Chapter 1

63 9 14
                                    

LET ME help you then.

Isang linggo nang nakakaraan nang sinabi niya yun. Mula din nun ay hindi na kami nag-usap. Hindi ko na rin siya madalas nakikita, siguro nga dahil busy.

Pero isa lang ang alam ko... dahil sabado ngayon, may meeting kami. Magkikita kami.

Hindi naman sa umasa ako dun sa sinabi niya 'noh, pero kasi... kasi... nung time na sinabi niya yun parang may kumislap na inspirasyon sa akin.

Parang may nakita talaga akong pag-asa. Yung light in the tunel kung baga.

Aba ewan ko! Masyado kase siyang sincere nung sinabi niya yun. Masyadong maamo at sinsero ang mga mata niya nung sinabi niya yun. Kaya kahit paano, naniwala ako.

Kaharap ko ang reflection ko sa isang malintab na kotse na naka park sa may gate.

Inaayos ang damit ko. Naka-plain white t-shirt tapos jacket then dark blue na jeans at itim na Adidas na sapatos. At dahil naman walang ibang hairstyle ang kaya ng buhok ko, nakapony tail lang ako.

Maya maya pa ay nakompleto na ang mga SSG members nag naghihintay sa gate at sabay na kaming naglakad patungo sa SSG office. Nandun siya, ang VP at ang secretary namin.

"Good afternoon Lance!" Bati ni Jay sa kanya. Napalingon tuloy siya samin, tapos dumako ang tingin niya sakin. Ngumiti naman siya tapos binati din si Jay sabay signal na pumasok na.

Hindi naman sa nag-aassume 'noh? Pero kasi nakita kong hinagod niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy ako, buti nalang nanjan si Jeico na laging nangungulit, kaya nalipat ang atensyon ko.

Pinaupo niya kami sa rounded na lamesa malapit sa pintuan. Nung naupo naman na kami ay nag-attendance na ang secretary tsaka sinimulan na niya ang meeting. Ang arrangement namin ay base sa mga posisyon namin sa school, kaya ito, kaharap ko siya na katabi ang Vice at secretary niya.

Ang daming problema sa school grabe! Sa sobrang dami parang ang sarap nang mag-resign, kaso tungkulin ko 'to kaya hindi ako aatras.

Nang tumayo na siya para mag-explain, ako naman ang tumingin at umusisa sa kanya. Naka v-neck wool shirt lang siya na kulay blue tapos denim shorts, suot suot niya pa rin ang glasses niya at ngayon napansin kong nagpa-gupit siya. Lalo kesng umiksi ang buhok niya. Ang simple lang manamit pero nagsusumigaw ang appeal niya.

Mga 2 hours din ang tinakbo ng meeting, from 1 Pm to 3 Pm kami dun sa office. Nag assign na rin kami ng kung sino ang mga ma-a-assign sa flag raising at lowering ceremonies sa weekdays para 'di na magkalituhan sa lunes. Nung uwian naman ay panay hikab sina Jay at Jeico, halatang hindi nakikinig 'e.

"Oh sige alis na'ko. Bye." Sabi ni Jeico sabay hikab. Kasunod namang nagpaalam si Jay, tapos yung treasurer at PIOs namin at yung mga representatives sa Junior. Ang tanging natitira na lang sa office ay si Ate Vice President, Siya, si Erial ang secretary namin, at ang kakwentuhan ko na Auditor namin, si Aiza.

"Santos." Napahinto ako sa pagsasalita nang narinig kong may tumawag sa apilyedo ko. Dumiretso ang tingin ko sa main desk na kinauupuan ng President. At nandun lang siya, nakaupo, nakatingin sa'kin.

"Oh?" Inis kong tanong. Hindi naman sa nagtataray ako 'noh? Pero kasi may kuwentuhan pa kami' oh. Eepal na naman 'to. Tapos ano? Magpapa-asa? Ganu'n?

Tumingin siya sa Secretary namin na nag-aayos pa ng minutes. Kakalabas lang ni Ate Vice President kaya apat nalang kami natitira. "Wala na ba akong kailangang gawin?" Tanong niya. Nang umiling si Erial at mabilis pa sa kidlat niyang niligpit ang mga gamit niya at pinagpapasok ito sa sling bag niya.

"Oh, Aiza. Hiramin ko muna 'to ah." Turo niya sa'kin na para bang isa lang akong gamit. Wow 'ah,kung makahiram... Tumango naman si Aiza. Kunot noo kong tiningnan ang auditor na nakangiti lang parang timang. Pero bago ko pa man masinghalan itong si Aiza ay naagaw na ni President ang atensyon ko. He gestured me to follow him, at ako naman si Miss Curious, sumunod nalang sa kanya.

Into Your Embrace (SSG series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon