CHAPTER 3

2.5K 231 39
                                    

The Boyfriend

NAPANGITI ako nang maabutan kong puno ng bulaklak ang table ko. Just like last year na birthday ko, halos lahat ng officemates ko ay naglagay ng bulaklak at card sa lamesa ko. May mga regalo rin. Halos matakpan na nga ang mga folder na nakapatong doon.

"Happy birthday, Honey!"

Kanya-kanya silang bati. Nangunguna si Phoebe. May bitbit siyang cake. Kinantahan nila ako.

"Oh, mag-wish ka muna," untag ng kaibigan ko pagkatapos nilang kumanta.

I closed my eyes and silently chanted my birthday wish. Sa totoo lang ay kontento na ako sa buhay na meron ako. Kahit nasa malayo ang parents ko ay hindi nila ako kinalilimutang dalawin dito. Umagang-umaga nga kanina ay nagising ako sa tawag ni Mama. Gusto sana nilang pumunta rito kaya lang ang sabi ko ay may lakad ako mamaya kasama ang officemates ko. Kaya sa weekend na lang ako uuwi sa Pangasina para dalawin sila.

Nagpalakpakan sila pagkatapos kong mahipan ang kandila. Ibinaba ni Phoebe ang cake saka niyakap ako.

"Happy birthday, Bakla!"

"Salamat, Baks."

Pagkahiwalay namin ng yakap ay inabot niya sa 'kin ang isang paper bag. Agad ko namang tinanggap iyon at sinilip ang laman. Napangiti ako nang malapad.

"Pinag-ipunan ko 'yan. Alam ko kasing matagal mo nang hinahanap ang ganyang mug," aniya.

Sa tuwa ko ay niyakap ko siya. I collect ceramic coffee mugs. Lalo na 'yong mga limited collection set ng mga sikat na coffee shop. In fact, marami na nga akong nakolekta na nakatago sa apartment.

"Ang sweet mo naman, Bakla. Salamat talaga!"

"Malakas ka sa 'kin, e."

Puro chocolates at bulaklak ang natanggap ko. Isa-isa ko naman silang pinasalamatan. Napatigil lang kami nang dumating sina Sir Timothy at Sir Hans na magkasunod. Siguro nasa iisang subdivision lang sila nakatira kaya sabay silang pumasok. Sabay-sabay naman kaming bumati sa kanila.

"Happy Birthday, Larissa!"

"Salamat po, Sir Tim."

"Please follow me to my office," untag ng CEO namin.

Tumango naman ako at nagpatiuna. Nang sulyapan ko si Sir Hans ay blangko ang kanyang mukha.

"Good morning, Sir!" bati ko sa kanya.

Tumango lang siya at walang lingon-lingong pumasok sa opisina niya. Nagkatinginan naman kaming lahat.

"Grabe, hindi ka man lang binati ng amo mo," pabulong na tudyo ni Phoebe.

Napailing na lang ako at naisipang sumunog sa opisina ni Sir Timothy. Kumatok muna ako nang dalawang beses bago pumasok.

"Come in."

Inihanda ko ang ngiti ko bago pumasok.

"Sir..."

"It's your birthday. Why didn't you apply for leave?" usisa niya sa 'kin.

Napakamot lang ako ng batok bago umupo sa visitor's chair nasa harap ng ng table niya. Ang totoo kasi niyan ayaw kong um-absent hangga't hindi ko nakakabisado ang ugali ng bagong director namin. Parang hindi naman maganda tingnan kung a-absent ako gayong bago pa lang siya rito. Baka magkaroon pa siya ng bad impression tungkol sa 'kin.

"Uhm, wala naman kasi akong pupuntahan, Sir. Sa weekend pa ako uuwi sa probinsya."

"I see." Tumango-tango si Sir Timothy.

"Anyway, here's my gift for you."

May inabot siya sa akin na isang red envelop. Binuksan ko iyon at tiningnan ang laman.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon