Chapter 19 : Familiar

1.3K 36 3
                                    

Luna P.O.V

Umaalingawgaw ang ingay sa emergency area habang tinutulak ang stretcher kung saan nakahiga si Elly, patakbo naming sinusundan pareho ni Mr. Anderson kung saan dadalhin si Elly.

"I'm sorry Sir hanggang dito nalang kayo bawal na po kayong pumasok sa loob" sabi ng nurse at sinara ang pinto ng emergency room.

Napa upo kami pareho ni Mr. Anderson sa labas na upuan, napasabunot siya sa ulo niya habang umiiyak.

"Ito na ang kinakatakot ko" sabi niya

"I'm sorry Sir..hindi ko nagawang protektahan si Elly" sabi ko naman habang umiiyak. Nagkahalong galit sa sarili ko at takot na mawala si Elly ang nararamdaman ko ngayon. I was too careless para hindi siya maprotektahan sa mga oras na iyon.

"I'm sorry Mr. Anderson" pareho kaming napatingin sa doktor na lumabas mula sa loob.

"Masyadong critical ang lagay ng anak niyo, kailangan ng blood transfusion maraming dugo na ang nawala sa kanya, mababa sobra ang vital sign niya. Hindi namin ma-ooperahan sa ganitong sitwasyon ang anak niyo kung walang blood donor" paliwanag ng doktor.

"Hindi kami magkapareho ng dugo ni Elly, sa mommy niya siya nagmana" sabi ni Mr. Anderson.

"Kung ganoon Mr. Anderson kailangan niyong humanap agad ng blood donor sa lalong madaling panahon" sabi ng doktor.

"Ako Sir.. natatandaan ko sabi ni Elly type A siya.. magkapareho kaminng blood type" sabi ko naman

Napatingin sila sa akin pareho.

"Sigurado ka Detective George...?" nag aalalang tanong ni Mr. Anderson

"Siguradong sigurado Sir." sagot ko naman.

"Kung ganoon sumama ka na sa akin sa loob Ma'am" sabi ng doktor.

Wala ng paligoy ligoy ang doktor buhay ng anak ng isang tangyag na mayamang negosyante ang kailangan niyang isalba kaya agad itong gumagawa ng proseso oara mailigtas si Elly.

"Detective George! Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa lahat ng ginagawa mo kay Elly" rinig kong sabi ni Mr. Anderson habang umiiyak, ramdam ko ang pagmamahal at takot ng isang ama para sa kanyang anak.

Tumulo na lang ang luha ko ng makita ko si Elly, ginupit na ang damit niya at naka dapa siya panay labas ang dugo niya sa likod at ulo habang pinupunasan ito ng mga assistant nurse ng doktor.

"Dito kayo mahiga ma'am" sabi ng nurse sa akin, hinubad ko ang leather jacket ko at humiga nakita nila ang sugat ko sa braso.

"Ma'am okay lang ba? May sugat po kayo" tanong nito.

"I'm okay.. daplis lang yan" sagot ko.

Nakatingin lang ako sa mukha ni Elly habang ginagawa ang operasiyon, may nakakabit na oxygen sa bibig niya at dextrose sa kamay, diko namalayan ang pagtulo na naman ng luha ko, ang sikip ng dibdib ko hindi ko kayang makita siya sa ganyang sitwasyon, kung gaano ko siya iningatan na hindi mapahamak ay ganito na lang bigla ang mangyayari

Takas ka kasi ng takas, hindi mo alam ang ginagawa mo, hindi mo alam kung gaano ako nag aalala at takot na takot ngayon sa sitwasyon mo.

Sunod sunod ang luha ko habang nakikita ang sitwasiyon niya ngayon

I'm so scared Elly that I'll lose you, I can't handle it...

I was a fool to let this happen to you..

Ako dapat ang tinamaan ng bala hindi ikaw...

I should be the one to protect you...

I should protect you all the time...

My Sexy Bodyguard [gxg] Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon