Deigo's POV:
Papauwi na ako galing kina Yvette dahil hinatid ko siya, nang madaanan ko ang bahay ni tito Ino. Natanong kasi kanina ni Yvette kung nasaan si Iñigo. Ichecheck ko lang dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.
Pumasok ako sa gate at nag-knock sa pintuan. Walang response. Kaya pumasok na ako.
Ang dilim, naputulan ba siya ng kuryente? Chineck ko sa CR, kitchen, dining room, at living room pero wala. Umakyat na ako sa taas.
Kumatok ako sa kwarto niya pero walang nag-salita. Binuksan ko at wala nga siya.
Binuksan ko rin ang kwarto ni Mom at tito Ino, pero wala rin. Pumasok ako sa kwarto ni Ina, wala rin. Dumungaw ako sa bintana ng room ni Ina, found you Iñigo.
Bumaba na ako at pumunta sa backyard. Nakita ko siyang umiinom at nag-sasalita.
"Pu*cha naman talaga o! Ako na nga lagi niyang nakikita, 'yung gag*ong 'yun pa rin?! Ano ba ang dapat kong gawin?! Lahat ginawa ko para maging close kami pero iba pa rin ang nakikita niya!" Mukhang problemado 'tong utol kong 'to. "Yvette Danielle Fernandez! Kailan mo'ko mapapansin?!"
Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. "Yo bro!" Bati ko.
Gulat na gulat ang mukha niya pero maya-maya nag-bago ng pagka-inis. "We're not close, at mas lalong hindi tayo magkapatid! Bro ka diyan!" Sus! Nag-chachange topic technique lang 'to.
"Sige. Gusto mo pala si Yvette?" Mapang-asar na tanong ko.
"Ha?!" Tinanggal niya ang pag-kaakbay. Hahaha, 'yan ang pinaka-gulat na itsura niya na nakita ko.
"Oo narinig ko na." Natatawang sabi ko.
"Hindi ko 'yun gusto! Ako? Isang bad boy at woman-hater ng dahil kay Mom, magkakagusto sa isang babae?! Sus, she's just assuming." Denial Prince pala 'tong kapatid ko. Kanina nga may pa 'Yvette Danielle Fernandez! Kailan mo ako mapapansin?!' siya eh.
Sige my Denial Brother. "Mabuti kung ganun." Ginamit ko 'yung serious look ko. "May date kasi kami bukas eh." Sabi ko ng seryoso na ikinagulat niya.
"Date?! Anong date?!" See, its obvious that she likes Yvette.
"Date. To do an ACTIVITY with someone you might have a ROMANTIC RELATIONSHIP with." Sabi ko.
"Anong activity?!" Galit na tanong niya pero nag-smile lang ako. "Tsaka anong romantic relationship?! K-kayo na ba?" 'Dun sa kayo na ba' part, nanghina ang boses niya.
"Ting ting ting! You guessed the right answer!" Sabi ko. "Sige. May DATE pa kasi kami bukas kaya, bye!" Sabi ko at umalis na.
*****
Yvette's POV:
Nag-hintay ako sa labas. Nag-text kasi si Diego kaninang 5:00am na 5:30 siya dadaan kasi may sasabihin siya.
"Yvette!" Ay, nadiyan na pala siya.
Pumasok na ako sa kotse niya at pumunta kami sa isang coffee shop. Wala naman kaming inorder.
"Ano pala 'yung sasabihin mo?" Tanong ko.
"Ah 'yun? Huwag kang magagalit ha?" Tumango naman ako. "Pwede ba tayong mag-panggap na couple?"
"Pwede ba tayong mag-panggap na couple?"
"Pwede ba tayong mag-panggap na couple?"
"Pwede ba tayong mag-panggap na couple?"
Mag-papanggap kaming couple? Bakit naman?
"Couple? Why?" Sus! Gusto mo naman 'yan!
"May gusto lang akong paaminin." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A BAD BOY
Novela JuvenilWhat if half of your world was shattered? Will someone help you? What if that 'someone' is a bad boy? Do you expect some love from him?