"Danilo????" Ulit niya na tila di makapaniwala.
Lalo siyang naiyak. Biglang yumakap ng mahigpit kay Danilo
"Buti naman at nagbalik ka na!" Mixed emotions na ang naramdaman ni Aaliyah. Ang lungkot ay nahalinhinan ng saya, tuwa at pagkasabik.
"Ano bang nangyari sa'yo? Pinag-alala mo kami. Napakatagal mong nawala." Nakayakap pa din ito at lumuluha.
"Huwag ka ng umiyak! Halika pasyal tayo."
"Saan tayo pupunta?" Kalas niya sa pagkakayakap na tanong ni Aaliyah.
"Diba gusto mong lumipad?" Hinapit siya nito sa bewang.
"Seryoso ka???"
At parang flash na pumaitaas ang dalawa. Isinama siya ni Danilo sa paglipad. At muli tila nakaramdam siya ng "A Whole New World" kay Danilo.
"Hahahaha!" Tawanan nila.
Napakalamig ng hangin na sinasalubong nila. Sa una ay natakot pa si Aaliyah sa himpapawid na kinaroroonan nila. Pero natatanaw niya ang mga bituin at ang bilog na buwan. Nalibang at natuwa siya. In-enjoy niya ang paglipad nila.
Nakakapit siya ng maigi kay Danilo. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Itsurang Edward Cullen ito ng isa sa gusto niyang movie na twilight. Pero mas gwapo si Danilo ng konti at mas maganda ang katawan. Napangiti siya.
"Hahahaha!" Tawa ni Danilo. Halata ang ligaya sa mukha nito. Kasama niya ang pinakamamahal niya. Kahit pa sabihing hindi ito umaasa na magkaroon sila ng happy ever after. Sapat na, na super close sila ni Aaliyah kahit, nililimitahan niya ang sarili na hanggang magkaibigan na nga lang siguro sila. Dahil vampire siya at ayaw niyang maging kakomplikado ng buhay ng ninuno niya ang buhay na maibibigay niya kay Aaliyah kung sakali.
"Bakit natatawa ka?"
"Hahahaha.." Natawa ito. Pacute na ngumiti.
"What?" Pinanlakihan siya ng mata ni Aaliyah na natatawa.
" Nababasa ko kasi ang isip mo."
'Ganon? ;D alin don?' Kunwaring tanong niya. Pero nag-blush ito.
"Gwapo ko pala ha at maganda ang katawan?!"
"Hahaha, tsismoso ka!" Nakangiti siya na hinampas si Danilo.
"Aaaayyy." Kabado niyang tili. Pagkabitaw niya kasi kay Danilo, ay tila pakiramdam niyang muntik siyang malaglag.
"Hahaha kapit lang. Nandito lang ako."
Yumakap siya kay Danilo. Naroong nagkakatitigan sila. Nagkangitiin at pasimpleng dahan dahan niyang muling ibabaling ang paningin sa kalawakan..
"Masaya ka ba?" Nakatitig siya kay Aaliyah habang nilalakbay ang kalawakan.
"Oo naman..salamat ha.." Walang lingon niyang sagot.
"Gusto mo lapit pa tayo sa buwan?"
"Sige.." Tumingin siya kay Danilo at Excited na sagot niya.
Nagpaikot-ikot sila dito. Pati sa mga bituin.
Sana ganito na lang lagi kalaya ang feeling ng mga tao. Sana laging maginhawa ang paghinga. Laging maluwag sa pakiramdam. Laging malawak ang kikilusan. Sana kasing ning-ning ng mga bituin ang pagmamahalan ng lahat. At tulad ng hangin na laging nandyan para buhayin ka. Tangayin ka sa kalayaan na nais mo. Napakasarap lumipad at mapuntahan ang lugar na gusto mo, lugar kung saan mapapayapa ka. Salamat Danilo.
Napatingin siya kay Danilo. Napatingin din ito sa kanya. Ngumiti at ganon din siya. At muli, sabay na itinuon ang paningin sa nilalakbay nila.
*********
![](https://img.wattpad.com/cover/23376500-288-k429057.jpg)
BINABASA MO ANG
The Suitors (Completed)
Fantasi"The Suitors" is a story about a girl's bizarre, rare and one of a kind love adventures with her "Suitors". A Tagalog Romance Novel where our world meets their strange worlds. Dear Readers, Hope you like it. Pls., vote and do comment. Continue read...