CHAPTER 7

2.4K 231 42
                                    

Hangover

HINDI ko maiwasang mapangiti kasi parang totoong-totoo ang panaginip ko. His lips taste like no other—soft and palatable. He stiffened as soon as I deepened the kiss.

Natawa ako pagkatapos kong ihiwalay ang mga labi ko sa kanya. Muli kong ikinawit ang mga braso ko sa kanyang batok.

"Sir, hindi mo pa nararanasang humalik ng babae, 'no?" tudyo ko sa kanya.

His face remained stoic. Napakurap ako. I cupped his face with my both hands. He feels so real.

"Don't worry. Your secret is safe with me," I said.

I tried to reach for his lips one more time, but he avoided me. Napasimangot ako.

"Hay, kahit sa panaginip ko masungit ka pa rin! Pero hindi bale, at least nahalikan kita!"

I giggled. Muntik na akong matumba nang muli akong nakaramdam ng hilo pero nasambot niya ang baywang ko.

"I hope you will remember everything once you're sober," wika niya.

Ngumisi lang ako. Bakit ko naman siya makakalimutan? Kakaiba siya sa lahat ng boss na nakilala ko. At kakaiba rin siya sa mga lalaking nakasalamuha ko. He's deep and sensible. He's mysterious.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Napaiyak ako.

"Pero sana hindi ka kagaya ni Philip at ni Paul. Sana hindi ka katulad nila na sinungaling at manloloko."

"What are you talking about? You're so drunk."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Bigla ko na naman kasing naalala ang nangyari sa akin at kay Phoebe.

"Bakit gano'n? May mga lalaki talagang manloloko. Nanahimik ang babae , liligaw-ligawan nila. Kapag sinagot na sila, sa una lang sila magaling. Kapag nagsawa na sila, itatapon lang nila ang mga babae na parang basura. Bakit pa sila nanligaw in the first place kung hindi rin naman nila kayang panindigan ang nararamdaman nila hanggang sa huli? Bakit kailangan nilang magsinungaling? Bakit kailangan nilang mag—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lalo akong nahilo at nandilim ang paningin ko.

"You're so troublesome."

Naramdaman ko na lang na parang umangat ako sa ere. Pero hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko. Someone's carrying me!

Is this still a dream?

I heard some clicks. Hanggang sa naramdaman kong pinaupo ako. Am I inside the car?

"Huwag kang mag-alala, Phoebe. Makakalimutan mo rin si Paul. Magsama sila ng babae niya. Hindi niya deserve na iyakan mo kaya huwag ka nang umiyak, ah? Nandito lang ako para sa 'yo..."

Pinilit kong magmulat at hinanap si Phoebe ngunit hindi ko siya makita.

"Phoebe?"

"So, you drank with Phoebe because you thought Paul is cheating on her?"

Iwinaksi ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. "Nandito lang ako para sa 'yo, Phoebe. Magpalit ka na ng jowa, bukas na bukas din!"

"Tsk! You're unbelievable!"

. . .

Nagising ako na parang mababasag ang ulo ko. Sinubukan kong bumangon ngunit muli akong napahiga. Pero nang marinig kong may kalansing sa kusina ay muli akong napabangon.

Tiningnan ko ang oras. Mag-a-alas otso na ng umaga.

Pero napatigil ako nang mapansin ko ang suot kong damit.

Water Under the BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon