CHAPTER 5

2.3K 219 30
                                    

Spark

"MARAMING salamat po sa paghatid, Sir!" I exclaimed when we reached my place.

Kinalas ko ang seatbelt saka binuksan ang pinto sa gilid ko. Pero hindi pa muna ako lumabas. Nagulat ako kanina nang bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko.

"Naabala ko na naman po kayo," atubiling wika ko.

"I saw him following you earlier, and I thought you might need my help."

Napatingin ako sa kanyang mukha. Nakatingin naman siya nang diretso sa harap. Ang tinutukoy niya ay si Philip.

"Pero hindi po puwedeng ganito na lang palagi, Sir. Ayaw ko talaga kayong maabala. Kaya sana huwag n'yo na po akong alalahanin. I can deal with Philip alone. Titigil din naman po siya kapag napagod na siya sa pangungulit."

Hindi siya sumagot. Blangko lang ang kanyang mukha pagkatakpos akong sulyapan nang saglit. Nakahawak lang siya sa manibela. Ang hirap tuloy hulaan ng iniisip niya.

"Hindi ko nga maintindihan si Philip, e. Pagkatapos ng ginawa niyang panloloko sa akin kukulit-kulitin niya ako ngayon nang ganito. Ang iniisip ko ay baka pati si Nineth guluhin ako."

"Nineth who?"

Bumuntonghininga ako bago sumagot. "His current girlfriend. Pero ang sabi niya ay hiniwalayan niya na iyon."

Ang inaasahan ko ay magugulat siya sa sinabi ko. Pero katulad kanina ay naka-poker face pa rin siya. Hindi man lang affected sa madramang tsismis ng buhay ko.

"Do you still love him?"

"Hindi po! Hindi po!"

Sunod-sunod akong marahas na umiling. "Tanga lang ang magkakaroon ng feelings sa lalaking manloloko. Magsama sila ni Nineth niyang parang mauubusan ng lalaki kung makapang-agaw. Akala naman nilang dalawa malulungkot at madi-depress ako sa nangyari. Never! Hindi pa ipinapanganak sa mundo ang lalaking makapagpapaiyak sa akin—"

Napatigil ako sa pagtatalak nang maramdaman kong tila may mga matang matiim na nakatitig sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ko ay nagkasalubong ang aming mga mata. Napangiwi ako.

"Sorry, Sir. Naingayan ka ba sa 'kin?"

Lalo akong napangiwi nang marahan siyang tumango.

"Sorry po!"

"It's okay. I will eventually get used to it."

Tinubuan tuloy ako ng hiya bigla. Baka iniisip niyang palengkera ako at walang manners. At baka ma-turn off siya sa akin. Tapos magugulat na lang ako isang araw bigla na lang akong palayasin sa Bustamante Prime. Ayaw ko namang mawalan ng—

"What are you thinking?"

Napakurap ako. "Po?"

Napailing siya. "You looked like you just thought of a horrible thing in your mind."

I laughed awkwardly. Paano niya kaya nahulaan ang nasa isip ko?

"Iniisip ko lang po kung bakit kayo umaaktong masungit at snob gayong mabait naman kayo. You are actually a warm person, Sir. Kasi kung masungit kayo, bakit n'yo ako tinutulungan sa conflict ko kay Philip? Bakit po ninyo ako hinatid pauwi? Bakit po ninyo ako nginitian noong—"

Napatigil na naman ako sa pagsasalita nang mapansin kong tila nag-iba ang kanyang mood. Umiwas siya ng tingin at tila biglang may iniisip na malalim.

"Do you really think I am a good person?"

Nagulat ako sa tanong niya, pero nagawa ko namang tumango.

"Bakit n'yo naman po naitanong iyon, Sir? May nagawa po ba kayong krimen?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon