"AMPT. BILISAN mo Jay!" Hinampas ko ang braso ni Jay.
"Aray Kale! Ikaw ah, magkakapasa na'ko nyan, kanina ka pa!"
"Bilisan ko kas—"
"Oh eto na eto na! Malapit na tayo!" Anunsyo niya. Para ba akong nakahinga ng maluwag ng makita ko ang isang gusali ng cafe sa di kalayuan. And as expected, may dalawang magarang kotse na nakapark sa harapan.
Kotse yan ng mga kapatid ni Prez.
Hindi pa nakahinto ang sasakyan nang tumalon ako at tumakbo patungo sa likod ng cafe.
"Kale!" Patawag ni Jay. Saglit lang akong huminto at lumingon sa kaniya.
"Humingi ka ng tulong sa guard ng cafe! Ampota bilisan mo!" And with that, i ran again.
Medyo malaki-laki ang cafe, kaya malayo-layo din ang tinakbo ko paikot sa likuran nito.
At pagdating na pagdating ko dun, kay Prez agad napako ang paningin ko. Nalasandal siya sa sementadong pader ng cafe habang magulong magulo na ang buhok niya. Wala na ang salamin niya. At madumi na anh damit niya. Duguan din ang gilid ng labi niya at may mga pasa na din siya. Maramng pasa. At... at...
May dugo sa may tiyan niya!
Paksheyt!
"Prez!"
Lahat ng atensyon ng mga nakapalibot kay Prez ay napukol sakin. Pansin kong may dalawang lalaking may taglay na kagandahan. Mga guwapo at charming. Sila siguro yung mga kapatid ni Prez.
"Oh, look who's here." Sabi nung mas matangkad na lalaki. Medyo tan siya at makapal ang kilay niya. May pilyong ngiting nakaguhit sa labi niya habang naglalakad siya papalapit sakin. "So it's her. Bro it's her. Lancey's girlfriend!" Sabi niya sa kasama niya.
"What a brave girl. You really came here alone, hm?" May pang-uuyam niyang tanong.
"Let him go." Inimuwestra ko ang kamay ko kay Prez.
"Sorry lady, but we still have undone business with him." Sagot nung isang kapatid ni Prez na may kaputian at halos kasing tangkad ko lang. "Ano ba kaseng nagustuhan mo kay Lancey boy, ha?" Tanong niya. "He's a loser who can't even protect himself."
"Ang pangit ng taste mo. Ako nalang kaya, im Jade by the way." Sabi ng kaharap ko. Pero hindi ako umimik. Nakatingin lang ako kay Prez na hinang-hina na. Nakatingin din siya sakin at basang-basa ko ang sinasabi ng mga mata niya. Gusto niya akong umalis dito. Pero hindi! Hindi ko siya iiwan!
He mouthed me to go giving me a weak smile. Pero hindi ako nagpatinag. Hindi man ako makalapit sa kaniya dahil sa mga epal na nalaharang, at least masisigurado kong hindi na siya sasaktan pa.
Jusko! Mga kapatid niya ba talaga 'tong mga ampota'ng 'to? Parang mga walang puso!
Akmang susuntukin pa sana ng kapatid niya sa tabi niya pero agad akong gumalaw at tumakbo papalapit sa kanila. Kitang kita ko ang pagpalag ng mga guwardya nila at mukhang huhugot pa nga ng baril mula sa mga holster 'e. Pero pake ko? Si Prez ang importante ngayon.
"Oh. Ang tapang mo talaga 'noh?" Sabi sakin bago siya bumaling kay Prez. "Tell me Lancey, saan mo ba napulot' tong girlfriend mo? She's brave, she look smart and she's beautiful. Hm."
"Hindi yata siya pinulot. Mukhang sinungkit mula sa langit." Biro nung isa. Pero bago paman makasagot si Jade, nag-echoe na ang pito ng guwardiya ng cafe. Na-alarma yata ang mga guwardiya ng mga kapatid ni Prez nang agad nilang inalalayan ang mga amo nila paalis.
"Anyways, we're here to inform that our grandpa is dying. He wants to see his illegitimate grandson before he pass away. Anyway, nice playing with you little bro." Sabi ni Jade bago umalis. I just heard Prez clicked his tongue as he followed them with his gaze.
BINABASA MO ANG
Into Your Embrace (SSG series #1)
Teen FictionSSG series #1 [Currently editing] Insecurities... yan ang kahinaan na'ten. Pero sa kaso ni Kale Santos. Mukhang hindi lang insecurities ang problema niya... she's a lost soul... ayaw niya sa buong pagkatao niya, kesyo hindi sexy tulad ng mga kaibi...