Chapter 18 : Bullet

1.4K 39 4
                                    

Ellysabeth P.O.V

Mas lalo kung naramdaman ang diin ng baril sa ulo sa lalaking nasa likuran ko at ginagawa akong hostage, ganoon din si Luna. Nagkatutukan ng mga baril ang mga police na nagrescue sa amin at mga tauhan ng Peterson na to  Ayaw nilang sumuko nagmamatigas sila at kami ni Luna ang ginagawang hostage.

"Sumuko na kana Peterson bago pa magkapatong patong ang kaso mo" seryusong sabi ni Sergeant Jay na katabi ni Dad.

"James?" tanong ni Dad ng tumingin ito sa dereksiyon ng lalaking yon.

"Ako nga to Cedric, nice to see you again pare" naka ngising sabi nito.

"Hindi nga ako nagkamali, ikaw talaga ang nang ba black mail sa akin, akala ko nakakulong ka pa" sabi ni Dad at halata ko ang galit sa tono ng boses niya.

"Nakalaya na ako Cedric... hindi ko hahayaang mabulok ako sa kulungan..at bumalik ako para bawiin sayo ang anak namin ni Rowena" sagot naman ng Peterson na ito habang hindi ata napapagod sa kangingisi, halatang sabog siya sa mga bawal na gamot na nasinghot niya.

"Wala kang anak kay Rowena" sagot naman ni Dad.

"Ah talaga ba?! Tarantado ka pala eh! Ano to??" inis na sabi nito sabay tinuro ako.

"Nagkakamali ka... wala na ang anak mo kay Rowena..nalaglag yung pinagbubuntis niya!" singhal sa kanya ni Dad.

"Wag kang sinungaling! Ikaw ang dahilan ng lahat kaya ako iniwan ni Rowena, at anak ko ang babaeng ito! Kamukhang kamukha siya ni Rowena hindi ako nagkakamali na siya ang anak ko!" sigaw nito sa galit.

"James? Hanggang kailan ka ba magkakaganito?! Wag mo papaniwalain ang sarili mo sa bagay na hindi totoo! Ayusin mo ang buhay mo! Hindi pa huli ang lahat" sabi sa kanya ni Dad, habang nagsusumbatan ang dalawa ay nakita ko naman si Luna na kinakalagan ang sarili niya ng tali, medyo maluwag pagkakatali sa kanya kaya naalis niya ang pagkakahigpit nito. Hindi ito napansin ng mga kalalakihan sa likod niya.

"At sino ka para dektahan ako sa gagawin ko?! Papatayin kita Cedric at kukunin ko sayo ang anak ko!" galit na galit na sabi nito.

"Wala kang anak kay Rowena, anak ko si Elly....tunay kong anak si Elly" ulit ni Dad dito., ang bigat bigat na din ng kalooban ko, hindi ko alam ang nakaraan nila.

"Sinungaling ka! Sinungaling ka! Tumahimik ka!" sigaw ni Peterson na parang nababaliw na kasabay nito ang pagtutok ng baril kay Dad, ganoon nalang din ang sabay sabay na pagtutok ng  baril ng mga kapulisan kay Peterson.

"Kinuha mo sa akin si Rowena.. ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay" sabi nito habang naiiyak na, ganoon na rin ang sikip ng dibdib ko, tumingin sa akin si Dad.

"Wag ka maniwala Elly.. hindi ako ang pumatay sa mommy mo..." sabi ni Dad.. napatulo na lang ang luha ko hindi ko alam kung kanino ako sa kanila maniniwala.

"Oo..naging sila ng mommy mo at matagal na akong may gusto sa mommy mo, magkaibigan kami ni James mula highschool hanggang college at magkasintahan sila ng mommy mo.. nahulog ang loob ko kay Rowena.. sa mommy mo.. pero hindi ko magawang umamin sa kanya dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni James, noong nabuntis niya si Rowena, naging magulo ang pagsasama nila dahil takot siya sa responsibilidad kasabay non ang paggamit niya ng illegal na droga, kaya natakot si Rowena sa maaaring mangyari lalo na buntis siya at lagi siyang sinasaktan ni James kaya ako lagi ang takbuhan niya pag nagkaka problema sila..hanggang sa umamin ako kay Rowena nagkaroon kami ng relasyon... at di kalaunay nalaman ni James,.. dalawang buwan na buntis si Rowena, nagwala si James at gusto niya akong patayin, gigilitan niya sana ako ng leeg sa harap ng mommy mo ito anak, diba lagi mo itong tiantanong kung bakit may peklat ako sa leeg ko, si James ang may kagagawan nito. Noong akala niya ay napatay niya ako tumakas siya nagpakalayo layo, sa sobrang stress at takot ni Rowena nakunan siya nawala  sa sinapupunan niya ang batang pinagbubuntis niya... matapos ang pangyayaring yon ilang buwan bago nahanap si James, nakulong siya ng halos walong taon dahil na rin sa koneksiyon niya sa illegal na droga... nagpakasal kami ng mommy mo at ikaw ang naging bunga.. pero ng makalaya siya.. binalikan niya ako at pinagbabaril niya kami sa kotse ng mommy mo.. kaya namatay ang mommy mo dahil sa kanya... at hindi ko matanggap ang nangyari.. sana ako nalang ang namatay hindi ang mommy mo.. patawarin mo ako Elly... anak.. kung lagi kong sinasabi sayo na namatay ang mommy mo dahil sa car accident.. ayoko kasing matakot ka..ayokong magkaroon ka ng trauma..." paliwanag ni Dad.. kasabay non ang sunod sunod na pagtulo ko ng luha, namimiss ko ulit si mommy, lalo akong nangungulila ngayon sa kanya, hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman, sobrang bigat.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon