Chapter 23 : Reminisce

1.4K 44 6
                                    

Luna P.O.V

Nakahanda na ang baril at ilang magazine, naglagay na din ako ng gloves sa kamay ko at sinuot ko na din ang boots ko.

Saktong ala syete namin papasukin ang malaking bar ni Gino Takashi, kung saan andoon lahat ng gumagamit ng droga.

"Isuot mo ito" napalingon ako kay Sir Jay, hawak niya ang bulletproof vest na ibinibigay sa akin.

"No Sir'' naka ngiting sagot ko.

"At bakit? Delikado ang mission natin" sabi naman niya.

"Madali lang naman to, at tsaka mamadaliin ko lang tapusin ito kase pupunta pa ako sa birthday party ni Elly kung makakahabol" paliwanag ko sa kanya, rinig ko ang buntong hininga niya.

"Detective George, hindi pwedeng wala kang suot nito" ulit niya sa akin.

"Sir, madali lang ang mission na ito, hindi kailangan ng bulletproof " tanggi ko naman at bumuntong hininga ulit siya, napangiti nalang ako ng naka simangot siyang umalis sa tabi ko.

Ilang minuto pa ang dumaan at sakay ng mobile ay tinungo namin ang location ni Mr. Gini Takashi.

Pagdating namin sa location ay binantayan lahat ng exit ng building na ito.

Pinasok namin ni Sir Jay ang entrance kasama ang ibang kapulisan.

Bumungad sa amin ang madaming japanese citizen na kanya kanyang babae sa table nila halos hubad na ang mga ito.

"Taas ang kamay! Walang kikilos ng masama!" sigaw ni Sir Jay at gulat at mga takot itong napatingin sa dereksiyon namin.

Maingay at magulo sa loob napatigil nandin ang mga babaeng halos wala ng saplot na sumasayaw sa pole.

"Palabasin niyo lahat ng mga yan!" sigaw ni Sir Jay, at dahan dahan namang lumabas ang mga ito habang nakataas ang mga kamay.

"Sir! malamang nasa mga vip room nagtatago si Mr. Takashi" sabi ko sa kanya.

"Halughugin lahat ng kwarto! palabasin niyo lahat ng mga tao!" sigaw ulit ni Sir Jay.

''Hahanapin ko si Mr. Takashi" sabi ko sa kanya tumango naman siya ng seryuso.

Agad ko naman tinungo ang second floor, kasama ang ibang police.

Sinisipa ko ang mga pintong nadadaanan ko para hanapin si Takashi, pero nagugulat mga nagtatalik ang mga nakikita ko, mga minor at bata pa minsan ang nakikita kong katalik ng mga japanese na ito.

"Mga ponyeta kayo child abuse to ah!" galit kong sigaw sa nakita ko, agad kong sinalubong ng suntok ang isang lalaking japaneses, wala akong paki alam kung naka hubad siya at kita yung ari niya.

Dalawang beses ko itong sinuntok ng malakas ng aktong kukuha ng baril na nakalagay sa side table niya.

Natumba ito sa sahig na dumudugo ang bibig at ilong binigyan ko naman ng tuwalya pang tapis ang batang babaeng naka hubad at katalik nito. Umiiyak at takot na takot ito.

"Wag kana umiyak ligtas kana" sabi ko sa kanya.

"Kunin niyo tong bata at itong matandang to!" utos ko sa mga kasamahan ko.

"Ate! Iligtas mo po yung kapatid ko nasa 4th floor siya kasama lahat ng kinidnap na mga batang babae! Madami kami dito!" sabi ng batang ito habang umiiyak, ramdam ko ang takot sa mga mata niya.

"Wag ka mag alala ililigtas ko ang kapatid mo, lumabas kana dito" sabi ko sa kanya, inalalayan siya ng iba kong kasamahan palabas ng establishment na ito.

Binuksan ko lahat ng pinto, binabaril ko ang doorknob nito kapag hindi nabubuksan.

At ganoon na lamang ang pang hinagpis ko sa mga nakikita ko puro batang babae ang biktima nila. Puro minor at nagdadalaga na.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon