Chapter 16 : Reunited

1.3K 35 4
                                    

Ellysabeth P.O.V


Ilang oras na ang nagdaan wala pa din si Luna, napupuno na rin ng takot at kaba ang dibdib ko.

Napayuko nalang ako ng nakita kong nagsisidatingan yung ilang mga kalalakihan.

"Hanapin niyo sa paligid. Andito lang yon!" rinig kong sigaw nong isa.

Kaya mas lalo akong kinabahan.
Luna asan kana ba ang tagal mo bumalik. Sumasabay

"Hoy Miss! Kung asan ka man nagtatago. Lumabas ka na! Nahuli na namin yong isang kasama mo!" sigaw nito na. Oh my God! Nahuli nila si Luna. Napapikit nalang ako sa sakit ng sikmura ko. Anong oras na pala, hindi pa ako nakakain man lang, hindi natuloy pagkain ko kanina dahil tumakas kami ni Luna. Kumukulo na din tiyan ko sa gutom.

"Halina na kayo! Hindi na ata lalabas ang babaeng yon! Nagpakalayo layo na yon!" sabi nong isang lalaki.

"Papagalitan tayo ni Boss pag di natin nabalik sa kanya anak niya!" sabi naman nong isa, tatay ko ba talaga ang lalaking yon mukhang adik at patapon ang buhay. Ewan ayaw kong maniwala sa pinagsasabi nila hanggat di ko nakakausap ng maayos si Dad.

Nangangatog na ako dito sa gutom, hinang hina na ako hapon na di man lang ako nakakapag almusal at tanghalian man lang.
Bat kasi nagpahuli ka Luna, hindi ko na alam ang gagawin ko nahihilo na din ako.

"Umuwi na tayo! Hindi na lalabas yon! Masasyang lang oras natin dito!" sigaw nong isa. At rinig ko ang yapak nila na papaalis na.

"Sandali!" sigaw ko sa kanila, agad namang lumingon ang mga ito.

"Nagugutom na ako kaya magpapahuli na ako!" naiiyak kong sabi sa kanila, humalakhak naman ang mga ito.

"Kunin niyo na yan!" sabi nong isa at tinalian nila ako sa kamay at sinama na nila papunta sa bahay na yon.

I'm sorry Luna, gutom na gutom na talaga ako at hindi ko alam kung saan ako kakain sa gitna ng gubat nato.
Alam kong nagpakahirap ka para itakas ako pero wala eh. Di ko matitiis ang gutom ko.



Luna P.O.V

Alas tres na ng hapon, ano na kayang nangyayari kay Elly. Takot na takot na siya sa mga oras na ito, ilang oras nalang magdidilim na. Ang pangako ko sa kanya ay babalikan ko siya.

Maya-maya bumukas ang pinto.
Nanlaki nalang ang mata ko sa nakita ko.

Nakita ko si Elly, nakangiti at masayang masaya pa ito habang ngumunguya at punong puno ang bibig ng pagkain, may dala pa itong tray na puno ng pagkain.

"Wag na wag na kayong tatakas!" sabi sa kanya ng lalaki at sinarado nito ang pinto.

Kunot noo ko siyang tinitignan habang naglalakad siya papalapit sa akin. Mukhang tuwang tuwa siya sa pagkain na dala dala niya.

"What are you doing here, I told you to stay there!" inis kong sabi sa kanya, nilunok muna niya ang nasa bibig niya at kumagat pa ito ng lechong manok bago magsalita.

"Haynako! Narinig kong nahuli kana nila, anong gusto mo mamatay ako sa gutom doon at takot!" inis na sagot niya, nabuntong hinga na lang ako.

"Edi sana kumain ka nalang ng kahit ano doon, alam mong parehas tayo mamamatay dito!" sabi ko sa kanya.

"Okay ng mamatay akong kasama ka, kesa mamatay ako sa gutom" sagot naman niya habang patuloy na kumakain.

Tumitibok tibok ugat ko sa ulo dahil sa kanya.

"Kung alam ko lang na babalik ka dito eh sana hindi na tayo tumakas pa! Buwis buhay ako maitakas ka lang dito tapos babalik ka lang dahil nagugutom ka!" singhal ko sa kanya. Sandali siyang natahimik.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon