CHAPTER 10

2.9K 227 39
                                    

One-Sided

NAPAKATANGA KO. Bakit ko ba nasabi iyon sa kanya? Napasabunot ako sa sariling buhok. Hindi ko alam kung papasok ba ako ngayon sa trabaho o magtatago.

Bumabalik sa isip ko ang sinabi ko sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi iyon sa kanya. Marahil ay epekto iyon ng nainom kong alak.

I grimaced. Hinding-hindi na talaga ako iinom!

Pero hindi naman siguro niya sineryoso ang sinabi ko dahil hindi naman siya sumagot. He just stared at me when I told him I like him. Inalalayan pa nga niya akong umakyat sa floor ng unit ko.

"Get some rest. You are just exhausted."

Iyon lang ang sinabi niya. Manhid ba siya? Hindi man lang siya naapektuhan sa confession ko.

"Relax, Honey Larissa! Inhale. Exhale."

Kanina pa ako nakaharap sa salamin at sinisermonan ang sarili ko. Kung puwede ko lang ibalik ang oras para mabawi ko ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko maiwasang mag-isip na baka sobrang baba na ng tingin sa akin ni Sir Hans ngayon.

Mariin akong pumikit at muling huminga nang malalim. Mamamatay ako sa gutom kapag hindi ako pumasok sa trabaho. Kailangan ko itong harapin.

I wore a white fitted blouse. Pinatungan ko iyon ng kulay peach na suit jacket. At skirt na peach din. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. Nag-apply rin ako ng manipis na makeup at lipstick. Nang makontento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng apartment.

Nag-commute lang ako dahil malapit naman ang Bustamante Prime. Habang papalapit ako lalong bumibilis nag pagtibok ng puso ko. Saglit kong nakalimutan ang nangyari kahapon sa opisina dahil sa nasabi ko kay Sir Hans kagabi. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho kapag nagkataon.

Pagkarating ko sa opisina ay ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Wala pa si Phoebe kaya walang sumalubong sa akin ng pang-aasar. Pero tila nakakita ng alien ang mga kasamahan ko nang makita ako.

"May iba sa 'yo ngayon, Honey. Ang blooming mo. In loved ka na ba ulit?" untag ni Naomi.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Parang bigla kong pinagsisihan na nag-ayos pa ako. Baka isipin ni Sir Hans na nag-ayos talaga ako para sa kanya.

"Good morning, Bakla! Wow! Ano'ng meron? Bakit ang ganda mo today?"

Napangiwi ako at napatingin sa bagong dating. Hinagod niya agad ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Wala, ah. Hindi ba puwedeng ngayon ko lang isinuot ang damit na 'to kaya akala ninyo may kakaiba sa akin."

"Hindi, eh! May iba talaga. Iba ang glow ng mga mata mo. May nangyari ba?" tudyo ni Phoebe.

Alanganin akong ngumiti at piniling umupo na lamang. Hindi pinansin ang side comments nila.

Mayamaya'y bigla silang tumahimik nang may dumating. Sabay-sabay kaming napalingon sa lobby ng floor.

"Good morning, Sir Hans!" halos sabay-sabay na bati ng mga empleyado sa bagong dating na boss.

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Pero nagulat kaming lahat nang tumango siya sa amin at saka bahagyang ngumiti.

Nagkatinginan kami nina Phoebe. Maging ang mga kasamahan ko ay nabigla.

Nasundan ko ng tingin si Sir hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina niya.

"Wait, tama ba 'yong nakita ko? Ngumiti si Sir sa atin?" halos maghistirikal na bulalas ni Naomi.

"At may kakaiba rin kay Sir ngayon. Parang lalo siyang gumwapo," untag pa ng isa.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon