Prologue

126 12 8
                                    

"OI BEH, ang nipis naman n'yang suot mo!" sigaw ni Zephania nang salubongin niya ako sa gate. "Klaro na bra mo! Color blue." pabulong niya nang papalapit na 'ko.

Dahil sa init ng araw— na 'di naman gaano masakit, ay sumilong na muna kami sa may shed malapit sa gate.

Na conscious tuloy ako sa suot ko! Ayst!

Normal na puting damit lang naman 'to ah. May kanipisan nga lang at mababa ang sa may leeg kaya kunti nalang kita na ang cleavage ng nagsusuot . . . kung may cleavage.

"Oh! Ano nang dapat kong gawin nito?" nag-aalala kong tanong. Nasa damit ko ang tingin ko. Oo nga naman, manipis nga!

Kita ko na kulay ng bra ko' oh! Pero ano pang magagawa ko? Nandito na ako 'e. Masyadong malayo ang bahay! "Di ba talaga bagay?" tanong ko ulit sa kaniya na mabilis niya namang sinagot.

"Oo." Napakamot pa siya sa ulo niya. "Ang nipis 'e. Wala kang jacket or extra na damit?"

Umiling naman ako.

Napa-buntong hininga nalang siya at napakamot na naman sa ulo. May kuto ba 'tong babaeng 'to?

Bakit ba kase ito ang sinuot ko ngayon?

Ah! dahil pala nakikita kong ganito rin ang suot ng mga sikat na babae sa school para magmukha silang sexy.

Tas ang ending, yung result no'ng sa 'kin, nagmukha akong longganisa. Wow ah. Ang patas ng mundo! grabe! sheeett.

Hmp! Nagsusuot din kaya si Zeph ng ganito. Bagay naman sa kanya? Bakit sa 'kin hindi?

Napalingon tuloy ako kay Claire na kakapasok lang sa gate. Dumaan siya sa shed na sinisilungan namin at kumaway pa no'ng napansin kami. Hinagod ko tuloy siya ng tingin at kumunot ang nuo ko.

Oh! siya! manipis yung damit niya! 'Di siya sinita. Ako, sinita!

Tumingin ako kay Zeph at pinaningkitan siya. "Bakit si Claire manipis yung damit 'di mo sinita? bakit ako sinita mo?" pagnguso ko pam

Alam ko nagmumukha na 'kong bata sa tono ng boses at sa expresyon ko, pero 'di na 'to mababago. Nagdadamdam ako 'e.

Napakamot ulit si Zeph sa tanong ko tsaka umiwas ng tingin. Oh 'ta mo! Kilos niya palang.

'Di pa nga nagsasalita yang babaeng 'yan, alam ko nang negatibo ang sagot niya, sa tanong ko.

"Ah bahala ka sa buhay mo kung ganyan. E 'di ganyan nalang kung gusto mo no'ng katulad kay Claire." Putanginang buhay 'to, oo.

Inismiran ko nalang siya. Tas ngayon umatras dila niya. 'Di man lang dineretso ang gustong sabihin! Kunti nalang talaga magtatampo na 'ko sa kanya! hmp! 'kala niya ha!

"Halika na nga! Baka ma-late pa tayo sa program! representative pa naman ako." Sabi ko nalang no'ng 'di na siya nagsalita pa. Mabilis kaming naglakad patungo sa gymnasium ng School namin kung saan gaganapin ang celebration ng Teachers day.

At syempre dahil First Year representative ng Senior ang Lola niyo, kasali ako sa nag manage ng program. Ako ang naglista at nakipag-usap sa mga studyanteng mag-re-representation.

Into Your Embrace (SSG series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon