"Ipagpaumanhin mo. Pero kailangan ko 'tong gawin sa iyo Aaliyah. Masisira mo ang buhay ng aking Prinsipe Argo sa pinaplano niyang gawin. Higit sa lahat mamamatay ang puso ko pag tuluyan akong iwan ng mahal ko."
"Anong gagawin mo sa akin Naya? Magkaibigan lang kami ni Gelo. Wala akong alam sa namamagitan sa inyong dalawa."
"Mahal ka ng mahal ko. At handa niyang ibuwis ang buhay niya para matupad ang pangarap niyang makasama ka sa daigdig ninyo. Kamatayan ni Argo ang hindi pagtatagumpay sa pagsubok na susuungin niya para lang sa isang katulad mo Aaliyah."
"Prinsesa Naya, wala pa po sa isip ko ang mga bagay na 'yan. Hayaan na po ninyo akong makabalik sa amin. Mahal ko lang po si Gelo bilang matalik kong kaibigan at wala na pong iba."
"Hindi ang pagbabalik mo sa daigdig ninyo ang solusyon para sa kaligtasan ng mahal ko. Buhay mo. Pag wala ka na, wala ng dahilan si Argo na ituloy ang balak niyang maging tao katulad mo."
"Maging tao? Si Gelo pwedeng maging tao?"
"Oo, pero walang nagtagumpay, isa man sa nagtangka. Ikaw gusto mo bang mamatay din si Gelo?"
Napaluha si Aaliyah.
"Ayoko...kakausapin ko siya, makikinig siya sa kin. Wala naman kailangang mamatay db?"
"Meron Aaliyah. Ikaw! Dapat kang mamatay para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng matalik mong kaibigan....
Bumaling si Naya sa kawal na kasama niya.
"Sige na. Ilabas mo na si Bugayon."
Tumalima agad ito. Inilabas ang halimaw. Kinilabutan si Aaliyah ng makita ito. At sa lakas ng ungol ng halimaw, mukha itong libong taon ng di nakakain.
"Kalagan mo si Aaliyah. Hindi ako ganon kasama. Matapos kong pakawalan si Bugayon, subukan mong iligtas ang sarili mo." Sabay pasarkastikong tumawa ang dalawa. Pagkat batid nilang wala namang makakaligtas sa isang napakabilis at mabangis na halimaw.
Kinalagan siya ng kawal. Bumalik ito patungo sa halimaw. Anumang sandali na ipag-utos ni Naya na pakawalan na ito ay wala ng ligtas si Aaliyah.
"Takbo Aaliyah. Hahaha.. Ano pang tinatanga mo? Kumilos ka para sa kaligtasan mo."
Pero hindi ito kumikilos mula sa kinatatayuan. Nakatingin lang ito sa halimaw habang lumuluha.
"Bakit Aaliyah? Napag-isip-isip mo bang tama ako? Na kailangan mo na ngang mamatay para sa kaligtasan ni Argo? Hahaha.. Pakawalan si Bugayon!" Bumaling ito sa nagwawalang halimaw.
"Alam kong matagal ka ng hindi nakatikim nito Bugayon.. Iyong-iyo yang babaeng yan!"
Pagkasabi nito sa halimaw. Para na itong may isip na dahan dahan lumapit kay Aaliyah. Matapang na matapang ang anyo nito na tumutulo pa ang laway. Mata sa mata ang tinginan ng halimaw at ni Aaliyah. Kabadong-kabado. Napapaatras. At sa pag atras ay natalisod patalikod kaya't paupong bumagsak. Nasugatan ito sa palad ng matusok ng nakausling matulis na sanga ng punong naroon. Hindi maipinta ang sakit habang pilit na hinila ang kamay buhat sa pagkakatuhog sa kahoy. Nawawalan ng pag-asa. Nagdarasal. Malapit na ito sa kanya. Napakalakas ng ungol. Halos makita niya na ang buong lalamunan nito at mga matutulis na pangil. Habang pinapanood lamang sila ni Naya at ng kawal.
Pakiramdam ni Aaliyah ay mawawalan na siya ng hininga. Gusto niyang tumakbo pero hindi siya makakilos. Gusto niyang sumigaw. Malakas na malakas. Pero hindi niya magawa.
Para siyang nanghihina. Nanlalambot. Konti nalang..ilang hakbang nalang ang halimaw sa kanya. Isa..dalawa..nakita niya na itong bumuka ng bunganga. Tatlo..hindi na talaga siya makahinga, nanlalabo ang mga mata niya. Inilalapit na ni Bugayon ang napakalaki niyang bunganga sa mukha niya, sakmal na sakmal ang ulo niya kasama katawan. Ang tangi na lamang niyang nagawa ng kakainin na siya una ulo ay ang iharang ang mga bisig niya upang protektahan ang ulo niya kahit alam niyang kamatayan niya na at ang pumailanlang na lang bago siya tuluyang lapain ay ang napakalakas niyang tili.
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!"
Kinabahan si Argo sa sigaw na iyon. Lahat silang mga naghahanap kay Aaliyah ay napahinto. Ngunit dali ring tinakbo ang pinanggalingan ng tiling iyon. Kasama ang itim na kuneho na siyang nagturo kung saan matatagpuan sina Aaliyah.
Nang makarating sila. Isang halimaw ang naabutan niya dumidila pa ng dugo. Lahat sila pinaulanan ng panang may lason ang halimaw. Matapos tamaan ay mabilis na tumakas. Hinabol ito ng mga kasamahan ni Argo ngunit mabilis na itong nakawala. Ngunit alam nilang hindi ito makakaligtas sa mga tama nito at mamatay. Habang si Argo ay lumapit sa dugo sa lupa na kanina lamang ay hinihimod pa ng halimaw.
"Dugo nga ito ng tao." Wika ng kapatid ni Argo matapos ipahid ang kamay sa dugong nasa lupa at sinipat maigi.
Hindi sumagot si Argo. Nakalugmok lamang ito sa lupa. Lumuluha.
"Aaaahhh!!!" Sigaw nito. Hawak ang espada na pinagtatagpas ang halaman na naroon. Punong puno ng poot. Nagwawala. Nagdaramdam.
"Aaaahhh! Aahliyahhhhh!!!" Patuloy nito.
Walang makalapit sa kaniya. Nakamasid lang muna ang mga ito. Alam nilang sa wasiwas ng espada nito mamatay ang tamaan kaya't dumistansiya muna sila at hinayaan ito.
"Aaliyahhhh, nasan kaahhh?" Hindi nito matanggap na wala na ang babaeng pinakamamahal. Hindi niya matanggap na nahuli na siya. Hindi niya naipagtanggol si Aaliyah. Naghihimagsik ang kalooban niya. Naghihimagsik kay...
"Prinsesa Naya!"
"Bakit po Inang Reyna?"
"Nasaan ang taga-lupa? Nasaan si Aaliyah?"
"Hindi ko po alam..tumakas siya patungong kagubatan ang takbo niya at tinaguan kami. Ipagpaumanhin niyo po napagod po ako sa paghanap sa kanya." At tumalikod ito.
"Naya!"
"Ina...?"
"Anong ginawa mo sa kanya? Huwag kang magsinungaling! Alam mong malalaman at malalaman ko ang ginawa mo."
"Wala akong alam Ina. Sinubukan namin siyang hanapin. Baka nilapa ng halimaw sa kagubatan...Magpapahinga na po ako." Tumalikod ito. Malakas ang loob pagkat alam niyang hindi malalaman ng Ina ang nangyari. Hindi sakop ng ano mang mahika ang pinagdalhan niya kay Aaliyah.
"Ano mang oras ay darating si Prinsipe Argo at ang kapatid nito. Alam kong bilang Ina mo ay kailangan pa din kitang proteksyunan. Ngunit sa batas ng ating kaharian, ito ang hindi mo maliligtasan.
"Ina, wala akong masamang ginawa. Wala akong dapat na panagutan. Kaya ko silang harapin ano mang oras." Pagsisinungaling nito.
"Ipagpaumanhin nyo po nais ko na pong magpahinga."
Hinayaan na ito ng nag aalalang reyna.
Samantala. Malapit na sa kaharian nila Naya ang magkapatid na humahangos.
Kahit punong-puno ng hinagpis. Pinilit pa din niya na humarap ng maayos sa Reyna. Pinatawag si Naya. Nang makita ang prinsesa, kahit anong pilit na itago ang nararamdaman, kita pa rin ang poot. Kaya't nong hiniling na magkausap sana sila ay humingi ng paumanhin ang reyna na hindi niya maaring pagbigyan ang kahilingan nito. Lalo pa't punong-puno pa ito ng galit. Nangako naman ang Reyna na pag napatunayan na may kinalaman si Naya sa pagkamatay ni Aaliyah ay ipapataw dito ang karampatang parusang kamatayan.
Wala na silang lahat. Naiwan ang Reyna na nag-iisip. Napagpasiyahan niyang magtungo na silid ng mahiwagang mga salamin. Tulad ng ginawa ni Naya noon upang malaman at makilala si Aaliyah. Ganon din ang ginawa ng Reyna.
Mula pagkahuli ni Naya kay Aaliyah hanggang sa pinagdalhan niya dito na tuluyang lumabo at naglaho si Aaliyah, ang dalawang kawal at si Naya. Wala ng karugtong...
Sa kaharian nina Argo..ganon din ang ginawa ng ina niyang reyna. Ngunit wala na silang alam matapos ang sabay-sabay nilang paglaho. Kailangan niya talagang makausap si Naya.
Napakarami niyang iniisip. Ang pamilya ni Aaliyah. Walang dapat sisihin kundi siya. Siya lang...
Pero kailangan pa din malaman niya ang lahat.
Nais na niyang magpakamatay. Hindi niya na alam ang gusto niyang gawin. Ngunit nanatili ang kanyang kapatid sa tabi niya. Pilit na nakabantay at pinagliliwanag ang kanyang isipan. Upang hindi makagawa ng isang maling bagay.
Ano ang nangyari? Ang tunay na nangyari kay Aaliyah? Ang halimaw. Ano ang ginawa nila kay Aaliyah?
Bakit Naya? Bakit kailangan humantong sa ganito? Napakalupit mo palang nilalang.
BINABASA MO ANG
The Suitors (Completed)
Fantasy"The Suitors" is a story about a girl's bizarre, rare and one of a kind love adventures with her "Suitors". A Tagalog Romance Novel where our world meets their strange worlds. Dear Readers, Hope you like it. Pls., vote and do comment. Continue read...