The Suitors Chapter 12: The Unwanted Visit

422 64 12
                                    

"I'll go home now Aaliyah.Angelica." Paalam ni Nick ng matapos na nila ang pinapanood nila.

"Ah, okay. Hatid ka na namin sa gate."

"Hindi na. Kahit hanggang pinto na lang." Tanggi ni Nick.

"Sure ka?"

"Oo naman..wag na kayo lumabas baka magalit din sina tito at tita."

"Okay sige."

Sabay-sabay silang tumayo. Naglakad patungo sa pintuan ng Mansyon. Nang malapit na sila sa pinto ay tinawag sila ni Manang Jocie.

"Saan kayo pupunta?" Buhat sa likod nila ay tanong nito.

"Uuwi na po si Nick. Hatid lang namin sa pinto." Sagot ni Aaliyah.

"Sandali lang at ipapahatid kita kay Raul." Sabi nitong tinalikuran sila.

"Naku huwag na po manang Jocie. Kaya ko na pong lakarin ang sa amin." Tanggi ni Nick.

"Delikado na ang panahon ngaun iho. Mula rito hanggang inyo ay sampung minuto din na lakaran. Dis oras na ng gabi at yung nangyari kanina sa hardin. Hindi natin alam kung ano yun. Tulad na din ng narinig ko sa kwentuhan ninyong mga bata tungkol sa nakita ninyong lumilipad noong isang gabi." Paliwanag pa nito.

"Naniniwala kasi si Manang Jocie sa aswang, multo, kung ano-anong nilalang lalo na ang bampira." Ayon ni Aaliyah.

"Kaya tatawagin ko lang si Raul at sasama ako sa paghatid sa'yo."

"Sige po manang. Salamat po."

Muling tumalikod na si manang upang tawagin si Mang Raul.

"Kung sabagay may nakita naman talaga tayong tatlo ni Angelica." Ayon din ni Nick.

Habang kwentuhan ay napahigpit ang kapit ni Angelica sa braso ni Aaliyah. Nakikinig lamang ito sa kanila habang kinikilabutan.

"Naniniwala ka ba sa mga kakaibang nilalang Aaliyah?" Tanong pa nito.

"Oo naman, na-experienced ko din kasi. Nakasalamuha ko ang mga engkanto. May masasama at may mabuti tulad ng kaibigan kong si Gelo."

"Eh sa vampire?"

"Oo. Alam kong totoo ang mga kwento ni Manang. At sa atin lang tong tatlo ha..naniniwala ako na vampire ang nakita natin nong nag-star gazing tayo."

"Talaga?"

"Oo Nick."

"Kung ganon bakit di ka nalang dito magpalipas ng gabi." Sa wakas ay nagkalakas din ng loob si Angelica na magsalita.

"Oo nga naman Nick." Susog ni Aaliyah.

"Nakakahiya sa inyo. And ihahatid naman ako ni Mang Raul at Manang Jocie. Safe na rin naman yun." Nakangiti nitong sabi.

"Ikaw ang bahala...Ayan na pala sila." Baling nila ng makita ang driver at si Manang na naka-alampay para sa lamig.

"O kayong dalawa umakyat na kayo sa mga kwarto ninyo nang makapagpahinga na kayo."

"Opo manang. Sige Nick akyat na kmi. Ingat ha."

"Okay..thanks. Goodnight sa inyo."

"Goodnight Nick." Sagot ng dalawa.

"O halika na. May susi akong dala. Kaya't i-lock na ninyo itong pinto." Bilin pa ni Manang.

Pagkalock ng pinto ay umakyat na ang dalawa at nagtungo na sa kani-kanilang mga kwarto. Si Mang Raul na lang ang kumuha ng kotse sa garahe. At naghintay na lang si Manang at Nick sa labas ng pinto. Ilang saglit lang ay nasa harap na nila ang kotse. Si Nick ang naupo sa passenger's seat at si Manang naman sa backseat. Ini-start na ni Mang Raul ang sasakyan at pinaandar na ito.

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon