Chapter 14: Oplan Kupido 1

315 19 6
                                    

Iñigo's POV:

"Hi Iñigo!" Ang sigla naman ata ngayon ni Raisin?

"Hi?"

Sumakay na siya kaya pumasok na rin ako. Habang papunta sa Dream High, nag-red 'yung stop light.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid. Nakita ko sa rear-view mirror ang kotse ni Diego. Nag-tatawanan sila ni Elle, p*cha! Maya-maya hinalikan ni Diego si Elle sa pisngi, p*cha nanaman!

Napasuntok ako sa manibela kaya bumusina ito. Bakit kasi ang tagal mag-green nito?!

"Oh my G! Bakit ka bumusina, eh ikaw naman ang nasa unahan?!" Gulat na sabi ni Raisa.

"Huwag kang maingay." Nag-green na rin, sa wakas nakaraos sa impyerno!

Nang makarating ng parking lot, sabay rin. Sinasadya ba?! Psh. Inakbayan ko agad si Raisa habang sila holding hands lang.

"HHWW, laos na 'yan." Bulong ko nang dumaan sila sa tabi namin.

"Sandali lang, may nakalimutan ako sa kotse. Mauna ka na sa classroom mo." Sabi ni Diego kay Elle. "Atleast, MAHAL namin ang isa't-isa." Bulong niya rin sa'kin 'nang makadaan siya sa gawi ko dahil pabalik siya.

Nanahimik nalang ako. Hinalungkat ni Raisin ang bag niya. Parang iiyak na 'to ah. Ano kayang nangyari?

"Ugh! My foundation! I left it in the car! Mauna ka nalang." Sabi niya sabay padabog na bumalik.

Nag-lakad na ako papunta sa classroom. Habang nasa corridor, nakakapanibago. Noon kasi tilian sila kapag dumaan ang Ice, kami ni I. Ngayon ang tahimik, dahil siguro akala nila girlfriend ko si Raisa. Warfreak kasi ang pagka-kilala nila sa kanya kaya ganito.

Nang makarating ako sa classroom, umupo agad ako. Napansin ko namang parang natutulog 'tong si Elle. Imposible namang matulog 'to, eh ang aga-aga natutulog 'to.

Napansin ko namang parang humihikbi siya kaya tinapik ko siya. Inangat niya 'yung ulo niya at parang nagulat 'nung nakita ako. Maski ako nagulat, umiiyak kasi siya. Ano bang ginawa ni Diego sa kanya?

"Bakit ka umiiyak? Inano ka ni Diego?" Tanong ko.

"Its none of your business." Pag-susungit niya.

Nanahimik nalang ako.

"Pumasok na ang rin kalbo naming teacher. Nakalbo dahil sa pag-pupuyat para sa class record. Busy kasi sa pag-aabsent sa'kin doon kahit pumapasok naman ako." Bulong ko sa sarili ko.

"Hihihi." Napatingin naman ako kay Elle dahil sa pagtawa niya pero inirapan niya ako, ito ba ang sinasabi nilang moodswings?

Natapos nalang ang klase na sinusungitan ako ni Elle kapag tumitingin ako sa kanya.

Nag-punta agad ako sa classroom nina Raisa nang recess na. Napapalibutan nanaman siya ng mga alipores niya.

"Hi Raisin!" Bati ko agad at napatingin naman lahat ng mga alipin niya.

"Oh my! May pinansin na si Iñigo?!" Malakas na bulong ng isang mukhang clown, ang raming colorete sa mukha.

"Ano ka ba! Boyfriend ni Master si Iñigo!" Malakas na bulong naman 'nung isa na parang stripper, ang iksi ng palda at ang sikip ng blouse.

"Ganun na ba ako katagal na absent?" Sabi nanaman ni clown.

"Okay, shut up! Mamaya na tayo mag-meeting kung paano magagantihan 'yung papansing babae. Bye allies!" Sigaw ni Raisa.

"Bye Master!" Sigaw nila pabalik.

"Master? Parang mas bagay ang maskara, Raisin." Bulong ko.

"Eeeeeh! Stop it with that raisin thing!" Sigaw niya na pabulong.

"Hahaha, kung hindi kalang nag-glutathione hindi ka naman puputi! Hahaha!" Bulong ko kaya nagka-roon ako ng award na hampas sa balikat.

Nag-punta na kami sa caf at nag-order. Umupo kami at kumain.

Naalala ko naman si Elle. Grabe 'yung moodswings niya kanina. Bakit kaya? Matanong kaya dito sa glutathione girl na 'to.

"Hoy! Kapag madalas mag-moodswing ang babae anong ibig-sabihin 'nun?"

"Ahh, baka masaya siya pero 'nung nakita niya 'yung feslak mo nainis sa'yo....." Tumango ako habang iniinom ang iced tea ko. "O baka buntis." Naibuga ko 'yung iniinom ko.

Buntis!?!?!?!?!? Paano?! Mapapatay ko 'yang g*gong Diego na 'yan kung totoo!

"Eew!" Sigaw 'nung nabugahan ko at mag-mumura pa sana kaya lang nakita na ako 'yung nakabuga kaya nanahimik.

Tumayo agad ako at iniwan 'yung pagkain ko. Pumunta ako sa classroom ni Diego at nakita ko si Jason. Matagal siyang nawala dahil nagka-dengue.

"Nakita mo ba si Diego?" Tanong ko.

"Uy sir Iñigo! Si sir Diego po kanina ko pa hinahanap eh. Wala daw sa room nila. Ibibigay ko sana 'tong mini-notebook niya. Nabasa ko, may meeting daw sila kanina." Kinuha ko kay Jason at sinenyasang ako nalang ang mag-bibigay.

Nakita ko siya sa meeting room nila. Ibinato ko agad sa kanya ang notebook niya na may pokemon na sticker sa ilalim at tumama ito sa ulo niya. Linapitan ko siya agad at kwinelyuhan.

"Totoo bang buntis si Elle?!" Galit na sabi ko.

"Bakit? Selos ka?" Nakakainis rin 'to minsan eh.

"Wala kang pakialam! Sagutin mo ang tanong ko!" Nanahimik lang siya. "Sabihin mo na! Nalalamon na ako sa selos dito!"

"Woohoo! Raisa! Labas na diyan! Mission accomplished!" Ano?!

Nagulat ako ng lumabas si Raisa sa meeting table nila na nakangiti. "Yehey!" Ano bang nangyayari?

"Ano?!"

"Mamaya ha?" Tumalon muna sila ng tumalon.

Mga baliw na ata.

"Hahaha, itsura mo Anderson!" Sigaw ni Raisa.

"Eh ano ba kasi?" Inis na ako.

"Kasi plinano naming lahat 'to! Hahaha!" Ano?!

"Bakit naman?!"

"Para umamin ka sa feelings mo para kay Yvette. Ngayon tutulungan ka namin kay Yvette." Masayang sabi ni Diego.

--------------------

Sunod na chapter ay pag-lalapitin 'nung dalawa si Iñigo at Yvette! Mabilis ba? Gusto ko kasing matapos agad para masulat ko ang part two nito at isang side story. Su dats ol por nahw!

-SP_hunter

I Fell In Love With A BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon