"I HAVE a fiance, pero di niya pa alam." Sabi niya sabay tawa.
"Ha? Pano yun? Ikakasal kayo, oneday, tapos ano? Hindi niya alam ganu'n? Diba dapat alam ng both sides? I-i mean that's fixed marriage, right?" Naguguluhan kong tanong.
"No it's not fixed marriage." Mahina na naman siyang natawa. "And actually, the word fiance is not the right term either." Biglang bawi niya sa sinabi niya kani-kanina lang.
"E ano?"
"Hmmm... She doesn't know it, but i could feel it, she's going to marry me when we reach the right age. I like her to be my wife. And she's going to be my wife." May diin niyang sabi na mas lalo kong ikinalito. Pero isa lang ang malinaw saken. Inlove si Prez.
"Maiintindihan mo rin oneday, Kale." Ngumisi siya.
So nanahimik nalang ako. Wala naman kasi akong topic na maisip 'e. At kung mayroon man, sigurado akong hindi interesado ang presidente dun.
Well, hindi naman naging awkward kasi malapit na kami sa school. Nung makarating naman kami sa parking lot, siya pa mismo naghubad sa helmet na sinusuot ko- na pag-aari niya, tsaka sinabit iyon sa manibela ng motor niya.
Nagpaalam ako na papasok na ako sa classroom at ngumiti lang naman siya.
Aalis na sana ako pero nung nakailang hakbang na ako ay naalala ko yung pangungulit ng mga kaklase ko saken kanina. Agad akong lumingon sa presidente at tumakbo sa direksyon niya.
Hinintay kong matapos ang pakikipag-usap niya sa cellphone tsaka siya bumaling sakin at ngumiti. "Need something?" Tanong niya. Hawak hawak niya ang kulay itim niyang sling bag sa isa niyang kamay habang naka pamulsa naman yung isa pa.
"Kasi naalala ko lang yung kanina sa recess," sabi ko. "Kung pwede sana Prez, gawin nating confidential ang oplan Glow up ko?" Nag-aalalang tumingin ako sa kaniya, at sakto, nagtama ang mga mata namin.
May matamis na ngiting gumuhit sa labi niya na abot hanggang mata tsaka niya ginulo ang buhok ko. "I'd like to share a secret with you, Kale. So yeah, you're secret is safe with me."
"S-salamat. You've done a lot of things for me. You know."
Tumawa siya. "Oh did I? I didn't notice, i was enjoying doing things for you."
I felt my cheeks heaten up. Grabe 'ah! Oh e'di sanaol! Si Prez na, si prez na ang simple lang magsalita pero nakakakilig tagus buto.
"Um, Kale?" Ini-snap niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. Napakurap-kurap ako ng ilang besed tsaka narealize na nagspace out na naman ako! "You okay? Namumula ka? May lagnat ka ba-"
"Ah w-wala 'to! S-sige Prez, alis na'ko. Kita nalang tayo mamaya!" And, with that, i trailed off.
On my way to the classroom, nakasalubong ko ang campus couple- sina Andrie at Venice, mukhang may tampuhan yata. Nakasunod lang kasi si Andrie kay Venice, tapos pareho silang tahimik.
Ano kayang nangyari sa dalawang yun?
"PAKSHEYT NAMAN 'to, oo." Umiling ako habang tinitingnan ang listahan ng mga gawain ko.
Marami kaming naging assignments sa araw na 'to. Tapos may mga activities pa ako na kailangang habulin.
Dalawang araw na ang lumipas mula nung nag-lunch ako sa bahay ng presidente. Mula nun ay sa SSG na kami nanananghalian palagi, at madalas kasabay namin ang ibang officers. Kada umaga naman, bago mag flag raising ceremony, ay sekreto at pasimple akong inaabotan ng healthy lunch at recess ni Prez. Kaya wala nang abotan o pansinan sa SSG office kada tanghali. Medyo hindi kami nag-uusap. Ginusto ko 'to' e. Confidential nga di'ba?
BINABASA MO ANG
Into Your Embrace (SSG series #1)
Genç KurguSSG series #1 [Currently editing] Insecurities... yan ang kahinaan na'ten. Pero sa kaso ni Kale Santos. Mukhang hindi lang insecurities ang problema niya... she's a lost soul... ayaw niya sa buong pagkatao niya, kesyo hindi sexy tulad ng mga kaibi...