Chapter 8: Date

498 18 3
                                    

Iñigo's POV:

Nakakabanas lang talaga kahapon. Akala ko good time na 'yun, pero 'nung nakilala ni Elle si I nasira na araw ko.

Close sila agad? Napapansin ko lang, sa iba ang bait bait niya pero sa'kin iba eh. Parang lagi siyang naiinis at gustong manapak ng tao kapag kasama niya ako. Bakit ganun?

*Sh*t! Iñigo! May istorbong nag-text!*

From: I
Lakad daw tayo I. Nandito ngayon si Yvette sa bahay, nakikipag-kwentuhan kay Lola. Sabi niya gusto niyang pumuntang mall since Saturday naman.

Ano?! Nasa bahay nila si Elle?! At nakikipag-usap sa Lola niyang, galit na galit na galit na galit sa lahat ng taong nakikita niya maging sa peripheral vision niya!

Bumangon na ako sa kama ko. Pumunta muna ako sa kwarto ni Dad at Mom na wala namang gumagamit.

"Dad, may gusto ako sa kanya. Pero nag-seselos ata ako eh. Puny*ta naman kasi si I eh! Inaagaw sa'kin ang Elle ko! Ngayon ko palang nararamdaman 'to. Psh, sige Dad may lakad kasi kami..... kasama si I." Natatawa lang ako. Kung nandito pa si Dad ngayon, sasabihin niyang 'yun lang' sa last sentence ko.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Ina.

"Hi Nana! 'Di ba may kwinento ako sa'yong babaeng gusto ko? May lakad kasi kami ngayon. Ang nakaka-inis lang kasama natin si kuya Man mo. Bwisit 'yung si I." Kung nandito lang din siya, sasabihin niyang 'kuya! Don't say B-W-I-S-I-T again, that's bad! Papa God will be galit!'.

Nag-bihis na ako at bumaba. Pumunta na ako at pumunta kina I gamit ang kotse ko.

Hindi pa ako nakakalapit nakita ko na silang dalawa sa labas. Tawa ng tawa si Elle habang kinikiliti naman siya ni I.

Heto nanaman 'tong selos na 'to! Cr*p! You're making this hard for me! Pinili kong maging bestfriend kami para mas mapalapit ako sa kanya. Naging malapit nga, pero 'di ko alam sa I na 'to kung anong trip niya.

I trust him. Immanuel has been my bestfriend since the day we were born. Alam niyang may gusto ako kay Elle kaya alam kong wala siyang gagawing masama, kahit na babaero siya. Pero in case lang ready na ang kamao ko sa kanya.

"Iñigo! Ayusin mo nga 'yang mukha mo! Para kang papatay." Bungad sa'kin ni Elle. Nag-pacute naman ako. "Eew! 'Di pa rin bagay! Buti pa 'tong si Manuel, kahit anong itsura ang pogi." Sabi niya sabay pisil sa mukha ni I at sumigaw naman si I.

Psh, 'yan nanaman sila sa pag-lalandian nila. Dinaig pa ang mag-jowa.

Pumasok na ako sa kotse. "Pasok nalang kayo dito kapag hindi na kayo busy sa isa't-isa." Inis na sigaw ko.

Kung 'di ko lang talaga kaibigan 'yang si I, kanina pa 'yan bugbog-sarado.

'Nung pumasok sila, doon sila sa likod umupo. Nakakainis kasi ang luwag ng upuan magka-dikit talaga sila!

"Elle, dito ka sa harap. Baka sabihing driver niyo ako." Sabi ko at sumunod naman siya diretso.

Mall nanaman kami ngayon. Ang role ko lang sa kanila parang bodyguard na binabantayan silang mag-asawa. Pero syempre, mas bagay ako kay Elle kesa kay I.

"Uy! Si I si Daddy si Yvette naman si Mommy at ako naman ang kanilang baby! Hahaha!" Natawa nalang ako 'dun. Si Elle naman nanlaki ang mata, maya-maya namula at tumingin sa daan.

Nang makarating kami sa mall, nag-cr muna si Elle. Kami naman nakatayo lang, naghihintay sa kanya.

"Sorry sa kahapon I ha? First time ko kasing mag-karoon ng kaibigan na babae na ka-age natin. Pero promise I, 'di ko siya gagawing babae ko. Sa'yong-sa'yo na siya. Kahapon lang talaga 'yun kasi para ko na siyang Mommy. Ganun kasi si Mom noon, laging pinipisil ang pisngi ko, palaging sumasakay sa mga tr--" Hindi ko na siya pinatapos kasi parang umiiba na ang tono ng boses niya.

I Fell In Love With A BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon