CHAPTER 2

2.6K 199 29
                                    

Antisocial

NGAYON lang talaga ako nakatagpo ng boss na kagaya ni Sir Hans sa mahigit isang taon kong pagtatrabaho rito sa Bustamante Prime. Sa aming dalawa ay mas mukha pa akong boss kasi siya ang mas busy. Lumalabas lang siya sa opisina niya tuwing lunch break at uwian at saka sa tuwing may kailangan siya kay Sir Timothy.

Naging usap-usapan sa opisina ang kakaibang ugali ng director namin. Madalas pa nga nila akong tinutukso kasi nagmumukha raw akong amo at assistant ko si Sir Hans.

Akala ko no'ng una ay masungit lang talaga siya pero may kakaiba talaga sa kanya. Dalawang araw na ang nakalilipas pero gano'n pa rin talaga ang behavior niya.

Napatitig ako sa isang libong papel na ibinigay niya sa akin. Inipit ko iyon sa journal ko. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang binigyan niya talaga ako nito para lang tumahimik. Tulala pa akong lumabas no'n sa opisina niya bitbit ang pera at tinatanong ang sarili ko kung ano'ng mali sa 'kin.

"Nandiyan na ba si Sir?" usisa ni Phoebe sa akin.

Agad ko namang isinara ang journal ko saka inilagay sa loob ng drawer na nasa gilid ko.

"Malamang. Lagi namang maagang bumabalik iyon sa opisina niya after lunch. At saka hindi ko alam kung saan 'yon kumain. Hindi ko naman kasi nakita sa pantry kanina," untag ko.

Humagikhik si Phoebe saka umiling-iling.

"Sa tingin ko talaga introvert si Sir. Kasi parang hindi niya talaga ugaling makipag-usap lalo na sa mga hindi niya ka-close. Si Sir Timothy at ang assistant niya lang yata ang kinakausap niya, e."

Napaisip naman ako.

"Pero may mga introvert naman na marunong makisama. E siya kahit batiin mo hindi man lang ngumingiti. Tango lang ang sagot tapos parang hindi siya makatagal sa harapan ng maraming tao. Kung hindi mo lang siya kilala, aakalain mong masungit siya. Parang ang socially awkward niya kamo," untag ko naman.

"Ang dinig ko genius daw 'yan si Sir. Double-degree holder ba naman. Certified Public Account na, Architect pa siya. Tiyak na wala siyang time noon makipag-socialize kasi dire-diretso siyang nag-aral. Kaya gano'n ang kinalabasan ng ugali niya. Tapos 15 lang siya no'ng nagsimulang mag-aral ng college kasi accelerated siya no'ng mid-school."

Namangha ako sa mga sinabi ni Phoebe. "In fairness ang dami mo nang alam tungkol sa kanya. Hindi ka halatang tsismosa."

Inirapan niya ako saka tumayo. May bitbit siyang folder. Mukhang makikiisyuso na naman sa mga engineer at architect sa kabila.

"Good luck, Bakla. Isipin mo na lang na hayahay ang buhay mo kasi hindi ka niya inuutusan."

Tinapik niya ako sa balikat bago naglakad paalis. Napanguso na lamang ako.

Anong hayahay ang pinagsasabi niya? Nakakainis nga kasi parang nagmumukha akong walang kuwenta sa opisina. Gumagawa ako ng reports pero pagkabigay ko kay Sir Hans ay meron na pala siyang nagawa. Kahit ang mga internal communications namin ay nauuna pang makarating sa kanya. Sa dalawang araw niya rito ni isang beses ay hindi niya man lang ako inutusan o kinausap. Ang huling pag-uusap lang namin ay noong unang araw niya na binigyan niya ako ng isang libo.

Marahas akong tumayo saka nagpunta sa pantry para magtimpla ng kape. Pansin ko kasing hindi pa rin siya lumalabas. Talent ko pa namang gumawa ng kape. Kahit nga si Sir Timothy kung minsan ay sa akin nagpapatimpla. Pati na rin si Phoebe.

Dinaanan ko muna ang analysis report na nasa table ko bago pumasok sa office niya. Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Pagkatapos kong kumatok nang dalawang beses ay pumasok na ako.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon