Yvette's POV:
Haay, wala na kami. Kami ni Diego. There's a part in me that's sad, and a half of it that's happy.
Sad, kasi hindi na kami magiging ganoon ka sweet. Happy, dahil malaya na ako. Pwede na akong magka-crush sa iba.
Aish! Stop that nonsense Yvette. Iñigo already has Raisa. Bad ang mang-agaw.
Pero nakapag-tataka lang kasi parang pinag-pipilitan sa'kin ni Raisa si Iñigo. Eh mahal naman ata niya, bakit niya pa ibibigay sa iba.
Wow! Naging ganito na ako since I discovered my feelings for him. Okay lang na may iba siya basta makita ko lang siya araw-araw.
"Hoy!"
"Iñigo!" Nagulat ako dahil si Iñigo mismo ang nanggulat sa'kin.
"Uy! Iniisip niya 'ko!"
"Oo. I'm thinking of way to get rid of you in this planet." Pagbibiro ko. "Hmm, pwede akong tumawag sa uncle kong astronaut at ipadala ka sa..... pluto!"
"Ha?! Wala nang pluto diba?"
"Yup! And that's why I want you to go there. Para mawala ka na rin." That was a lie. I will sacrifice anything mabuhay lang siya.
"Sige na. Tama na lokohan. May uncle ka talagang astronaut?" Tanong niya.
"Oo. Kapatid siya ni Dad."
Na-amaze lang ako sa sarili ko. Hindi ako naiyak ngayon na nasabi ko si Dad. Siguro dahil comfortable ako kay Iñigo kaya wala akong naramdaman. Pero may part pa rin sa'king masakit sa pagka-wala niya. Haay!
"Hindi ka siguro masaya 'nung kayo ni Diego 'no? Lagi ka kasing masungit. Ngayon na wala na kayo, masaya ka naulit."
"Paano mo nalaman?!" Gulat kong tanong.
"Kay Raisin. Gossiper kasi 'yan." Raisin nanaman? Ayy, oo nga pala. Sila pa ngayon. Mukhang seryoso talaga sila sa isa't-isa. "Bakit ka nalungkot?"
Umiling lang ako. Bakit ba mahirap mag-mahal? Bakit dapat maging komplikado? Hindi ba pwedeng mag-mahalan nalang tayong lahat? Ang hirap lang kasi eh.
"Ahh, wala na pala kami ni Raisin." Scratch that thought..... sometimes, love is so joyous.
"Ang bilis naman."
"Wala lang trip lang naming mag-break. Mas mahal niya kasi ang make-up kit niya. Ako naman may mahal akong iba." Akala ko masaya na ako. 'Yun pala may mahal na siyang iba. Love is..... ugh!
Pumasok na si sir Boldwin. Ang modern ng pangalan niya pero matanda na siya, Phil-Am kasi siya. Siguro time traveler ang parents nito.
"Haay, nandito nanaman si Mr. BALDwin." Natawa nalang ako sa sinabi nitong katabi ko.
Titiisin ko nalang. Even if he loves someone katabi ko naman siya. Lagi ko siyang makikita araw-araw.
Love is harsh.
*****
*Kriiiiing Kriiiiing*
Lalabas na sana kami nang pumasok si Mrs. Dominguez. Snack time na ah, mag-klaklase pa kami?
"Sit down muna kayo. I'm here to announce that you have no classes now and this afternoon because of an urgent meeting. Kaya pakasaya na kayo!" Mabuti pa si Mrs. Dominguez ang bait kesa kay sir Boldwin ang strict.
"May gagawin ka?" Tanong sa'kin ni Iñigo pagka-labas naming lahat.
"May assignment tayo kay Mr. Boldwin." Paalala ko.
"Ok nga 'no. Pero computation lang naman 'yun eh. Pagkatapos?"
"Mag-lilinis ako sa bahay."
"Bawal ka kayang mag-linis dahil may asthma ka. Lagi ka ngang pinagagalitan ni Lola Bella eh."
"Eh saan naman tayo pupunta?"
"Sinabi ko bang may lakad tayo? Nag-tatanong lang naman ako kung may gagawin ka ah." Nakakainis rin 'tong lalaking 'to.
"Sige. Tatawagan ko nalang si Diego at sasabihin kong mamasyal kami." Sabi ko.
"Eh wala na kayo ah?"
"Masama bang mamasyal ang friends?" Tanong ko at binilisan ang pag-lakad.
Hinabol niya ako at hinawakan sa kamay. "Oo na. Inaaya na kita. Punta tayo sa pinuntahan nating park. 'Yung lagi naming pinupuntahan."
"Mamamasyal tayo? Hindi naman tayo." Sabi ko.
"Masama bang mamasyal ang bestfriends?" Ginaya ba naman ako?
*****
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Syempre unang-una, huminga ka baka mamaya-- aray! Kakain tayo! Nag-bibiro lang, nang-hahampas pa. Pinaaalala ko lang naman ah kasi....."
"Kasi ano?" Pang-hahamon ko.
"Papakasalan pa kita."
*****
Raisa's POV:
"Hahaha. Itsura ni Yvette! Hahaha!" Tawa ko. "Hindi naman pala torpe 'yang kapatid mo eh." Sabi ko sa kanya.
"Syempre. Mana yata sa'kin 'yan." Proud much?
"Eh umamin ka na ba sa taong gusto mo?" Hamon ko.
"Ayaw ko kasi baka magulat siya." Duwag pala 'to.
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita." Sabi ko sa kanya.
"Talaga? Tutulungan mo akong umamin sa'yo na mahal kita?"
--------------------
♪Love is like the sun,
Love is in the air,
Love is everywhere♪Hindi mga torpe ang Anderson brothers! Ayaw ko kasi sa mga lalaking torpe, mas nahihirapan ang babae. Ayy, hugot? Hahaha, VoMment!
-SP_hunter
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A BAD BOY
Ficção AdolescenteWhat if half of your world was shattered? Will someone help you? What if that 'someone' is a bad boy? Do you expect some love from him?