"BOYFRIEND PALA ha," pinukol ko ng masamang tingin ang presidente nang maghiwalay na ang mga kamay namin. "Studate pala ha... hmmmmm, Weeksarry pala ha." Pinag-krus ko lang ang mga braso ko at hindi ko talaga tinanggal ang titig ko sa kaniya.
Balik glasses na siya. Hindi na pawisan. At nakaschool uniform na ulit.Lumingon lang siya saken at nahihiyang ngumiti at nag peace sign pa!
"Peace. Peace tayo." He gave me a puppy-eyes-look. "Sorry, i didn't want you to lie. I don't want to lie either. But something is telling me that she don't have pure intentions towards you." Paliwanag niya.
"Wow ah. Daig mo pa ang women instinct!" Sarkastiko kong sabi. "Daig mo pa ako."
"Kale. You're dense." Diretso niyang sabi. Ouch. Kung hindi siguro siya cute, baka namura ko na siya. Futanginang utak to, bias sa mga cute. Justice please! "But Kale. Im serious. Stay away from fake people. Stay away from two-faced people. Stay away from toxic people. Ayaw kong pagdating ng araw, ikaw rin ang masisira sa kabaitan mo." Aniya.
Wala sa sarili lang akong tumango at lumihis ng tingin. Nakakalusaw kasi yung mga titig niya 'e. Paksheyt na puso' to! Ayaw tumigil kaka-kabog!
Kung makapagsermon naman siya, daig pa ang nanay ko. Di'ba dapat ako ang mangsermon sa kaniya ngayon?
"Ah Prez. Kumusta si Ken Cruz? Malala ba ang injury niya?" Paglilihis ko ng topic.
"Hindi naman. Pero kailangan niya lang ng pahinga." Sabi niya. "Nakakakaba nga yung laro kanina 'e. Siya lang ang magaling magbasketball sa buong section namin. Hindi naman pwedeng iasa nalang namin sa kaniya ang lahat."
"Ows. Siya lang ba ang magaling? Sino ba yung panay 3 points kanina?" Panunudyo ko. Ngumiti lang siya at nagpeace sign.
"That was just pure Luck. Believe me."
Pahumble pa. Hindi na ako umangal at nanahimik na. Magkatabi kami habang pumapara ng bus sa labas ng school gate kasama ng ibang studyanteng malayo din ang tinitirahan. Sabi ni Prez hindi niya daw nadala ang Mio niya kasi pinapalitan ng gulong at may mga pinaayos din.Maya-maya pa ay nakasakay na kami ng bus. Maluwag naman. Magkatabi kami. Ako sa may bintana tapos siya sa kabila.
Nagcheck ako ng oras, 4:05 PM. Mga ilang minuto din ang tatakbuhin ng bus bago ako makarating sa bahay. Ito namang si Prez mauunang bumaba. Dun lang naman siya sa may pinakamalapit na apartment hihinto 'e.
Tahimik lang kami sa buong byahe, mga 3 minutes nga lang din naman yun kase bababa na si Prez. Actually, malapit lang ang ba-babaan ni Prez, kaso pahinto hinto ang bus dahil sa mga pasahero na pumapara, kaya medyo natagalan.
"Para po." Medyo malakas na sabi ni Prez. Huminto ang bus tsaka tumayo na si Prez. Akala ko, ba-baba na siya pero tumingin pa siya saken. "Tomorrow. We'll begin your physical exercise." Imporma niya. Tumango lang ako.
"Sige Prez. Goodluck sa paghahanap ng apartment, ah."
"Thanks." Aniya bago bumaba. Kumaway kaway pa ako sa kaniya bago umusad ulit ang bus. I feel Deja vu.
"Ingat. Kale."
Deja vu nga!
"NANDITO NA ako." Imporma ko, pagpasok ko sa bahay. Pumunta ako sa sala, walang tao. Pero may naririnig naman akong nagluluto sa kusina, sigurado akong si mama yun.
Hindi na ako bumati pa at umakyat nalang diretso sa kuwarto ko para magbihis. Pagbaba ko naman ay tinulungan ko si mama sa pagluluto at iba pang gawaing bagay.
Sermon at walang hanggang rap naman ang inabot ng nakababata kong kapatid kasi late nakauwi. Alas sinco na nung makauwi siya at ang dumi pa ng polo. Sinunod lang talaga siya ng sermon ni mama hanggang makapasok siya sa kuwarto niya. Ayan, late kase umuwi. Palibhasa lalaki. Palibhasa may jowa. Kaya yan, namimihasa nang makipagdate. Amfuta.
BINABASA MO ANG
Into Your Embrace (SSG series #1)
Teen FictionSSG series #1 [Currently editing] Insecurities... yan ang kahinaan na'ten. Pero sa kaso ni Kale Santos. Mukhang hindi lang insecurities ang problema niya... she's a lost soul... ayaw niya sa buong pagkatao niya, kesyo hindi sexy tulad ng mga kaibi...