Luna P.O.V
"Where is Detective George?" rinig kong tanong ni Sergeant Jay, sa kasamahan ko.
"I'm here Sir" sagot ko sabay taas ng kamay.
"Bullshit George.." inis na sabi niya ng makarating sa akin. At patapon na nilapag yung folder sa desk ko.
"Why Sir?" Tanong ko habang binubuklat ang folder.
"Sabi ko na nga ba hindi makukulong ang mga yun dahil mapera, tapalan lang ng pera ay laya na" nasabi ko nalang ng mabasa ko ang laman nito.
"Di bali, hahanapan ko pa rin ng butas yang Peterson na yan para mabulok yan sa kulungan" sambit nito habang lumilisik ang mata na nakatingin sa folder na binabasa ko.
Napaka tapat ni Sergeant Jay pagdating sa kanyang trabaho siya na ata ang pinakamahusay pagdating sa paghuli ng mga illegal na druga tulad ng kaso ni Peterson na isa din sa mayamang negosyante pero laging nakakalaya.
Well me i'm just doing my job. At masaya ako sa ginagawa ko kahit alam kong buwis buhay ang pinasok kong propesiyon.
"Let me go!!" Sigaw ng babaeng hawak hawak ng mga pulis sa braso.
Unang tingin ay alam ko na agad na istudyante ito siguro ay high school or college, kutis labanos at balingkinitan at halatang may lahi siguro ay half american siya.
Nilapitan ko sila para usisain.
"Anong kaso nito?" Tanong ko sa dalawang police.
"Minor pa po ma'am nagdadrive na ng kotse, walang lisensya at nakasalpok pa sa poste ng traffic light, wala pang signal light bigla nalang lumiko sa intersection" paliwanag ng isa sa police.
"Ang dami pala" dugtong ko.
"I'll pay the damages, why are you need to brought me here?!" Inis na sabi nito. Habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawang pulis.
"Akin na nga yan ang ingay" inis na sabi ko. At pinusasan ko ito sa dalawang kamay.
"What the??! You can't do this to me idiot!" Sigaw nito sa akin, umigting ang panga ko sa sinabi nito sa akin.
"Isang beses mo pa ako tawaging idiot, puputok to sa tagiliran mo" matigas na sabi ko dito sabay hawak ako sa baril na nakasabit sa bewang ko. Agad naman itong tumahimik pero inis parin ang mata na nakatitig sa akin sa akin.
"Nakakaintindi ka naman pala ng tagalog eh" dugtong ko pa.
"Pangalan?" Maya mayang tanong ko dito.
"Elly.." tipid na sagot nito habang nakasimangot, pero maganda parin.
"Buong pangalan?" tanong ko ulit dito.
"Ellysabeth Anderson!" pasinghal na sagot nito sa akin at matalim ang mga mata sa akin. Niliitan ko naman ang mga mata ko habang naka tingin sa kanya bilang pang asar.
"Ang expensive naman ng pangalan mo baby girl" sabi ko sa kanya sabay ngiti sa nakasimagot niyang mukha.
"Edad?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Turning 18 next month, and i'm not minor anymore" sabi nito.
"Whatever" madaling sagot ko naman.
"You're still minor at bawal kapa magmaneho ng kahit anong sasakyan lalo na wala kang lisensya" sabi ko dito.
"Whatever" sagot din nito sa akin, aba palaban ang isang to ah.
"Just call my dad! He is a rich man, he can pay all the damages, and get me out of this place eww!!" maarteng sabi nito sabay tingin sa paligid. Ano kaya kong bigwasan ko to. Kaarte arte eh.

BINABASA MO ANG
My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog
БоевикIsang Private Detective si Luna George, na masaya sa serbisyo niya. Araw-araw na buhay na niya ang maka encounter ng kahit anong kaso na illegal lalo na sa mga sindikato na lihim niyang binabantayan ang mga galaw. Hanggang sa kailangan niyang maging...