The Suitors Part 27: Liwanag Sa Dilim

274 54 10
                                    

"Ano ba Danilo..dahan-dahan naman madadapa na ko sa'yo eh. Hindi mo pa ba aalisin tong blinfold na nasa mga mata ko?"

Inaalalayan siya ni Danilo patungo sa venue kung saan naroon ang surpresa nila kay Aaliyah.

Napakaganda ng flowers na nakapalibot sa lugar na iyon. Humahalimuyak ang amoy ng hardin na iyon. Parang carpet ang bermuda grass na nakalatag sa lawn na iyon. May mini man made falls din.

Hindi ine-expect ni Danilo ang ganda ng lugar na iyon. Oo nga at nakapunta na siya sa bahay ni MJ pero ngayon niya nakita ang hardin na kakaiba. Mismong siya ay namangha sa nagkikinangang bulaklak na iyon. Hinatid niya si Aaliyah malapit sa lamesang maraming foods na alam niyang masasarap.

"Danilo ano na? Ano ba kasi tong pinasuot mo sa akin halos mapatid na ko sa haba ng gown na to."

"Sshhh...easy ka nga lang nandito na nga tayo... O tayo ka ng maayos.. Tatanggalin ko na ang piring mo."

"Haizt salamat naman."

Pumwesto si Danilo sa likod niya at dahan-dahan tinatanggal ang blindfold.

"Dahan-dahan mo lang imulat ang mga mata mo ha?"

"Okay." Sagot nito.

"Okay eto na.. One, two, three!"

**********

(background music ng pang love fantasy na sound. Habang para siyang nahipnotismo sa nakikita niya.)

Unang bukas ng mata niya. Nagkikinangan na paligid dahil sa mga halaman na nakapaligid sa kanya.

Flower of Love.

Ang simoy ng hangin doon. May naalala siya sa ganoong halimuyak ng lugar.

Ang dining table. Matagal na panahon pero nagbalik agad sa kanyang alaala ang mga hitsura ng pagkaing iyon. Bigka niyang tiningnan ang kasuotan niya.

Goosebumps.

Ito yung katulad na katulad na damit niya sa lugar na iyon.

Luminga siya sa paligid. Wala na si Danilo.

Ang luntiang grass na tila carpet ang pagkakalatag sa lupa. Parang gusto niyang kabahan.

Nasan siya?

Maya-maya nagulat siya at medyo may ilang ilaw na namatay. Medyo nag dim lang.

At sa harapan niya din biglang may malaking white screen na lumiwanag. At dahan-dahan may lumilitaw na imahe.

Isang larawan. Paint in charcoal.

At alam na alam niyang siya ang gumuhit non.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya.

Puro goosebumps na siya. Ramdam niya sa buong skin niya.

Nararamdaman niya man pero naiimposiblehan siya. Napakaraming taon na ang lumipas. Ano ba talaga to Danilo?
Sa isip isip niya.

Sa ibabaw ng larawang iginuhit niya may nagoverlap na pumpon ng flower of love na drawing.

Hindi na niya napigil ang luha niya. Habang pinagmamasdan ang paligid.

"Ms...panyo..."

Gulat niya pagkarinig ng tinig mula sa likuran niya. At pamilyar iyon. Kung di siya nagkakamali pangatlong beses niya na itong narinig. Dahan dahan niyang inabot ang panyo. Ngayon niya lang napansin na parehong pareho ang kulay nito sa mga inabot din sa kanya. Bago siya lumingon ay napansin niya rin na ang disenyo ay bulaklak ng pag-ibig at may mga letrang nakaburda doon...

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon