Chapter 13 : Farewell

1.4K 35 1
                                    

Luna P.O.V

Habang natutulog si Elly tahimik akong nag iimpake ng gamit ko.
Within five days birthday na niya.
I should leave her. Makaka handlang ako sa mas magandang buhay na hinahangad sa kanya ng daddy niya.

It's not the right for our love, may ibang tao na nakalaan para sa amin.

Matagal ko siyang tinitigan habang natutulog, kailangan ko na umalis bago pa siya magising.

Ma ingat ko siyang hinalikan sa noo, para hindi magising.

"I love you so much Elly, I'm sorry. I can't keep my promises, just take care of yourself always" mahinang sabi ko para hindi siya magising.

Ewan naiiyak ako pero pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Pinahid ko ang kaunting luha na tumulo sa pisngi ko.

Umalis na ako bago pa tuluyan akong umiyak sa kwarto niya.

Bumaba na ako ng living room, nakita ko si Mr. Anderson nandoon na siya at naka abang sa pag alis ko.

"Ipapahatid na kita sa driver ko, Thank you Detective George for taking care of my daughter habang wala ako, anytime pwede kang bumalik as her personal bodyguard kapag natapos na lahat ng mission mo sa trabaho mo" sabi niya sa akin.

"Thank you Sir, it'll be an honor to me for trusting me to protect your princess" sabi ko at ngumiti, para ng sasabog ang dibdib ko, ang bigat bigat sa loob.

"Thank you" sabi niya at lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa kotse.

"Aalis na po ba tayo Ma'am?" tanong ng driver

"Yes po" sagot ko naman, bago pa tuluyang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

I'm sorry Elly, alam kong magagalit ka sa akin, pero patawad. We need to regret this love between us, ayokong masira lahat ng magandang mangyayari sa buhay mo. Ayokong masira ang magandang plano sayo ng daddy mo. Sana lalaki nalang ako, para pwede tayong magsama, pwede tayong maging masaya. Sana naging lalaki nalang ako, pero hindi eh, kaya hindi tayo pwede.

"Si Señorita hinahabol tayo Ma'am" maya-mayang sabi ng driver, napalingon naman ako sa likod, si Elly nga, umiiyak siya habang hinahabol kami.

"Just keep driving" tumingin na lang ako sa harapan para hindi siya makita, doon na din tuluyang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang kinikimkim. Please Elly, wag mo na ako habulin.

***

Ellysabeth P.O.V

"I love you so much Elly, I'm sorry. I can't keep my promises, just take care of yourself always"

Napa balikwas ako ng bangon, ang sama ng panaginip ko, Luna is saying those phrases, na parang iiwan niya ako.

Malakas pa ang kabog ng puso ng tinignan ko si Luna sa higaan niya but she's not there kaya mas lalo akong kinabahan, nakita ko rin na wala na ang ibang gamit niya. Napabangon na ako at binuksan ko ang cabinet na lagayan niya ng damit, pero wala ni isang damit niya akong nakita pati yung travel bag niya wala na nakarinig ako ng kotse na nag e-start, kaya napatakbo ako sa balkonahe para tignan yon sa baba, nakita ko si Luna na dala na lahat ng gamit niya she's holding two travel bag at pumasok na sa kotse, hindi ako makasigaw sa bigat ng loob na nararamdaman ko. Parang may bumara sa lalamonan ko at di ako makasigaw na wag siyang umalis kasabay non ang pag apaw ng luha ko sa mata, wala na akong ibang ginawa kundi habulin siya, i just want to hug her and tell that I need her.

Tumakbo ako pababa mula third floor.

Nakita ko pang kumakaway si Dad sa kotseng sinasakayan ni Luna, kaya mas lalong bumilis ang takbo ko, pero sobrang layo na niya kaya siguradong hindi niya na ako maririnig.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon