Iñigo's POV:
*Sh*t! Iñigo! May istorbong nag-text!*
From: G*gong Diego
Gala tayo sa mall. Isama mo GIRLFRIEND mo.Alam niya ba? Caps lock kasi ang girlfriend. Talino talaga ni half brother.
Pero bahala siya, pakatigas siya 'dun sa pag-hihintay.
*Sh*t! Iñigo! May istorbong nag-text!*
From: G*gong Diego
Kasama ko si Yvette KO.Kahit ayaw ko, nandoon si Elle eh. Baka kung ano ang gawin ni Diego sa kanya. To think na girlfriend nga niya si Elle, parang ayaw ko pa rinng pabayaan si Elle. Bestfriend ko kaya 'yun.
To: Dark Brown Raisin
Hoy! Raisin punta daw tayo mall! Sama ka?! Hindi?!From: Dark Brown Raisin
I'll surely come! I'll enjoy this! Daan ka nalang dito!Hahaha, ang astig ng communication namin 'no? Puro sigawan. Kaya nga nagugustuhan ko siya..... bilang kaibigan LANG. Kinuha na kasi ni Elle ang puso ko ng buong-buo.
Tsk, ang mais ko na! Why are you doing this to me Elle?!
*****
"Promise talaga Iñigo, gagawin ko lahat para lang patunayan na nag-seselos 'yang si Yvette!" Sabi sa'kin ni Raisin habang nasa loob ng sasakyan papuntang mall.
"Parang wala naman akong nakikita kahit katingting na selos sa kanya. Parang wala na talaga akong pag-asa." Bakit ko ba 'to naisip? Ginamit ko pa si Raisa, eh alam ko namang sila na.
"Hoy! Your not the Iñigo Laurente Anderson I knew! The Iñigo that always emabrace all hardships, that always faces problems, and never ignores his fights. Namatayan ka, pero hindi ka nagpa-dala sa lungkot, instead you faced life! Eh kung ako ikaw, baka nagpaka-matay na ako 'nun! For Pete's sake Iñigo! Be strong!"
Natigilan nalang ako doon. Tama 'tong pasas na 'to, ang dami nang mapapait na nangyari sa'kin, ngayon pa ba ako titigil?
Parang nasa takbuhan lang ako eh. Nalagpasan ko lahat ng bato na nakaharang sa daan ko pero ngayon na malapit na ako sa finish line titigil ako? No! I have to try until I succeed, there's still a tiny possibility for me.
"See? Natauhan ka rin. Kaya tara bumaba na tayo kasi we are like 192, 837, 465 years here already. And remember, boost your confidence." Maarteng sabi niya saka lumabas ng kotse kaya sumunod ako.
Iba ang nakikita ng ibang tao kay Raisa. Siguro akala nila maldita, maarte, famewhore, madaldal, salbahe, at lahat nalang ng negatibo na katangian nasa kay Raisa na. Pero mali sila, ang totoo ang bait nito.
Kaya nga laging pinapatawad ni Saira 'yang kambal niya kasi alam niyang mabait talaga siya, nabulag lang sa selos.
"Salamat." Sabi ko sa kanya 'nang makahabol ako sa kanya kaya napangiti nalang siya.
"Woy! Tama na ang pagiging asukal! Gala tayo, bukas assignments nanaman!" Sigaw ni Diego.
Napatingin naman ako kay Elle. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin kay Diego. Siguro masaya talaga siya. Titigil naman talaga ako sa mga pinaggagawa kong 'to, pero nakikita naman ni Raisa na nag-seselos DAW siya. Kaya pabayaan nalang. Girls don't get boys they say, well boys don't get girls also.
Hayaan na. Kapag wala na talaga, edi wala na. Edi wow! Haha, nagagawa ko pang mag-biro sa mga oras na 'to. Sabi nga ni Ryzza, 'Bawal ang sad, dapat happy!'
"Hoy! Sabi nila kain na tayo!" Sigaw sa'kin ni Raisa. Tsk, tulala nanaman ako. "Porket nakita mo na 'yang Elle mo, ganyan ka na." Bulong niya. "Haay! Pag-ibig nga naman!" Sumigaw na siya diyan kaya napatingin silang lahat sa Raisin na 'to.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With A BAD BOY
Teen FictionWhat if half of your world was shattered? Will someone help you? What if that 'someone' is a bad boy? Do you expect some love from him?