CHAPTER 8

2.7K 208 35
                                    

Crush

MABIGAT na buntonghininga ang naitugon ko kay Phoebe pagkatapos niyang maisalaysay sa akin ang lahat ng nangyari pagkatapos naming maglasing sa isang bar. We were both drunk that we could barely remember what happened. Pero ang alam ko lang ay isang malaking kahihiyan ang nagawa ko kay Sir Hans.

"So, ang ibig mong sabihin ay nagkaayos na kayo ni Paul?"

Umiling siya. "Naiintindihan kong ayaw niya lang akong mag-isip ng masama. He wanted to resolve the matter on his own. Pero hindi ko pa rin matanggap na nagsinungaling siya. Kaya on probation siya ngayon," aniya.

Napailing na lamang ako. Anak pala ng family friend nina Paul ang babaeng kinita niya sa restaurant. They were betrothed when they were young. Pero tanging mga magulang lang nila ang nagkakasundo sa kanilang dalawa. They only met to talk about how to break off the engagement. Besides, that woman is also in a relationship with someone else.

"Tama 'yan. Huwag mo siyang masyadong gawing kampante. Baka isipin niyang okay lang sa 'yo na nagsinungaling siya," nasabi ko. I hate liars.

"Exactly. Ang gusto ko lang naman, kung may problema siya ay sabihin niya sa 'kin para matulungan ko siya. Lalo na kung involved ako. I want to face everything with him."

A couple should share every weal and woe. I understand that Paul only wanted to protect my best friend, but lying to her was still wrong.

"Good morning, Sir!"

Napatigil kami sa pag-uusap ni Phoebe nang biglang dumating si Sir Hans. Binati siya ng mga empleyado.

Napayuko ako at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga folder sa table ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko siya kayang harapin pagkatapos kong ma-realize ang kagagahang nagawa ko no'ng weekend.

Halos napapigil ako ng hininga nang dumaan na siya sa harapan ko. Good thing, he didn't stop. Dire-diretso lang siya sa kanyang opisina. Parang wala lang siyang narinig na bumati sa kanya. He didn't even respond even just a nod. Gano'n pa man ay ipinagsawalang bahala na lamang iyon ng mga katrabaho ko. Mukhang nasasanay na sila sa ugali ng director namin.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga nang sa wakas ay nakapasok na siya sa kanyang opisina. Pero muntik na akong mapatili nang bigla na lang may sumundot sa tagiliran ko.

Sinamaan ko ng tingin ang salarin.

"Akala mo ba nakakalimutan ko na? May utang ka pang kuwento sa 'kin. Ano'ng nangyari pagkahatid sa 'yo ni Sir Hans no'ng Sabado nang gabi?"

Tinakpan ko ang bibig niya at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Huwag ka nang mag-deny. Paul told me everything. Hinatid ka raw niya pauwi. Nag-alala kasi ako sa 'yo kaya sinabi niyang hinatid ka ni Sir. So, what happened?" nanunudyong tanong niya.

Instead of answering her, I pointed to the clock. Napatingin naman siya roon.

"Oras na ng trabaho kaya huwag ka nang tsumismis."

"Saved by the bell!" nakangising untag niya.

I rolled my eyes in annoyance. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako nagkukuwento. Pero paano ko naman sasabihin sa kanya ang nagawa kong kagagahan? For Pete's sake! I took advantage of our boss!

I tried my best to avoid my boss. I didn't dare to initiate a conversation as well. Pero sadyang inaasar ako ng pagkakataon dahil lagi niya akong tinatawag sa opisina niya at inuutusan. Para bang sinasadya niyang mapapunta ako roon palagi. Halos hindi na nga ako makaupo sa puwesto ko.

"Can you please sort those files? Make sure the supporting documents for every project is complete. Coordinate with the right people if there is anything that's missing. Also, don't forget to put labels."

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon