The Suitors Chapter 11: The Secret

450 65 15
                                    

"Angelica wake up! Hey!" Kanina pa siya ginigising ni Aaliyah. Ungol lang siya ng ungol.

"Angelica gising." Inaalog siya ni Danilo.

Dumilat ito.

"Ahhhh...wag kang lalapit sakin!" Pagmulat ng mata niya ay mukha ni Danilo ang nabungaran niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Wag mo ko hawakan!" Napaatras siya ng akma siyang hahawakan ni Danilo.

"Angelica! Ano ka ba?! It's me Aaliyah!" Tinampal-tampal niya si Angelica upang pakalmahin.

"Aaliyah!" Yumakap siya ditong umiiyak.

"Nananaginip ka lang. Tahan na."

"Ano ba kasing napanaginipan mo?" Sabad ni Danilo.

Dahan-dahan niyang inangat ang mukha niya sa pagkakasubsob kay Aaliyah at tumingin kay Danilo. Hindi siya sumagot. Kinapa niya ng palad niya ang leeg. Wala itong sugat na nakapa. At buhay pa siya.

"Panaginip lang yun. Bumangon kana at tanghali na. Kanina ka pa namin ginigising..kanina pa nag-aantay sina tita Diana sa dining...."

"Sige na mauna na ko sa baba. Sabihin kong gising ka na, okay."

"Sige Danilo, mauna ka na. Ako na bahala kay Angelica." Sagot ni Aaliyah. Nanatiling tahimik ang pinsan niya. Na muling sinubsob ang mukha sa balikat niya.

Lumabas na ito ng kwarto.

"Okay ka na ba?" Isinandal niya sa headboard si Angelica.

"Panaginip lang pala..parang totoong totoo."

"Ano ba napanaginipan mo?"

"Vampire si Danilo at kinagat niya ko sa leeg. Tas naramdaman ko na nanghihina ako dahil sinisipsip niya ang dugo ko."

"Wag mo ng ikwento sa kanila yan ha? Okay?"

"Nasobrahan yata ako sa kakaisip na bampira talaga siya kaya napanaginipan ko."

"Ssshhh...wag mong ilakas."

"Nakakatakot naman isipin ang sinasabi mo. Ibig sabihin may kasama tayong kampon ng kadiliman dito? Bakit ba natin isisekreto kung alam natin na pwede natin iyon ikapahamak?"

"Basta..magtiwala ka lang sa akin. Okay? Sige na mag-ayos ka na.. Kanina pa nila tayo inaantay sa baba. Wag mo na munang isipin ang sinabi ko. Okay?"

"Okay."

****

Sabay-sabay silang masayang nagtanghalian. Wala naman nakikitang kakaiba o napupuna na hindi maganda si Angelica kay Danilo. Kaya't para sa kanya dinidomina na naman ng imahinasyon ni Aaliyah ang utak nito. Lumipas ang maghapon at naka-bonding pa nila si Danilo sa paglalaro ng chess. Nawala ang anumang takot ni Angelica kay Danilo. At humingi na din siya ng dispensa sa nangyari kagabi at kaninang tanghali. Kahit tinanong ni Danilo ang panaginip niya ay hindi na nito sinabi pa.

*****

Kringggg!

"Phone mo ate, kanina pa yan tumatawag." Lahad niya ng phone kay Aaliyah pagkalabas nito ng bathroom. Inabot ito ni Aaliyah at nang sasagutin niya na ay nawala.

"...antayin mo lang tatawag ulit yan."

Kringggg! Kringggggg!

"Hello Nick!"

"Hi Aaliyah, good evening!"

"Good evening too..napatawag ka."

"Magpapasama sana ako sa'yo sa school kung saan ka magka-college, mag-iinquire then mag-eenroll na din. Kayo ba nakapag-enroll na?"

The Suitors (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon