Chapter 10 : Longing To Luna

2.1K 51 0
                                    

Ellysabeth P.O.V

"Hmm.." nagising ako sa boses ni Luna.

Napadilat ako ng dahan dahan, mukha niya ang una kong nakita, napakaganda niya, yumakap pa ako sa kanya, ninanamnam ko ang sandaling ito na kayakap siya.

"Hey...." sabi niya ng magising ito at nakita niyang nakayakap ako sa kanya.

"Goodmorning" bati ko sa kanya sabay ngiti.

"Goodmorning, anong oras na ba?" sabi niya sabay abot ng selpon niyang nasa table.

"8:05!?" gulat na sabi niya.

"Why? Don't worry I don't have classes now" sabi ko sa kanya.

"No. It's not that. May e-uupdate lang ako sa office" sabi niya tsaka bumangon.

"Aalis ka?" tanong ko sa kanya habang siya naman ay nagsusuot ng underwear, and yes i saw everything. Naghalungkat siya ng damit sa cabinet at dumiretso sa CR, rinig ko ang shower mula sa bed namin. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

Nagbihis na din ako at inayos sng higaan niya.

Maya-maya ay lumabas siya sa CR, nakabihis na siya, dali dali siyang nagsuklay at nasuot ng boots.

"I'm sorry..I need to go, babalik ako bago mag lunch" paalam niya sa akin.

"Hindi ka mag-aalmusal?" tanong ko pero umalis na siya, napatanaw nalang ako sa balkonahe, umalis na siya sakay ng kotseng ginagamit niya panghatid sundo sa akin sa school malamang pinahiram siya ni dad ng kotse.

Tinatanaw ko ang kotse na sinasakyan niya paalis, I don't know pero parang namimiss ko siya agad.

Parang gusto ko lagi kami magkasama, like I miss her the second she left. Like I'm longing for her for a long time.

I just take a deep breath, when i didn't see the car she drove. Naligo na din ako at kumain ng almusal.

Hinintay ko siya, ewan ang boring ng araw ko pag hindi ko siya kasama. Wala akong maaway, wala akong makakasagutan, walang magsesermon sa akin.

Kung ano ano na ginawa ko, nagbabasa ng libro sa mini library, nagpahangin sa garden, pumunta sa guest room lahat nalang siguro ng parte ng bahay na to may memory kaming dalawa. Napapangiti nalang, pagnaalala ko ang mga away at sigawan naming dalawa.

"Wow.. maganda ata gising ng prinsesa ko, at naka ngiti" nagulat ako ng biglang nagsalita si dad.

"Andyan ka pala dad" sabi ko
Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako sa balikat.

"Oo kanina pa kita pinagmamasdan, parang lutang ka at ang lalim ng iniisip mo maya-maya ay ngumingiti ka mag isa" sabi niya medyo nagblush naman knowing that Luna is the reason those smile.

"Are you in love?" maya-mayang tanong ni dad, malapad naman ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

"I think so" sagot ko, mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"So, tama nga ako, who is this lucky guy huh?" tanong niya habang nakangiti. Bigla nalang nawala ang ngiti ko sa labi, I'm not inlove with a man. I'm in love with Detective George dad, sabi ko sa isip ko.

"Ohh. It's okay, if you're not yet ready to introduce that guy to me, I'm willing to wait naman" sabi ni dad habang sinusuyo ako ng akbay sa balikat.

"I'm sorry dad, I can't tell you now" sabi ko sa kanya, he just smile, and hugged me.

"I hope and pray that you'll find a great man in your life" sabi ni dad, I already found her, but she's not a man.

"Dad, I'm too young" sabi ko sa kanya

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon