Luna P.O.VTinignan ko ulit yung address kung tama yung napuntahan ko.
"Tama naman ah" pero malaking pader ang sumalubong sa akin at malaking gate
"Jusko pagkalaki laki higante ba nakatira sa loob at ganto kataas gate dito parang second floor na kataas tong gate na to ah" nasabi ko nalang ng hindi ako makapaniwala sa nakita ko ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"Welcome po Detective George" maya mayang sabi ng isa sa security guard sa loob at dalawang security guard pa ang tumulong para mabuksan ang isang pinto ng gate.
"Goodmorning din po" bati ko sa kanila. Kilala na nila ako malamang nag meeting sila ni Mr. Anderson na ako ang bagong private bodyguard ng anak niya.
"Sumakay na po kayo naghihintay na po si Mr. Anderson sainyo" sabi nito at sumakay naman ako sa electric bike na minamaneho ng isang security guard. Halos samping security guard ang nakapalibot sa bahay at may mga naka itim pang sampong lalaki na malalaki ang katawan malapit sa entrance ng lobby siguro sila ang bodyguard ni Mr. Anderson.
May kalayuan itong Mansion sa mismong entrance ng gate kaya kailangang sumakay ng electric bike.
~~~~
"Thank you Detective George at tinanggap mo ang alok ko" naka ngiting sabi ni Mr. Anderson.
Gwapo pa rin ito kahit may edad na, at kamukha niya ang anak niya.
"It's my honor to do this job Sir" magalang na sagot ko dito. Kahit demonyita anak niyo. Biro lang hehe.
"Great, pinagkakatiwala ko sayo ang kaligtasan ng anak ko, here is your rights para hindi na siya reklamo ng reklamo at sumunod siya sayo, siguro alam mo na at nabasa mo lahat ng record niya na binigay ko kay Sergeant Jay" natatawang sabi nito sabay binigay sa akin ang listahan ng mga dapat kong gawin with her daughter.
"Elly was my only princess, hindi ko na siya maalagaan at mabigyan ng atensiyon dahil sa pag aasikaso ko sa iba't ibang appointment at meeting, I hope na maging safety place ka niya Detective George" sabi niya na alam kong nag aalala siya para sa anak niya.
"Don't worry Sir, I'll protect her at all cost" sabi ko sa kanya with sincerity
"I hope so, here... " sabi niya at binigay sa akin ang puting sobre tinignan ko laman nito puro malulutong na tig-iisang libo.
"Advance naman po nito, I haven't yet started my job Sir" sabi ko sa kanya.
"Para sayo yan sweldo mo na ng isang buwan dahil baka hindi kita masweldohan actually lahat ng nagtatrabaho sa akin nabigyan ko na dahil almost 1 month akong wala, aasikasuhin ko ang negosyo ko sa Saudi, I hope you protect her, I love her so much, natatakot ako sa maaring mangyari sa anak ko habang wala ako" sabi niya sa akin.
"Don't worry Sir, I'll do my best to make her secured" sabi ko sa kanya.
Napa ngiti naman ito.
"Okay follow me" sabi niya at sumunod naman ako.
Pumasok kami sa isang maganda at malaking kwarto, may dalawang kama dito at nakita kong natutulog ang anak niya nakadapa pa ito habang natutulog, nilapitan niya ang anak niya at hinaplos ito sa ulo.
"She's beautiful isn't she?" malumanay na tanong sa akin ni Mr. Anderson habang nakatingin sa anak niya.
"Yes po" sagot ko naman. Parang ako nalang ang naguiguilty para sa batang ito paano siya naging ganyan katigas ang ulo at napakapa saway eh ang bait ng ama niya.
"I lost her mother 10 years ago, pinagbabaril kami sa loob ng kotse ako lang ang nakaligtas sa aming dalawa, mabuti at hindi namin kasama si Elly kung hindi pareho silang dalawa ang mawawala sa akin, nag aagaw buhay ang mommy niya sa ospital, paulit ulit sa aking ibinilin na protektahan ko palagi si Elly" kwento ni Sir habang patuloy at banayad na hinahaplos ang ulo ng anak, naiiyak na ako sa kwento niya. Tapos itong bata na to pasaway pa.
"Kaya siguro ganito na lang kalayo ang loob sa akin ni Elly dahil ako ang sinisisi niya dahil sa pagkamatay ng mommy niya, hindi ko daw prinotektahan ang mommy niya" naiiyak na sabi ni Sir.
"Ngayon Detective George alam mo na kung bakit gusto kong ligtas lagi ang anak ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari pa sa kanyang masama" sabi nito sa akin.
"At alam kong hindi niyo rin po ako mapapatawad, wag po kayo mag alala, gagawin ko lahat para sa kanya" sabi ko.
"Good.. sayo ko siya iiwan sayo ko din siya hahanapin pag dating ko" sabi nito. I just feel the father's love from Mr. Anderson, anak pa rin niya ang pinaka importante sa kanya sa kabila ng yaman niya.
"I love you so much sweetie, mag iingat ka palagi mahal na mahal ka ni Daddy" bulong nito sa natutulog na anak at hinalikan sa ulo.
Umalis na si Mr. Anderson kasama ang ilan sa bodyguard niya.
Tulog na tulog pa si dragon kaya maigi kong pinag aralan ang loob ng kwarto niya na kwarto ko na din ngayon.
Lumabas ako ng balkonahe ng kwarto niya.
"Jusko po ang taas nito ah paano niya nagagawang tumakas mula dito?" napatanong nalang ako sa sarili ko hindi ako makapaniwala na magagawa niyang tumakas sa ganto kataas na lugar.
Bumalik ako sa loob para ayusin ko ang gamit ko may empty na cabinet at nakalagay doon ang papel na nakadikit.
"For Detective George" basa ko sa nakadikit, hmm hinanda na nila ang lagayan ko ng gamit, maingat kong niligpit sa cabinet ang mga damit ko at iba ko pang gamit dahil baka magising ang natutulog na dragon.
Natapos na ako lahat lahat pero tulog pa rin siya.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Mag aalas ges na ng umaga tulog pa rin to?
Pinagmasdan ko maigi ang maganda niyang mukha, napakabait naman nito pag tulog parang anghel na natutulog eh.
Namalayan ko nalang na pati ako napapangiti habang pinagmamasdan ang mala anghel nitong mukha.
"Ahhh!!! Nanny Evy!!" bigla nalang tong sumigaw ng pagka lakas lakas ng makita akong nakatayo sa harap niya.
"Multo!!" sigaw nito habang takot na takot at nakapikit ang mata.
"Ssshh.. hindi ako multo ano ka ba?" sabi ko sa kanya pati ako nataranta sa sigaw niya.
"Anong nangyari?!" pag aalalang tanong ng matandang si Nanny Evy pagpasok na pagpasok ng kwarto kasama ang limang bodyguard.
"Wala po, nagulat lang siya sa akin" paliwanag ko sa kanila.
"She's a monster! Multo!" sigaw nito
"Ano???" napatanong nalang ako sa sinabi nito.
"Elly...buksan mo mata mo, walang monster dito, walang multo" sabi ni Nanny Evy at lumapit dito at pina-kalma ang takot na takot na dragon.
Dahan dahan itong dumilit.
"You?!" inis na sabi nito ng makilala ako. Sinasabi ko na nga ba.
"Siya ang bago mong bodyguard si Detective George at dito siya matutulog sa kwarto mo para may bantay ka" paliwanag ni Nanny Evy.
"No way! No fucking way!" inis na inis ito.
"Wala kang magagawa kung hindi ka pasaway at takas ng takas edi hindi naghanap ng banbantay sayo ang daddy mo" dagdag ni Nanny Evy.
"Asan si Dad i need to talk to him, kaya pala may dinagdag siyang bed dito, hindi niya man lang ako ininform" sabi nito.
"Umalis na ang Daddy mo kanina pang alas nwebe" sagot ni Nanny Evy.
"What? Umalis na namn siya?" Tanong nito na lalong nainis.
"Labas muna po ako Nanny Evy" paalam ko at lumabas ng kwarto pero sinusundan niya parin ako ng masamang tingin sumunod na din lumabas ang ibang bodyguard.
Hinayaan ko muna silang mag usap, pinapaliwanag ni Nanny Evy ang naging desisyon ng daddy niya kung bakit andito ako sa pamamahay niya.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan paamohin siya, para siyang chiwawa na pag hinawakan eh mangangagat agad. Sana naman magkasundo kami sa lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog
ActionIsang Private Detective si Luna George, na masaya sa serbisyo niya. Araw-araw na buhay na niya ang maka encounter ng kahit anong kaso na illegal lalo na sa mga sindikato na lihim niyang binabantayan ang mga galaw. Hanggang sa kailangan niyang maging...