CHAPTER 1

4.2K 305 106
                                    

Weird

"YOU knew each other?" gulat na tanong ni Sir Timothy.

"Ah..."

Napalunok ako.  Hindi ko mahanap ang tamang sasabihin. Naku naman, bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa ang magiging boss ko?

"I bumped into her somewhere outside." Siya ang sumagot. Nakita ko sa gilid ng mga mata kong napa-oh si Phoebe. Malamang kung anu-ano na naman ang iniisip niya. 

Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng boses niyang magsalita! Parang boses ng superhero sa mga pelikulang napapanood ko. At ngayon ko lang din napansing mas lalo siyang gumwapo dahil nakasuot siya ng business suit. Bagay na bagay sa kanya. Kahapon kasi napakasimple lang ng suot niya.

"Oh, I see." Tumango-tango si Sir Timothy.

Pasimple akong sinundot ni Phoebe sa kamay na parang may gusto siyang sabihin.

"Hans will be taking over the projects left by Joefel. I am counting on everyone to work diligently as you did with your previous director."

"Yes, Sir!" sabay-sabay naming tugon kay Sir Timothy.

"Great! Get back to work, everyone."

Nagsipulasan naman kami. Nakita kong iminostra ni Sir Timothy ang bago naming director sa labas. Mukhang maglilibot sila sa lahat ng department. Napaka-hands on talaga ni Sir.

"Oy, magkuwento ka nga. Saan kayo nagkita no'ng bago nating director?" usisa ni Phoebe pagkabalik namin sa station namin.

Napairap ako. Sinasabi ko na nga ba at magtatanong siya.

"Wala, nagkabungguan lang kami. Hindi ko naman akalain na siya pala ang bago nating boss."

Kulang na lang ay batukan ko ang sarili ko. Bakit kasi hindi man lang nag-react kahapon? Kaya pala gulat na gulat siya nang inabutan ko siya ng isang daan. Siguro first time niyang maka-encounter ng kagaya kong bigla na lang nanghihila ng lalaking ipapakilala bilang boyfriend niya.

"Oh, boring naman. Akala ko magkakilala talaga kayo," untag ni Phoebe.

Napangiwi ako. Naku, kung alam niya lang. Hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami pagkatapos ng nangyari kahapon.

"May bago na namang pagpapantasyahan ang mga empleyado. Mukhang bata pa si Sir. Tingin ko mas matanda lang 'yon sa atin ng dalawa o tatlong taon. Pero pansin mo bang sobrang tipid niyang magsalita? Tapos hindi man lang ngumiti sa atin. Panay tango lang siya. Hindi ko alam kung masungit siya o nahihiya lang. Pero wala naman sa mukha niya ang nahihiya."

Pansin ko nga rin. Ako pa naman ang pinaka-affected sa pag-retire ni Sir Joefel kasi assistant ako ng director. Hindi ko tuloy alam kung paano pakikisamahan ang bago naming boss. Lalo na at may bad impression na ako sa kanya.

"Pero sa tingin mo may girlfriend na siya?" muling untag ni Phoebe.

Napailing-iling ako saka inikutan siya ng mga mata.

"Bakit interesado ka? Hindi ba may boyfriend ka na?" pambabara ko sa kanya.

Napangiwi naman siya. "Hindi naman sa gano'n. Sa ating dalawa ikaw ang single at available. Baka lang naman siya na pala ang para sa 'yo!" kinikilig na untag niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napatigil lang kami nang dumaan sa harapan namin si Philip. Ngumisi lang siya nang mapatingin sa puwesto namin.  

Awtomatiko namang nagbago ang timpla ng mukha ng kaibigan ko nang makita ang pagmumukha ng ex ko. Siniko ko naman siya na tumahimik na. Galit din kasi siya sa kay Philip dahil sa ginawa nito sa 'kin. Mas galit pa nga siya kaysa sa 'kin, e.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon