Chapter 5

33 7 0
                                    

UNTI-UNTI, minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang magagandang mata ni Prez. The flashlight from my phone gave illumination to his beautiful face.

"Gising ka na pala." Aniya. Mahina lang akong ngumiti. Ampota, nakatulog yata ako. Unan ko ang mga hita niya at hinahaplos haplos niya ang buhok ko na naka messy bun. Wala siyang suot na glasses, marahil ay pati iyon kinuha din ng mga lalaking 'yun.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Ows. Matutulog ka ulit?" Mahina siyang natawa.

"No. I want to stay like this longer." Nakangiti kong sabi. Nakapikit parin ako at hindi ko nakikita ang expression niya. Pero rinig na rinig ko naman ang pagtawa niya.

"Me too."

Kunot nuo akong dumilat at sakto, nagtagpo ang mga mata namin. Bigla tuloy nabura ang katanungang namumuo sa utak ko. Im just mesmerized by the beauty of his eyes. Okay na sana 'e. Kaso hindi nakatakas sa paningin ko ang dugo sa may labi niya.

Wala sa wisyo akong napahawak sa labi niya. Ngumiwi siya. "Prez, m-masakit?" Ambobo! Malamang masakit! Ang tanga mo Kale! Agad kong binawi ang kamay ko pero natigilan ako nang hulihin niya iyon at idinikit sa pisngi niya.

Pumikit siya na para bang ninanamnam ang kung ano mang sensasyon ang nararamdaman niya sa pagdampi ng kamay ko sa pisngi niya.

He became a hundred times sweeter.

"You're my savior, you know."

"Ha? Pano naman?" Kunot nuo kong tanong. Hindi na siya sumagot pa. Sa ilang segundo ganito lang kami. Nakahawak ang kamay niya sa kamay ko na nakadampi sa pisngi niya at nakangiti siya habang nakasara ang mga mata.

Kahit madilim ay kitang-kita ko ang ganda ng features ng mukha niya. He's so attractive. And seeing this other sides of him, makes him more attractive.

He's just a human after all. Natutuwa. Nalulungkot. Naiinis. Nagagalit. Natatakot. May kahinaan. At narealize ko, na kahit pa gaano ka lakas ang isang tao. Nanghihina din siya. Nangangailangan din siya ng masasandalan.

And i will do my best to be that shoulder to lean on.

"When i was six," tumikhim siya. "Mom left me to someone. Doon ako nakatira for 2 months. People would think and say that living there is like a vacation. Heaven. Mayaman sila at malaki ang bahay- well actually it's a mansion. They have maids and alot of foods. B-but i experienced the opposite there. It's hell." Mapait siyang tumawa. "The man who took me, have two children. Both are boys,my age. They don't like me there so they did a lot of things just to kick me out of that mansion. They tricked me. They physically, emotionally and mentally hurted me." I saw how tears started to form on his dark orbs of eyes. Nakatingin lang siya sa kawalan. At walang buhay na ngumiti.

Nasa kaniyang pisngi niya pa rin ang kamay ko at hawak hawak niya parin ito.

"Marami na'kong naranasang sakit doon sa mansyon na iyon. Everytime the man is not around. They would throw their toys at me. They made me eat expired foods. Pinatulog nila ako sa bahay ng aso kapag wala yung lalaki. They say hurtful words at me. Wala daw akong silbe. Epal lang daw ako. Nakisawsaw lang daw ako sa pamilya nila. Im not even a family, bakit ako nandun? Even their mother made me feel that im an outcast. But i didn't say it to the man. I didn't told him that his family is hurting me. Hindi rin ako nagsumbong kay mom nun. Kasi totoo naman yung mga sinabi ng pamilya niya' e. Nakikisawsaw lang ako. Sino ba ako?"

"Tiniis ko lang. For two months. It feels like stopping my breath for two months. Araw araw, ang hirap lunukin ng kinakain ko dahil kada subo ko, may masasakit na salita na lumalabas sa mga bibig nila. May panunuya. Malambot nga ang kama, pero ang tigas at lamig ng pakikitungo nila sa akin. Kaya ko naman 'e. Kaya ko naman sana. But i didn't think they would go so far. There's that one time, i got late because i was playing outside. Naabutan ko nalang na nakasara ang gate. Locked. Walang guards dun, hindi ko alam kung saan nagpunta. Kaya hindi ako nakapasok. Nandon lang ako sa labas. Hanggang sa maabutan ako ng ulan. Ang lakas ng ulan nun, bagyo yata."

Into Your Embrace (SSG series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon