Chapter 2

31 8 0
                                    

"CLASS DISMISS." Anunsyo ng prof namin. Hinintay muna namin siyang makalabas sa classroom bago kami nag-unahan para makapag-recess na.

Bago ako pumunta sa canteen ay hinintay ko muna si Jeico makalabas sa classroom niya, magkatabi lang kasi ang building namin, kaya nakasanayan ko nang makasabay siyang mag-recess.

"Oi sabay tayo mag-tanghalian mamaya." Pag-aaya niya nang makalabas na siya sa classroom nila

"Sorry, nag-usap na kami ni Prez na sabay kami 'e. Kung gusto mo sama ka nalang? " Sabi ko. Ngumiti lang siya sabay iling at hindi na nagsalita pa. Tahimik lang kaming pumunta sa canteen na nasa kabilang building. Hindi ko alam kung bakit medyo nag iba ang timpla niya,at pati nung pabalik na kami sa building ay tahimik pa rin talaga siya. Akala ko nga di na siya magsasalita pa' e. Pero nawala na ang katahimikan nung ma-encounter namin si ate VP.

Nag-ayang manlibre si VP na hindi tinanggihan ni Jeico. Napagod na kasi akong bumalik balik kaya tumanggi ako sa offer. Ayun tuloy, mag-isa nalang akong naglakad patungong classroom. Sa third floor pa naman yun.

"Prez?" Nanlaki ang mga mata ko sa nakita- Isang pamilar na pigura na nakatayo sa harapan mismo ng pintuan ng section namin. Kinurap-kurap ko pa ang mata ko, baka namamalikmata lang ako. Bakit ba kasi siya nandito sa building namin. Wala naman siyang assigned duty dito 'e. At mukhang wala din naman siya kakilala dito... bukod saken.

Lumingon siya sa direksyon ko at nagtagpo ang mga mata namin. Kumaway pa siya at naglakad papalapit saken.

Sa sandaling yun, pakiramdam ko tuloy parang teleserye yung buhay ko. Tapos siya ang Male lead. Humihinto ang paligid, at may ngiti siyang naglalakad patungo saken.

As usual, naka-uniform at glasses pa din siya. His sweet smile is still intact. At may hawak siyang paperbag na hindi ko alam kung anong laman. Ang daming mga estudyante ang nakatingin sa kaniya, at yung iba pa nga ay binabati siya.

"Hey Kale." Bati niya.

"Prez. A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Bumaba naman ang tingin ko sa hawak niyang paperbag tsaka iyon tinuro. "Ano yan?"

"Ah ito." Inangat niya ang paper bag at walang pagdadalawang isip na inabot sakin. Kunot nuo ko tuloy pinabalik balik tingnan ang paperbag at siya. "For you."

Pero di ko tinanggap. Pinaningkitan ko lang siya ng mata, naghihintay sa paliwanag niya.

"Ah. Healthy food. Pang-recess mo sana, kaso na-late ako. Sorry." Sabi niya sabay ngiti. Lumabas tuloy yung dimples niya.

Grabe ah! Di ko to in-expect. E di sanaol hinatiran ng recess! Di tuloy ako nakabawi at nakatunganga lang nakatingin sa kaniya. Ene be, beke me fell eke jern. Chour.

"Ah by the way, these are Vegetable lumpia, and kalamansi juice na hindi malamig." Imporma niya. Tila wala ata siyang balak ibaba ang kamay niya, kaya tinanggap ko nalang ang paperbag.

"S-salamat. Pero di mo naman kailangang gawin to 'e." Sabi ko. Sheyt nakakahiya. May mga nakatingin na sa amin, at nagbubulungan pa yung iba. Baka gumawa ng issue ang mga ito. Naku!

Alam kong pansin din iyon ng presidente, pero nagsiwalang kibo lang siya, na para bang walang mga matang nakatuon sa amin.

"No it's fine. I didn't have to do it. I want to do it." Sabi niya tsaka ngumiti na kita ang mga pantay at tila ba kumikinang niyang ngipin. Once again, 'di ako nakaimik sa sinabi niya. "Sige alis na'ko. See you later." Aniya bago umalis. Kumaway pa siya sa mga nagtilian na estudyante na nadaaanan niya at halos mamatay-matay pa ang mga ito sa kilig. Mga ilang segundo siguro nung umalis na siya pero di pa rin ako nakabawi at lihim na napangiti nalang. Sheyt! Kung ganu'n siya ka-sweet sa subordinate niya, pano na kaya sa GF niya? Ano kayang feeling maging GF niya 'noh?

Into Your Embrace (SSG series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon