Chapter 20 : Unknown

1.2K 38 3
                                    

Luna P.O.V

Ginugol ko ang oras at atensiyon ko sa trabaho, hinayaan ko muna si Elly maka uwi sa kanila. Pupuntahan ko nalang siya mamaya sa kanila pag out ko sa trabaho.

May kailangan pa ako tapusin at asikasuhin sa kaso ni Peterson para tuluyan na siyang masampahan ng kaso at maikulong  na.

"Detective George..." tawag sa akin ni Sir Jay.

"Yes Sir?" sagot ko naman ng napalingon ako sa kanya sabay saludo. He salute me back.

"May operation tayong gagawin bukas ng gabi.." sabi niya while giving me those papers.

"Anong kaso nito?" tanong ko naman.

"Isang sindikato din nagbibinta at gumagamit din ng illegal drugs..itong building na ito, ito pinagtataguan nila..." sabi ni Sir Jay habang itinuturo sa mapa.

"Sige Sir..." nasagot ko nalang, 18th birthday ni Elly bukas, hindi ako makaka attend ng birthday niya. Ngayon ko nalang siya puntahan, tutal ngayon ang free time ko.

Pagkatapos ko gawin ang trabaho ko ay niligpit ko na ang mga gamit ko pati PC ay pinatay ko na. 

Maya-maya ay nasagi ko ang posas na nasa desk ko, nahulog ito sa lapag. Dinampot ko ito para ilagay sa loob ng desk ko.

Napa ngiti nalang ako ng maalala ko ang unang pagkikita namin ni Elly, galit na galit siya sa akin noon dahil pinosasan ko siya.

Ang tadhana nga naman, siya yung taong hindi ko akalaing mamahalin ko ng sobra. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya, and from this moment, I'll everything to keep her safe from anyone and anything.

Hindi ko na hahayaan na mangyari pa ulit yon sa kanya, mababaliw na ako sa sobrang pag-aalala, and this time aalalayan ko siya habang wala ang kanyang alaala.
Hinding hindi ko siya hahayaang mag isa, maalala niya ako o hindi, hindi ko ipaparamdam sa kanya na mag-isa lang siya. I'll promise her that I'll protect her at all cost.

Hinding hindi ko na mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari pa sa kanyang masama, and through ups and down hinding hindi ko siya iiwan.

Umalis na ako sa office, at sumakay na  ako sa big bike motorcycle ko.

Pupuntahan ko si Elly, namimiss ko na siya hindi ko na siya nasamahan paglabas ng ospital.

Ilang minuto din ang biyahe ko, bumusina ako ng makarating ako sa gate nila. Sumaludo sa akin ang security guard, this time alam na nilang isa akong police detective at hindi lang ordinary private bodyguard ni Elly kaya ganoon na lang ang respeto nila sa akin.

Ipinarking ko ang motor sa malaking garahe nila.

I saw Nanny Evy, naka smile siya sa akin kahit malayo pa ako.

"Kumusta ka?" naka ngiting tanong nito sa akin, nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Nag alaala ako sainyo ni Elly..." sabi nito ramdam ko sa boses niya ang pag aalala bilang nakakatanda sa amin. I hugged her back.

"Okay na okay po ako Nanny Evy" naka ngiting sagot ko sa kanya.

"Si Mr. Anderson po?" tanong ko sa kanya.

"Umalis siya kanina pang umaga, may aasikasuhin daw sa kompanya" sagot naman nito.

"Si Elly po?" tanong ko sa kanya.

"Andoon sa kwarto niya, kasama yung choreographer niyang si Ms. Clayton" sagot nito, nawala nalang ang ngiti ko sa labi sa narinig ko. Don't tell me sinasamantala niya ang pagkakataon na ito para magpapansin kay Elly, habang wala ang alaala nito.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon