Chapter 8

22 6 0
                                    

N/A

Owemjiii sobrang excited na talaga ako para sa POV ni Lanscendric! Pero Ampt. Dahil sa plot mukhang matatagalan pa yata ako. Actually plano ko naman talagang isulat sa ibang book ang buong POV ni Lanscendric, why? Kasi mahaba haba yun. Kaso baka wala nang naging interesado dun, kaya dito ko nalang pagkakasyahin.
Readers check:habang sinusulat ko tong chapter 8 ay nasa 15 palang ang reads nito. May 9 votes at 22 comments.

Record check:
May 8 reads sa Prologue
4 sa Chapter 1
2 sa Chapter 2
At 1 sa chapter 3
Zero naman sa mga ibang Chapters. I was hoping na itong mga maliliit na number ng achievement ko ay magiging malaki din someday. Na someday, babasahin ko tong records check at maluluha nalang ako at masasabing... "wow ang layo na pala ng narating ko noh."

Masyado yata yung impossible sa ngayon pero hindi ako susuko. Consistency and little by little improvements is the key.

-----------------------
"BABAENG MALANDI na denial sa relasyon nila ni President Martins." Salubong ni Micelle sakin nung papasok na'ko sa classroom. Lumapit din sakin ang iba kong mga kaklase para tanungin ako.

"Oi Kale, totoo ba yung nasa school page? Jowa mo daw si President Martins?"

"Kaya pala bumisita siya dito nung nakaraan. "

"Kailan pa naging kayo?"

"Paano kayo nagkakilala?"

"Saan kayo nagkakilala?"

"Ang suwerte mo naman! Bagay kayo! Paano ka niligawan ni President Martins?"

"Anong feeling maging jowa ng SSG President-"

"Ahhhh!!!" Tumili si Micelle na ikinatigil ng mga kaklase ko. Sabay silang napatingin sa kaniya na nakapamaywang habang nakataas ang kilay. "Pwede ba! Isa-isa lang epal!" Lumapit siya sakin at nilapit ang kamao niya sa bibig ko. "So miss Kale, as Marise asked, Kailan naging kayo?" May panunudyo niyang tanong.

Ampt. Akala ko pa naman tutulungan niya ako. Nakalimutan ko, siya pala ang numero uno usisera sa relasyon namin ni Prez.

"Hindi kami. Okay?" Paglilinaw ko, pero mukhang hindi kombinsido ang mga kaklase ko at hinintay pa talaga ang mga susunod na sasabihin ko. "Magkaibigan lang talaga kami ni Prez."

Pero pagkakaibigan pa talaga ang tawag sa relasyon namin ni Prez? Alangan naman sabihin kong mentor ko siya, di'ba?

"Weh?" Taas kilay nilang tanong. Napakamot nalang ako sa batok. Ang tigas ng mga ulo ng mga ito!

"Oo nga-"

"Tsk. Denial si malanding Kale." Umirap si Micelle at humarap sa mga kaklase namin. "Oh! Wag kayo maniwala dito! Denial 'to." Tinuro niya ako. "Ah basta magjowa sila ni president Martins. Dene-deny niya lang." Pinal niyang sabi.

Wow mas may alam pa siya keysa sakin.

"Oi grabe mahu-hurt si Martins niyan kasi dinedeny mo." Sabi ng isa kong kaklase.

"Ang suwerte mo girl!" Sabi naman nung isa.

"Bagay kayo." Dagdag naman nung isa.

"Oi nagdadalaga na siya." Tudyo naman nung isa.

"Nagdadalaga na nga." Dagdag ni Micelle. Nakangiting aso lang siya habang nakatingin sakin, sinusundot pa ang tagiliran ko. "Alam mo mas PDA pa kayo kaysa sa campus couple na si Drie at Venice. Kayo na yata ang bagong campus couple 'e."

"Ewan ko sayo Micelle." Inirapan ko siya. Pinukol niya lang ako ng masamang tingin tsaka pinaghahampas.

"Aray!"

Into Your Embrace (SSG series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon