Naging malungkot ang umagang iyon sa kanila. Hindi pa rin nakakabalik si Danilo. Lahat sila ay nag-aalala. Nabatid ni Aaliyah na matagal na rin palang alam ng magulang niya ang katauhan ni Danilo. Sabay-sabay pa din silang nag-agahan ng araw na iyon.
Beeeeepppp...
Beeeeepppp...
Dinig nilang busina ng sasakyan sa kanilang gate. Sumilip si Rafael sa bintana at natanawan niyang kotse ito ng kapatid niyang si James at asawa nitong si Marina na mga magulang ni Angelica at pinag-bubuksan na sila ni Raul.
"Hon...sino yung dumating?" Nakaupo pa ito sa hapag-kainan at nagkakape.
"Kotse nila James eh."
"Sina mommy at daddy?!" Excited na tumayo si Angelica at lumabas sa may pinto. Tumayo din si Diana at sabay sila ni Rafael na nagtungo din sa labas.
"Halika Nick..nandyan sina Tito James, kapatid ni Daddy at si Tita Marina." Yaya niya kay Nick.
Bumaba ng sasakyan si Marina. Iniabot ang susi kay Mang Raul upang ito na ang mag-park ng kotse.
Takang sinalubong naman ito ng mag-asawa at Angelica. Pagkat nag-iisa lamang siyang umibis ng sasakyan.
Naiwan si Nick at Aaliyah sa balconahe. Inantay na lamang nila ito doon. Nakita nilang yumakap agad si Marina kay Diana. Nakayakap naman sa likod ni Marina ang anak na si Angelica habang papalapit ang mga ito.
"Hi Tita." Humalik si Aaliyah dito. Hindi na muna nagtanong kung bakit umiiyak. Pero kinabahan siya dahil ramdam niyang baka kung anong nangyari sa tito James niya. Nagpahuli na siyang pumasok at tahimik na sinenyasan si Nick na sumunod sa kanila.
Nagtungo silang lahat sa sala.
Malubha ang kalagayan ni James. Akala nila ay makukuha sa simpleng gamutan kaya hindi na nila pinaalam sa kapatid na si Rafael. Ngunit lumipas lang ang dalawang buwan ay mabilis na nahulog ang katawan nito at kailangang dalhin sa America upang doon ipagamot.
Lahat sila ay nagtungo sa hospital upang dalawin si James at makita ang kalagayan nito. Nag-stay na rin sila upang makapaghatid sa airport. Kasama nila si Angelica na magtutungo roon. Sinabi na rin ng doctor na matagal na gamutan ito kaya't doon na magpapatuloy ng pag-aaral si Angelica.
*****
"I will miss you so much ate." Yumakap ito kay Aaliyah.
"I will miss you too Angelica"
"Im so glad that kuya Nick is already here. While I'm far away may makakasama si ate. Kuya Nick, please take good care of Ate Aaliyah. I know you love her. Aalagaan mo din sina tito at tita pati na rin si lola Jocie. And si Danilo sana naman bumalik na siya. Hindi tuloy ako makakapagpaalam." Baling niya kay Nick.
"Salamat cousin ha. Alagaan mo maigi si Tito James at Tita Marina pati na ang sarili mo. Mag-aral ka din ng mabuti don."
"Don't worry Angelica akong bahala kina tito, tita, lola Jocie and ofcourse sa mahal ko." Tumingin ito kay Aaliyah. Ngumiti at umakbay.
"Thank you kuya Nick."
"Tatawag kami ng madalas sayo para kumustahin kayo. And we'll visit you there too. Sana maging successful ang pagpapagamot ni tito."
"We'll pray for that."
Matagal-tagal pa silang nakapag-paalaman lahat bago tuluyang sumakay ng eroplano ang mga ito. Lahat ay lumuluha lalo na ng isa-isa nilang yakapin si James na hindi man lang nila makausap na nakaupo sa wheel chair nito.
*****
Halos walang imikan ang mga ito habang nasa daan pauwi ng mansyon. Lahat ay sobrang lungkot at nagdarasal na maging maauz ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Suitors (Completed)
Фэнтези"The Suitors" is a story about a girl's bizarre, rare and one of a kind love adventures with her "Suitors". A Tagalog Romance Novel where our world meets their strange worlds. Dear Readers, Hope you like it. Pls., vote and do comment. Continue read...