Chapter 7: Great Day

440 20 2
                                    

Yvette's POV:

"Daniela!" Sigaw ni Lola.

"Lola, nasa kwarto po ako!" Sigaw ko kasi baka hindi niya marinig.

Narinig ko namang pumasok siya sa room ko.

"O, nasaan ka ba?" Lumabas na ako. "Anong ginagawa mo sa ilalim ng kama mo?"

"Ah, kasi nahulog po 'yung ballpen ko doon. Bakit niyo po pala ako tinatawag?" Tanong ko.

"Eh may bisita ka sa baba." Bisita? Sino kaya 'yun? Timing pa naman na marami kaming assignments.

Bumaba na ako at nakita ko si Iñigo na nakaupo sa living room. Ang dami niyang dalang notebook.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"Sabay na tayong mag-assignment." Ganun?

"Bakit natatakot ka na mag-assignment mag-isa? Walang kakain sa'yo 'dun sa bahay mo Iñigo kaya uwi ka na." Sabi ko at tinulak siya papunta sa pintuan.

"Iñigo?! Iñigo! Ikaw na ba 'yan?!" Gulat na sigaw ni Lola. Kilala niya?

"Opo. Kanina nga po 'nung pumasok ako akala ko kilala niyo pa ako kaya hindi na po ako nakapag-pakilala." Close pala sila.

"Kilala niyo po siya Lola?" Fish out of water na ako ng konti dito.

"Kilalang-kilala ko siya. Ninang ako sa kasal ni Sabrina at Ino." Ahh, kaya pala.

"Sige po alis na po ako." Palabas na sana siya.

"Hindi. Daniela naman, sabay na kayo. Ibaba mo nalang ang mga notebooks mo dito." Wala na akong nagawa.

Kinuha ko na ang mga notebooks ko sa room at bumaba. Nag-simula na kami, tahimik lang naman siya. Bakit ba dito pa siya mag-aassignment?

"Hoy, bakit kailangang dito pa?" Bulong ko dahil baka marinig ni Lola.

"Huwag mo nang alamin." Sabi niya habang nag-cocompute.

"Bakit nga?!" Whispering pa rin.

"Sige na nga. Bumisita kasi si Mom at Dino sa bahay ni Dad, na tinutuluyan ko ngayon. Dahil naiinis ako sa pag-mumukha 'nung dalawa, dumaan ako sa likod para makaalis. Bahala na sila 'dun." Inis na sabi niya.

"Ang rude mo pala." Sabi ko.

"Siguro, bad boy nga ako ng Dream High. Lahat takot sa'kin." Pag-mamalaki niya.

"Well, except for me." Proud kong sabi.

"Weh?" Tiningnan ko naman siya.

"Oo." Lumapit naman siya sa'kin. "Iñigo, mag-assignment ka na." Kinakabahan na ako. Bakit lumalapit siya?

Lumapit pa siya kaya tumayo na ako. Lapit ng lapit siya sa'kin habang ako usog ng usog.

Umusog pa ako pero nasa dulo na ako. My heartbeat is beating so fast. Tiningnan ko naman siya, ang lapit na ng mukha niya. 'Yung mukha nalang niya ang lumalapit. Ano ang gagawin ko?

"Iba ka talaga Elle. Kung ibang babae 'yun pipikit na sila. Pero rinig na rinig ko 'yung heartbeat mo." Hala, narinig niya?

"Pipikit? Ano, matutulog habang lumalapit ka?" Change topic technique ko 'yan.

"Hindi. Kasi akala nila hahalikan ko sila." Ang assuming naman nila.

"Eew. Buti 'di ako pumikit." Sabi ko.

"O, nag-aassignment pa ba kayo niyan?" Tanong ni Lola ng makitang magkalapit kami. Oh my goodness!

"A-ah opo nag..... me-measure po kami ng height namin. P-para sa..... MAPEH. Oo 'yun, para sa MAPEH subject namin." Pag-papalusot ni Iñigo.

I Fell In Love With A BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon