"Saan mo ko dadalhin?"
Tanong ni Aaliyah nang buhat sa pagkahimbing ay nagising ito sa naramdamang humihila sa braso niya pabangon.
"Kung saan ka nararapat!" Sagot ni Naya habang hinahaltak pa rin si Aaliyah na tuluyan ng napatayo.
"Prinsesa Naya...makinig ka muna. 'Yung kausap mo kahapon, siya ang tinutukoy ko sayo. Siya si Gelo ang nagdala sa akin dito."
"Wala sabi kaming kilalang Gelo dito!"
"Mahal na Prinsesa, 'yung kausap mo po. Dalawang lalaki sa harap ng palasyo. Isa po doon si Prinsipe Gelo. Siya 'yung nilapitan niyo."
"At pano mo naman nalaman may mga kausap ako sa harap ng palasyo?" Pagkatanong ni Naya ay awtomatikong napatingala siya sa nag-iisa at maliit na bintana sa silid na iyon. Dahan dahan na pumaibaba ang tingin niya at nakita niya ang pinagpatong-patong na bagay na tinuntungan ni Aaliyah. Habang si Aaliyah naman ay nakatingin din sa dakong tinitingnan ni Naya at nang humarap ng tingin sa kanya si Naya ay sinalubong niya rin ito ng tingin.
"Nakita ko Prinsesa Naya. Dalhin mo ko sa kanya please."
Hindi nagsalita si Naya. Kinaladkad niya si Aaliyah patungo sa pintuan hanggang sa tuluyan silang makalabas. Dalawang lalaki ang nakaabang sa pinto na walang utos-utos na muling ini-locked ang pinto at sumunod sa dalawang babae.
"Prinsesa Naya...alam kong hinahanap nako ni Gelo pati ng mommy at daddy ko. Dalhin mo naman ako sa kinaroroonan ni Gelo. Kailangan ko na pong makauwi sa amin." Pakiusap nito.
"H'wag ka ngang maingay! Gusto mo bang gawin kitang ahas?!"
"Makinig ka naman po kasi sa'kin..kailangan ko nang makauwi. Kailangan naming magkita ni Gelo. Ihahatid niya na ko sa amin."
"Hindi na kayo magkikita!"
"Anong ibig mong sabihin? Teka lang...san niyo ba ko dadalhin?!" Pwersahan niyang hinihigit ang kamay niya at huminto siya sa paglakad, kaya't napahinto sila. Sa inis ni Naya ay itinulak niya si Aaliyah papunta sa dalawang lalaki na nakasunod sa kanila. Bumagsak siya sa paanan ng dalawa.
"Ano po bang kasalanan ko? Wala naman akong balak na hindi maganda sa lugar ninyo tulad ng iniisip ninyo. Ibalik mo na ko kay Gelo at pinapangako ko na hindi na ko muling sasama sa kanya dito." Pakiusap niya. Nakaupo pa rin ito sa binagsakan niya at lumuluha.
"Bitbitin n'yo nga yang makulit na babaeng 'yan. Nakakapagod kana at sumasakit na tenga ko sa'yo!" Utos niya sa mga kasama na agad tumalima at tinulungan si Aaliyah na makatayo.
"Magkita tayo sa likod ng palasyo. Hintayin ninyo ako doon at ingatan na hindi siya makawala."
"Opo mahal na prinsesa." Halos magkapanabay nilang sagot.
"Sige na." Tumalikod si Naya at naghiwalay na sila ng daan.
Nagtungo si Naya sa mga magulang. Bumati lamang ito. Kinumusta ng Hari at Reyna ang kanilang bihag. Nagtanong kung kilala na ba nila kung sino ang nagpadala kay Aaliyah at ang pakay nito. Sumagot siya na wala pang balita mula sa mga tauhan nila na itinakda nila upang alamin ang tunay na dahilan ng pagkakapadpad nito sa kanilang lugar.
Nagpaalam ito na mamasyal lamang. Tumalikod at lumakad palayo at nang siya na lamang mag-isa ay ikinumpas ang kamay at naglaho.
"Ano ba talagang gagawin ninyo sa akin? San nyo ko dadalhin? Tanong ni Aaliyah sa isang kasama nila na nakahawak pa rin sa kanya.
"Wala kaming alam sa plano sayo ng mahal na prinsesa at wala kaming karapatang magtanong."
"Bakit ayaw ninyo makinig sa kin na si Gelo ang nakita ko, tulungan ninyo nalang ako na makita siya para makabalik na po ako sa amin. Parang awa niyo na po."
![](https://img.wattpad.com/cover/23376500-288-k429057.jpg)
BINABASA MO ANG
The Suitors (Completed)
Fantasy"The Suitors" is a story about a girl's bizarre, rare and one of a kind love adventures with her "Suitors". A Tagalog Romance Novel where our world meets their strange worlds. Dear Readers, Hope you like it. Pls., vote and do comment. Continue read...