The Suitors Part 25: Is This Another Dream?

279 54 7
                                    

Ano ba tong nararamdaman ko? I'm so excited to see Nick. Pero hindi pa ko nakakarating parang gusto ko na bumalik ng Pilipinas? Anong meron sa lalaking iyon at parang kailangang-kailangan ko siyang makaharap?

"Tulala ka na naman anak. Kanina pa sa eroplano ka ganyan. No mula pa lang sa atin. Hindi ka makausap ng maayos. Ano bang iniisip mo?" Tanong ng mommy niya. Nasa car na sila ng Tito Brendan niya na siyang sumundo sa kanila sa airport.

"I don't understand myself too mom. Why I have a feeling of excitement to see Nick and..."

"Nothing's wrong with that honey." Sabad ng tito Brendan niya.

"You've been apart for long. You never seen Nick for quite sometime. Of course you will feel excited to see him."

Ngumiti si Aaliyah. Nagtinginan lang sila sa rearview mirror ng car nito.

Hmp loko ka talaga Aaliyah. Tama ba naman na mai-voice out mo na gusto mo na ulit bumalik ng pinas. Loka-loka! Pasalamat ka nagsalita agad tito Brendan mo. Kundi nakaka-offend yang sasabihin mo. Haizt.

Sermon niya sa sarili niya. Halos nailamukos niya ang palad niya sa mukha niya at hinilot ang sariling sentido.

"You're really not feeling well hon. You have to take a rest first maybe, before seeing Nick."

"We're here ladies."

Pinagbuksan sila ng gate. Mansion din ang bahay nila Nick. Magandang-maganda. Ilang saglit pa at lumabas si Tita Sophia niya sa Main door at sinalubong sila ng yakap at halik at magiliw na pinapasok sa loob.

"Tita where's Nick?"

"Don't you want to eat first? Food is ready. Ako ang nagluto."

"Yes tita. But I really wanna see Nick now."

"Alright, he is uptairs come on."

"Tito?" Ask ni Aaliyah.

"You go ahead honey and see Nick. I'll take care of your belongings."

"Thanks tito."

"You're welcome"

Umakyat na nga sila. Bigla na naman bumilis ang tibok ng dibdib niya. Habang palapit ng palapit sa pinto ng kwarto ni Nick, hindi niya alam kung naiiyak ba siya o ano. Masaya siya na nasasaktan sa twing naalala ang sinabi sa kanya ni Nick. Natatakot din siya kung bakit kailangan magpaalam ni Nick. Ano ba talaga ibig sabihin non. Mawawala na ba siya ng tuluyan. Hindi pwede ayaw niyang isipin pero parang nagsusumiksik sa utak niya ang masamang isipin na iyon.

Click.

Heto na..heto na ko Nick.

Unang pumasok ang mommy ni Nick. Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga.

"Come on in Aaliyah."

"Aaliyah?" Ang mommy ni Aaliyah. Para kasing ayaw kumilos ng mga paa niya.

"Yes mom.sorry."

At unti-unti nakita na niya ang kama ni Nick. Bumuka pa lalo ang pinto. Nakakumot ito ng blue blanket hanggang bewang. Hindi niya alam bakit slow motion ata siya. Hanggang makita niya na katawan nito. Nakawhite and gray stripes polo/pyjamas ito. And then she saw his face. Biglang bagsak ang luha niya. Hindi niya mapigil ang pag-uunahan ng mga ito sa pisngi niya. Mabilis siyang lumapit at yumakap dito. Napaluha din ang dalawang inang naroon. Hinihimas ang likod ni Aaliyah. Hindi niya alam kung bakit grabe ang iyak niyang iyon. Bakit pakiramdam niya mawawala na talaga si Nick.

Buhay pa siya. Bakit siya nawawalan ng pag-asa. Eh bakit hindi? Hindi nga bat nagpaalam na sa kanya si Nick? :'(

Inilapat niya ang pisngi niya sa pisngi ni Nick.

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon