The Suitors Part 14: Night of Sacrifice

399 60 14
                                    

"Kathlina, maghanda kayo ng bata at sasama na tayo kay ama."

"Mag-usap muna tayo Dominiko." Lansi niya sa asawa upang magkaron pa ng panahon si Josefina at ang anak niya na makatakas.

"Kailangan na nating sumama kay ama tulad ng ipinangako ko. Nasan ang bata?"

"Nakay inay..Dominiko please..ano ba tong nangyayaring to? Sino ka ba? Ano ka ba?"

"Prinsipe ako ng aming lipi at si ama ang aming hari. At ikaw ang hihirangin naming prinsesa Kathlina."

"Paanong mangyayari ang sinasabi mo tao ako?"

"Magiging isa ka sa amin mahal ko. Sa mundo namin magiging ganap ang lahat."

"Nasan ang bata at ang inay?"

"Teka lang wag kang pumasok.."

"Anong wag pumasok..inayyy!"

"Dominiko saglit lang..mag-usap tayo." Hawak pa din niya ang bisig ng asawa at pilit na inaawat makapasok.

"Wala kang karapatang tumanggi Kathlina. Aalis tayo sa ayaw at gusto mo!"

"Ayoko! Hindi kami sasama! Hindi ka rin sasama sa ama mong demonyo!"

"Sasama kayo sa amin! Doon tayo nararapat!"

"Hindi. Mahal mo ko at ang anak mo. Labanan mo ang ama mo. Patayin mo siya kung iyon ang nararapat!"

Sukat sa narinig ay binalya niya ang asawa palayo sa kanya. Na mabilis namang muling tumayo upang pigilan si Dominiko na makapasok ng bahay. At dahil sa komosyong iyon ay mabilis na napasugod si Enrico upang saklolohan si Kathlina.

"Kathlina! Dominiko! Wag mong saktan ang asawa mo!" Sigaw nito habang patakbo sa kanila.

"Wag mo silang pakiaalaman!" Sabay dagit kay Enrico paitaas.

"Itayyy! Dominiko! Tulungan mo ang itay." Hila niya sa asawa.

"Bwahahahaha!" Pumapailanlang lang ang nakabibinging halakhak ni Damian habang patuloy ang pag-angat nila.

*****
"Diyos ko po Enrico..." Bulong ni Josefina. Napahinto siya sa pagtakbo nang marinig ang malakas na halakhak na iyon ni Damian at makitang nasa kalawakan ito tangay ang asawa niyang si Enrico.

"Enrico..." Kinakabahan siya sa maaring gawin ni Damian sa asawa. Nais niyang bumalik ngunit alam niyang wala siyang magagawa.

"Alam kong nakikita mo kami Josefina! Mamamatay ang pinakamamahal mo kung patuloy mo kaming hahadlangan na magsama-sama!" Malaking tinig at banta ni Damian.

Napatingin si Dominiko sa asawa.

"Nasan ang inay at si Danilo?!" Galit na nitong tanong.

"Ang itay Dominiko. Maawa ka!"

****
"Wala ka talagang kasing sama Damian!"

"Hahahaha Oo Enrico. Walang-wala lalo na matapos mong mamatay!"

Ramdam ni Enrico na kumakalas paunti-unti ang hawak ni Damian sa kanya.

Hanggang sa tuluyan niya itong bitawan.

"Itaaaaayyyyy!" Tili ni Kathlina.

"Enricoooooo!" Pigil namang tili ni Josefina na medyo nakakalayo na.

Ngunit sabay narinig ng mag-ama ang tiling iyon ni Josefina. Kaya't tinungo agad ito ni Dominiko ang pinanggalingan ng tinig ng ina.

Naramdaman ni Josefina ang pagkakamaling iyon. Kaya't tigmak ng luha ay nagmadaling marating ang ginawa nilang kublihan sa bundok na iyon. Naihanda na nila ang tila kwebang magiging taguan nila sakaling dumating ang ganitong pagkakataon.

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon