Chapter 24 : Presence

1.4K 42 0
                                    

Ellysabeth P.O.V

Naalala ko na ang lahat, at kailangan kong makita si Luna. I need her, pakiramdam ko matagal na panahon akong nawala sa kanya sa mga oras na hindi ko siya naaalala. 

Papalipasin ko muna ang gabing ito at sasabihin ko bukas ng umaga kay Dad ang lahat, na bumalik na ang alaala ko.

Natutulog pa ako ng marinig ko ang katok sa pinto ng mismong kwarto ko.
Agad naman akong bumangon, at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang mukha ni Dad na parang hindi maipinta ang itsura nito, parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"What's wrong Dad?" kunot noo-ng tanong ko sa kanya.

"I received message from headquarters with Seargent Guirrero" he said, at kinuha niya ang phone niya sa bulsa at itinapat sa akin ang screen na ito.

*Goodmorning Mr. Anderson, This is Seargent Guirrero, gusto ko lang pong ipaalam sainyo na may masamang nangyari kay Detective George sa operation namin kagabi, humihingi po ako ng kaunting tulong para sa hospital bill niya, wala po kasi ang kamag anak niya dito sa Manila nasa probinsya sila. 50-50 po ang lagay ni Detective George, bilang naging empleyado niyo po siya ay sana matulungan niyo.*

Halos mawalan ng lakas ang tuhod ko mula sa pagkakatayo, matapos kong mabasa ito.

"I know you don't remember Detective George-"

"No...Dad I know her!" sabi ko sa kanya, kakagising ko lang pero umaapaw na naman ang luha sa mata ko.

"Wait??" takang tanong ni Dad

"I remember everything.. I know her" sabi ko sa kanya, nang bigla na niya lang akong niyakap. He hugged me tightly.

"Thanks God!" sabi niya at mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Halika ka na, alam kong gusto mo siya puntahan" maya-mayang sabi niya.

Sabay kaming pumasok ni Dad sa back seat ng sasakyan, mabilis namang nagmaneho ang driver kasama namin ang isang bodyguard na naka upo sa front seat.

Pigil pigil ko ang luha ko sa mata habang nasa biyahe, hindi ko alam pero parang di ko kakayanin na makita si Luna na  nakaratay siya sa ospital at nag aagaw buhay.

Pag dating namin sa ospital ay agad kaming ginuide ng mga staff kung saan nandoon si Luna.

Nakita namin si Seargent Jay na naka upo sa bench at nakahawak pa ito sa ulo na parang ang bigat ng problema, kasama niya ang dalawang police at mukhang hindi pa sila umuwi sa kani kanilang bahay.

"Seargent Guirrero, how's Detective George?" tanong ni Dad sa kanya at napalingon naman ito sa dereksiyon namin.

Namumula ang mata nito at nanglalalim din mukhang wala pa itong tulog.

"50-50 Mr. Anderson.. 3 bullets ang pumasok sa katawan niya, dalawa pa lang ang nakuha kagabi, may isa pa sa dibdib niya at mahihirapan daw makuha ito" paliwanag nito habang namumula ang mga mata.

"Tulungan niyo po ang kasamahan namin Mr. Anderson, malaking bahagi ng team namin si Detective George.." pakiusap nito kay Dad.

"Tinawagan niyo na ba ang family niya? Sinabi niyo na ba ang tungkol dito?" tanong ni Dad sa kanya.

"No.. Mr. Anderson.. hindi ko nga alam kung paano ito ibabalita sa nanay niya, may sakit sa puso ang nanay niya, kaya hindi ko pwedeng ibalita ang lagay ng anak niya" sabi nito na tuluyan ng tumulo ang luha, napabuntong hininga naman si Dad.

"Sasagutin ko na ang hospital bill ni Detective George pati ang operation niya, sabihan mo na ang mga doktor na operahan na siya sa lalong madaling panahon" sabi ni Dad kay Seargent Jay, at umaliwalas naman ang mukha nito.

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon