin siya makapaniwala.

"Gosh! Sure ka bang walang spark sa pagitan ninyong dalawa? I can't believe na gano'n na pala kayo ka-close. Tapos kung makahapit siya sa 'yo kanina parang totoo talaga kayong mag-jowa. Muntik na akong himatayin sa kilig, grabe!"

I rolled my eyes. "Hindi nga kami sobrang close. Kung alam mo lang, ako lagi ang nag-i-initiate ng usapan. Kasi kung tatahimik lang ako, mapapanisan ako ng laway ro'n."

"Pero iba talaga, e! Ano'ng feeling ng mahawakan ng mabango at guwapong Hans Bustamante?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kung makapuri ka kay Sir parang wala kang Paul, ah. Ano? Si Paul ba talaga ang nagloloko o ikaw?" pang-aasar ko.

Bigla siyang sumimangot. "Naku, pinaalala mo na naman. Malakas talaga ang kutob ko na may ibang babae 'yon. At kapag napatunayan ko lang talaga, e 'di magsama silang dalawa. Kaya ko ring maghanap ng iba. Akala naman niya siya lang ang lalaki sa mundo?"

Napailing ako at inalo na lamang siya nang magsimula na naman siyang umiyak. Sa totoo lang ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan na magagawa iyon ni Paul sa kanya.

"O siya. Sige na nga. Sasamahan na kita bukas. Tatawagan ko na lang sina Mama mamaya na hindi na ako muna makakauwi."

"Salamat talaga, Bakla!" madramang untag niya at niyakap ako.

Hinaplos-haplos ko na lang siya sa likod para tumahan na. Noong unang salta ko rito sa Manila ay si Phoebe ang tumulong sa akin para makahanap ng trabaho. Distant relative namin siya. At sa kanila rin ako no'ng una nanunuluyan. Hanggang sa nakayanan ko nang bumukod at kumuha ng sariling apartment. No'ng una nga ay ayaw niyang umalis ako. Kaya lang nahihiya rin naman ako kasi hindi naman kalakihan ang bahay nila. Nakakasikip lang ako roon. Madalas pa namang nag-uuwi ng bisita ang kapatid niya.

"Basta bukas dadaanan kita rito, Bakla, ha?"

"Oo na. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"

"E 'di susundan si Paul kung saan siya pupunta."

Napatigil kami sa pag-uusap nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Dinukot niya iyon sa loob ng kanyang bag at ipinakita sa akin kung sino ang tumatawag.

"Oh, bakit hindi mo sagutin?" untag ko. Si Paul kasi ang tumatawag.

Umiling siya. "Ngayon niya lang ako naalalang tawagan. Asa naman siyang papansinin ko siya. Basta hindi ko siya kakausapin hangga't hindi ko napapatunayang inosente siya."

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon