"LUTANG SI girl." Pakantang sabi ni Micelle habang sinusundod sindot ang tagiliran ko. 'E wala naman akong kiliti dun kaya hindi ako naapektuhan. "Hoy ano bang nangyayari sa'yo? Hoy! Earth to Kale?!" Ini-snap niya ang kamay niya sa harapan ko.
Napakurap kurap ako bago dumako ang tingin ko sa gawi niya. "H-ha? A-ano... wala lang..." pag-iiwas ko.
Ayaw ko namang sabihin sa kaniya ang nangyari sa amin ni Prez kagabi 'noh! Amin amin nalang yun. Baka mas lalo pang magwala ang sistema nitong si Micelle pag nagkuwento pa ako. Pero hindi ko maalis sa isipan ko' e! First time yun na may humalik sa akin na lalaki at- paksheyt! Si Prez pa talaga?!
Ang suwerte ko naman.
Kahit hindi sa lips, masuwerte pa rin ako. Chour.
And speaking of Prez, hindi pa siya nakakarating. Kanina pa nga naghihintay sina ate VP sa SSG office 'e. Pero maski anino wala. Sinubukan ko siyang i-chat,pero walang reply. Offline. Pero ang tanga ko naman. Nanakaw nga yung cellphone niya kagabi di'ba? Paano siya makakapagreply? Marahil ay nakombinsi na siya nina tita na magpahinga. Mas mabuti na yun.
"Sure ka ba?" Pangungulit ni Micelle.
"O-oo nga, okay lang ako. W-wala lang t-to-"
"Sus. Kunwari ka pa. Hoy Kale! Basang basa kita. Hindi ka marunong magpanggap. Hindi marunong magsinungaling ang mga matang yan!" Singhal niya. "So ano ngang nangyar-"
The bell rang.
"Oh. Narinig mo yun?" Tumingin ako sa kaniya. "Ibigsabihin nun, halikana i-check na natin ang mga classrooms ng first year, para masigurong wala ng mga tao roon. "Paglihis ko ng usapan. Tumayo ako mula sa desk ko tsaka hinintay makalabas ang mga kaklase namin.
Matapos naming masiguro na wala nang tao sa section namin ay bumaba naman kami sa ikalawang palapag para magcheck doon.
Mabuti nga at nasa iisang building and lahat ng first year seniors. Nang sa ganu'n ay hindi na kami mapagod kakalakad. Tsaka tatlong section lang din, kada palapag isang section. Oh di'ba, easy!
Kasama ko naman sana si Micelle sa pagche-check ng mga classrooms pati Cr 'e. Kaso, tinawagan siya ng presidente ng organisasyon nila, may urgent meeting daw. Kaya ayun umalis, ako nalang mag-isa.
Matapos kong ma-check at masiguradong wala na ngang tao sa second floor, bumaba naman ako sa first floor. Wala ding tao sa classroom, kaya chineck ko ang banyo. May male at female na restrooms dun, katabi, ng pinto ng classroom. Wala namang tao sa restroom ng Females, pero natigilan ako dun sa Males.
"Sabihin mo lang saken kung pagod ka na. I can break up with you." Anang boses ng babae.
"Ano bang sinasabi mo? Ha? I don't have plans in breaking up with y-"
"Sige lokohin mo pa ang sarili mo Drie!"
Napanganga ako.
"Lokohin mo pa ang sarili mo! Kasi kung ang sarili mo kaya mong bilugin hindi ako! I know you, i fucking know you! And you," may diin na pagkakasabi niya sa 'you. "You're still inlove with her!"
"Venice! That's just your imaginations i don't-"
"Stop that! Ayoko na Drie! Alam ko naman na siya pa rin ang-"
"Fuck it! Venice!" Napasigaw si Andrie. Amputa. Ano bang nangyayari? "I don't love her oka-"
"If you don't love her, then explain why i always caught you staring at her From the distance?! Explain why you're stalking her on Facebook?! Explain why you never treated me the way your friends told me how you treated her before?! Explain Andrie, at matatahimik ako." Unti-unti, ang mga salita ay nagiging hikbi na. Humahagulgol si Venice, habang hihihintay ang sagot ni Andrie. Ang sagot ni Andrie na gusto ko rin marinig.
BINABASA MO ANG
Into Your Embrace (SSG series #1)
Teen FictionSSG series #1 [Currently editing] Insecurities... yan ang kahinaan na'ten. Pero sa kaso ni Kale Santos. Mukhang hindi lang insecurities ang problema niya... she's a lost soul... ayaw niya sa buong pagkatao niya, kesyo hindi sexy tulad ng mga kaibi...