Chapter 9 : Falling Inlove (SPG)

3.1K 56 2
                                    

Luna P.O.V

I'm just holding my breath, after I talked to Elly. Iniwan ko muna siya sa guest room at pumunta ako sa pool area.

She's too young for me. I'm just scared of falling inlove with her. I made a promise but i don't think I will keep it.

Masama pa pakiramdam ko, pero naglalakad lakad na ako dito.
As soon as possible I need to leave here, and go back to my job as a Detective, where there is no Elly there.

Her birthday is coming, at dadating na din si Mr. Anderson, so makakapag pa alam na ako. Ayoko ng lumalim pa ang meron sa amin ni Elly, lalo na't napapalapit na ang loob niya sa akin.

***

Lumipas pa ang ilang araw, mas lalong naging close na sa akin si Elly, pasaway pa rin siya tulad ng dati pero ngayon ay nabawas-bawasan.

"Dito nalang ako sa labas, hihintayin kita dito sa kotse hanggang pag-uwian." sabi ko sa kanya ng maihatid ko siya sa school niya.

"Okay" she said then smile, at lumabas na siya ng kotse kumaway pa siya sa akin bago pumasok sa gate.

"I'm sorry I can't be with you" nasabi ko nalang sa sarili habang tinitignan siya papalayo. Nasa loob lang ako ng kotse at inaabangan lang siya na lumabas.

Ellysabeth P.O.V

Mas ginaganahan ako mag aral at pumasok araw-araw with Luna, pakiramdam ko nadagdagan ang confidence ko sa sarili tuwing siya ang naghahatid sa akin sa school.

Nakikinig na din ako sa lesson, hindi tulad ng dati na wala akong pakialam, kasi ngayon lagi niya ako pinapagalitan hindi ko alam pero kinikilig ako tuwing nagagalit siya sa akin like concern siya sa future ko hahaha assumera.

Maya-maya nag ring na ang bell, yes uwian na makikita ko na naman ang mukha ni Luna.

Nasa hallway na ako palabas ng building pero napatigil nalang ako paglakad ng harangan ako ng tatlong bruha, kilala ko sila, sila yung mga matigas din ang ulo na tulad ko na taga ibang section.

"Hello Ms. Anderson" sabi nong isa habang naka ngisi ng nakakaloko.

"Hi, I have to go" sabi ko sabay iwas ng daan pero hinarangan ako nong isa na mukhang impakta.

"Get out of my way!" inis na sabi ko dito.

"Aba, sinisigawan mo ako!? Hoy Ms. Anderson balita ko tumataas daw grades mo ah hindi ka naman ganyan dati, kung inaakala mo na magiging top 1 ka sa buong section eh nagkakamali ka" sabi niya, hindi na ako nagsalita at akmang tatalikod na ako para sa ibang hagdan dumaan pero sinabunutan ako at napaatras naman ako ng ilang hakbang.

"Ouch! stop it idiot!" inis na sabi ko dito pero patulak nitong binitiwan ang ulo ko.

"What the hell are you doing?! Ano bang ginagawa ko sainyong mali para ganitohin niyo ako" naiinis at the same time naiiyak na ako, war freak ako dati pero matagal na yun. Ayoko na sa gulo. Ayoko nang manakit.

"Ohh.. ano yan luha? Naiiyak ang isang spoiled brat na Anderson?" insulto sa akin nong isa.

"Hoy Anderson! para sabihin ko sayo, tumataas lang grades mo ngayon dahil sa pera siguro binabayaran mo ng malaki ang teacher para bigyan ka ng mataas na grades, para sabihin ko sayo mayaman ka lang pero bobo ka" pabulong na sabi nito sa akin, at ngumisi pa.

Nanginginig ako sa galit sa mga tao, kung ano man yung grades at performance ko ngayon sa school ay pinaghirapan ko yun hindi dahil sa mayaman o kung anong meron ako at wala akong binabayarang teacher para ipasa ako.

"Get lost Anderson, isa kang walang utak at di nababagay sa school na to" sabi naman nong isa. Matagal na akong hindi nakikipag away dahil halos taon taon nagtatransfer nalang ako ng school mauubos ko na siguro school dito sa pilipinas kaka transfer dahil lagi nalang akong may kaaway.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon