Habang tila nahuhulog si Aaliyah sa portal na iyon patuloy na namamalisbis ang luha niya. Nasan si Gelo? At totoo ang naramdaman niya at nasambit niya.
Mahal niya si Prinsipe Gelo.
Mahal kita Gelo. Bakit ganito? Bakit ngayon ko nararamdaman to? Anong ibig sabihin ni Naya? Nasan kana?
"Gelo...ughhh..Gelo, nasan ka?"
"Gelo...Gelo..."
Kanina pa nila pinagmamasdan si Aaliyah. Nakapikit. Tuloy-tuloy ang agos ng luha at panay ang tawag at hanap kay Gelo.
"Anak..anak gumising ka. Anak please gumising ka.. Kayanin mo.. Pilitin mo.. Bumalik ka sa amin ng daddy mo."
Nakapalibot sila kay Aaliyah. Malaking pag-asa ang tanaw. Nagsasalita si Aaliyah. Alam nila babalik na ang anak nila.
"Anak..anak gumising ka. Anak please gumising ka.. Kayanin mo.. Pilitin mo.. Bumalik ka sa amin ng daddy mo."
"Mommy..daddy..." Naririnig niya ang tawag ng mommy niya.
"Ate Aaliyah..gising ka na..kaya mo yan..miss na miss ka na namin."
Palakas ng palakas ang mga tinig na iyon.
"Angelica..mommy..daddy.."
Luha ng kaligayahan. Nagkakatinginan silang lahat, nagkakangitian. Nasasambit ni Aaliyah ang mga pangalan nila. Naririnig sila nito. Ngunit nananatili ito sa pagkakapikit at pagluha.
"Sige anak. Gumising ka na. Narito kami inaantay ka namin." Si Rafael na hawak ang kanang palad ng anak, habang si Diana naman sa kaliwa at yapos ito sa dibdib.
At ang pinakahihintay nila...
Unti-unti bumukas ang kanyang mga mata.
Umikot ang tingin niya. Ibang-iba sa pinanggalingan niya. Tumingin sa ina. Walang ngiti kahit ubod ng tamis itong nakangiti sa kanya. Lumipat ang paningin niya sa ama. Blangko pa din ang mukha niya tila pilit kinikilala ang kaniyang mundo. Napapikit siya ng mariin. Mukha ni Gelo ang rumehistro sa utak niya.
"Gelo..."
"Anak..kami to, ang mommy at daddy mo."
At sa muling pagdilat ni Aaliyah. Luminaw na ang lahat sa kanya.
Graduation Party nga pala nila ni Angelica!
"Sorry mom, dad. Nakatulog pala ako. Nag-uwian na po ba sila?"
Nagkatinginan silang mag-asawa at si Angelica.
Tumingin si Aaliyah kay Angelica. Nagtatanong ang hitsura ng mukha.
"Angelica?"
"Yes ate...?"
"Bakit parang nag-iba ka na?" Nagtatakang tanong nito.
"Ang seksi mo at dalagang-dalaga ka manamit. At ang laki mo na! Ang...ang laki na din." Nakanguso ito sa malusog na dibdib ni Angelica.
Natawa si Angelica.
"Ikaw din naman eh..oh!" At inginuso niya din ang dibdib ni Aaliyah.
"Ha? Ako?" Sabay sapo at tingin sa dibdib niya.
"Ha???" At muli sinilip niya pa ito mula sa neckline ng blouse na suot niya.
"Anong nangyari??? Nakulam ba tayo Angelica??? Nakatulog lang ako ang laki na???"
"Hmp nakatulog ka nga..ang tagal naman." Si Angelica.
"Anak...oo nakatulog ka for 4 years."
"Mommy? 4 years?"

BINABASA MO ANG
The Suitors (Completed)
Fantasia"The Suitors" is a story about a girl's bizarre, rare and one of a kind love adventures with her "Suitors". A Tagalog Romance Novel where our world meets their strange worlds. Dear Readers, Hope you like it. Pls., vote and do comment. Continue read...