PARA AKONG binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig sa sinabi ni Prez. Nakatingin lang ang buong tropa sa amin habang ang mga mata nila ay humihingi ng kapaliwanagan. Pero bago paman ako magsalita, naunahan na ako ng presidente.
"I know guys, na baka nagtatampo kayo kay Kale kasi wala siyang sinabi." Mahina siyang natawa. "But the fault is actually on me because i pleaded her to keep our relationship a secret." Dagdag pa niya.
"Well ako, alam ko na na may relasyon kayo." Micelle shrugged. Sa kaniya tuloy natuon ang mga mata ng mga tropa.
"Bat di mo sinabi?" Sabay nilang tanong.
"I respect privacy guys." May sarkastiko niyang sabi. "Of course kailangan ko ng confirmation. At dapat sa kanila mismo manggaling." Lumingon siya samin. "Kaso itong si Kale, dinedeny ang relasyon nila."
"Awts! Ang sakit naman niyan." Ani Bert.
"Kung ako sayo Lanscendric itorture mo yan si Kale." Banat ni Avie. "Itali mo tapos ano. Anohin mo." Dagdag niya. Napatampal nalang ako sa nuo ko. Kahit kailan talaga tong bibig ni Avie. Walang filter. Walang brake.
"Di'ba kaka-weeksarry nyo lang nung huwebes?" Tumaas ang kilay ni Venice. Oo nga pala noh. Pinagtripan pala siya ni Prez nung huwebes. Bakit ko ba nakalimutan ng simula ng lahat ng kasinungalingang' to?
"Yeah. We celebrate it, with my family." Sagot ng Presidente. Hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha o mainis kay Prez. Mamangha dahil napala convincing ng mga sinasabi niya, o mainis kasi nagsisinungaling siya at naiipit ako!
Mukhang naniwala naman ang mga tropa ko kaya bumalik na sila sa kani-kanilang gawain. Pumunta naman kami ni Prez sa sala para magkuwentuhan. Nagkasabay pala sila nina Jay sa elevator, kaya inaya narin siya ni Jay dito.
"Hindi sana ako pupunta 'e. Kasi may mga lilinisin pa ako sa unit. Pero sabi niya nandito ka daw, kaya di na ako tumanggi sa invitation niya." Pakukuwento niya habang nagdo-doodle sa notebook ni Micelle na hiniram ko.
Tinulungan niya ako sa mga math formulas namin, pati narin sa ibang subjects. Sina Avie, Bert, Narjeal, Wenny, at Venice naman lumabas mula sa kusina, nagpatulong din sila kay Prez. Mukhang sina Andrie, Isme, Micelle Janjan nalang ang natira sa kusina para magluto.
"So ganito ba Lance?" Pinakita ni Bert ang sinolve niya sa notebook niya. Tumango si Prez na nagpalawak ng ngiti niya. "Hanep! Ang galing mo magturo 'ah. Madali kong magets." Aniya bago umalis sa tabi ni Prez tsaka bumalik sa pagkakadapa sa sahig.
Maya maya pa, si Isme naman, na nasa tabi ko lang, ang nagpatulong sa kaniya. Halos maipit tuloy nila ako, kasi napagitnaan nila ako 'e.
"Ah madali lang pala." Tumango tango si Isme matapos mag-explain ni Prez. "Sige salamat President." Ngumiti siya bago bumalik sa pagsusulat.
May mga naging katanungan din sina Narjeal at Wenny kay Prez. Lapit sila ng lapit sa kinauupuan namin, hindi tuloy ako makapag-focus sa binabasa ko. Dagdag pa tong tingin ni Venice, na para bang binabasa niya ang kaluluwa ko at binibilang ang mga kasalanan ko.
"Lanscendric."
Napalingon kami ni Prez kay Venice sa kaharap naming couch. Nakatingin lang siya kay Prez, at mukhang ganu'n din si Prez sa kaniya. Yung expresyon ni Prez sa canteen, ganu'n din ang expresyon niya ngayon, sa di malamang dahilan.
"Can we talk?" Tanong ni Venice. Hindi umimik si Prez at tumayo nalang sabay pagmuwestra sa pintuan sa labas. Pinauna niyang naglakad si Venice tsaka siya bumuntot papalabas sa apartment.
Para bang napiga ang puso ko sa nasaksihan ko. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Hindi na ako magtataka kung pagbalik ni Prez dito, crush niya na si Venice. Kase sino ba ang hindi magkakagusto sa kaniya? Maganda siya. Sikat. Nice. At magiliw. Kung tutuusin, bagay nga sila 'e. Kasi magkapantay sila ng estado.
BINABASA MO ANG
Into Your Embrace (SSG series #1)
Teen FictionSSG series #1 [Currently editing] Insecurities... yan ang kahinaan na'ten. Pero sa kaso ni Kale Santos. Mukhang hindi lang insecurities ang problema niya... she's a lost soul... ayaw niya sa buong pagkatao niya, kesyo hindi sexy tulad ng mga kaibi...