Chapter 12 : Dance with Elly

1.6K 38 2
                                    

Ellysabeth P.O.V

Palapit na palapit ng palapit ang birthday ko. Mas na eexcite ako lalo na't andito si Luna siya ang gagawin kong last dance sa 18 flower ko.

Isang linggo nalang birthday ko na, lahat ay inihahanda na pati mga design at theme, pati yung gown na isusuot ko ay pinapaayos na ni Dad sa personal designer niya worth of 400K.

Actually dito lang sa Mansion gaganapin pero malawak naman ito, ayaw kasi ni Dad mag rent ng place sa labas dito nalang daw, dahil delikado.

Ngayon naman ay nasa likod ako ng bahay sa mini garden pero semento ang inaapakan, andito kami ng Choreograher na si Ms. Ahero Clayton, kinuha ni dad para turuan akong sumayaw sa 18th birthday ko.

Habang si Elly, naman ay tahimik na nagbabasa ng magazine sa gilid sa may bench, ewan pero natatawa ako sa kanya. Babae kasi choreographer ko at lesbian din pero babaeng babae itsura nito parang lalaki lang talaga gumalaw galaw.

Minsan pag napapatingin ako kay Luna ay kita ko ang kunot ng noo nito paghinahawakan ng choreographer ko ang bewang ko habang sumasayaw.

"You're doing great Ms. Anderson" maya-mayang sabi ni Ms. Clayton.

Halos mag kasingtangkad lang sila ni Luna, di hamak na mas cool lang si Luna dahil maangas ito tignan, ito namang si Ms. Clayton ay desenteng tignan at parang ang bait bait.

"Thank you po" sagot ko naman sa kanya

"Lets take a break pahinga ka muna" sabi niya sa akin.

"Halina kayo, magmeryenda muna kayo" sigaw naman ni Nanny Evy sa di kalauyan.

Gulat nalang ako ng inakay ni Ms. Clayton ang bewang ko para maglakad papasok ng bahay.

"Excuse me.. tapos na ang practice niyo ng sayaw, as her personal bodyguard may limit yung mga galaw ng mga taong makaka salamuha niya, she can walk alone di niya kailangan ng alalay'' sabi naman ni Luna na sumulpot bigla sa tabi ko sabay hawi sa kamay ni Ms. Clayton na naka hawak sa bewang ko.

"Uhh sorry.. I just want to make sure that she can walk straight.. baka kasi napagod siya sa practice" malumay na depensa ni Ms. Clayton.

"Then it's not of your business.... I can do that too. It's my responsibility" sabi naman ni Luna pero halata ko na sa boses niya na naiinis.

"Uhmm.. Ms. Clayton, pwedeng mauna kana sa dining room, may pag uusapan lang kami ng bodyguard ko" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Ngumiti din ito sa akin labas ang dalawang dimple sa magkabilang pisngi. She's pretty din pero wala eh di ako tinablan, I'm so obsessed to my Luna.

"Uhmm sure.. I'll wait you there" sagot naman niya, sabay kindat sa akin at umalis. Ganoon na lang ang pamula ng mukha ni Luna, I don't know maybe she's jealous or what.

"Ano bang ginagawa mo? She's just my choreographer...wag mo naman sana ganonin yung tao" maya-mayang sabi ko kay Luna ng nakalayo layo kami sa kanila.

"Bat ba? Wala naman akong ginagawa ah..." kunot noo nitong sagot.

"Fine...pero wag mong ganonin siya okay.. hindi kita ipagpapalit doon, grabe ka magselos" sabi ko sa kanya.

"No. I'm not. Bat ko pagseselosan yon" inis na sabi niya.

"Halatang nagseselos ka" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi nga eh, bahala ka! Di na kita papakialaman" singhal niya sa akin sabay alis.

"Hoyy Luna! Anong attitude yan ah! Ako yung maldita dito ah! Bat ngayon baliktad ata!" sigaw ko sa kanya pero parang walang narinig tuloy tuloy lang sa paglakad paalis.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon