ELIANA
EX
Sumapit ang gabi ay nandito pa rin ako. Hindi ko alam kung kailan ulit kami pupunta sa kanila. He said that he wants me to feel at home.
Tumingin ako sa rectangle clock sa dingding. It’s 6:00pm. Pumunta ako sa kusina upang malaman kung ano ang pwedeng gawing ulam ngayon.
Halos kumalabog ang dibdib nang may marinig na pagsipa at pagkatok sa pintuan.
“Stay here," ani Lucas.
Umigting ang kanyang panga ngunit napako ang kanyang tingin sa pinto nang may kumatok doon. Sa oras pa naman ngayon, akala ko ba nagsi-uwian na ang mga empleyado niya.
"Lucas!" tawag sa kanya mula sa labas ng opisina. Sa tono na iyon ay hindi maipagkakaila na babae ang sumigaw.
"Not now, Melody. Busy ako at wala akong oras sa 'yo." Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Sarado ang pinto ngunit habang tumatagal ay palakas nang palakas ang boses na gawa ng babaeng nagngangalang Melody. Inaasahan niya bang pupunta iyon dito?
Is she Lucas’ girlfriend?
Melody? Kung gano’n. Kailangan ko talaga umalis dito dahil dito siya matutulog.
Kapagkuwan ay sumulyap muna siya sa pinto bago tumingin sa akin. Sunod-sunod ang kalabog sa pinto dahilan upang siya'y mapasinghap at tila'y umusok na ang kanyang ilong. Sa halip na pakinggan ito ay pumunta na siya doon at binuksan ang pinto.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay isang sampal agad ang sinalubong ni Lucas galing sa babaeng ito.
Fuck!
Napahawak ang mga kamay ko sa aking bibig nang masaksihan iyon. Naguguluhan ako sa nangyayari at hindi ko alam ang gagawin ko. Nakita kong nakalagay lang ang isang kamay ni Lucas sa kanyang pisngi dahil sa sampal ng dalaga. Nasa kusina ako at hindi ako makagalaw nang maayos, nanatili akong naroon at hindi niya pa ako nakikita.
Sino ba siya?
Baka siya talaga ang girlfriend ni Lucas. Siya ba ang tinutukoy ni Mrs. Sandoval noong dumating kami? Pero bakit ba ang rude niya sa girlfriend niya?
"I told you to fetch me, Lucas! May party tayong kailangang puntahan. Dapat nandoon tayong dalawa," sermon nito na tila ay napakalaking kasalanan na iyon ni Lucas sa kanya.
Hinihingal si Melody habang nagsasalita. Halata sa kanyang boses ang galit.
"Melody, you're not my priority."
Hindi ko alam kung paano aalis sa sitwasyon na ito. If she is Lucas' girlfriend, dapat hindi ganyan ang trato sa kanya. Omg, kailangan ko na talagang umalis.
"Lucas, I need to go."
"Sa oras na 'to, Eliana? No, you stay here." Ngunit nagmatigas ako saka kinuha ang mga gamit ko sa kwarto niya at bumalik kung nasaan sila nag-uusap. Ayoko madamay sa gulo. Lalo nang binawasan ko pa ang napkin ng girlfriend niya, nakahihiya.
"You're putting me in this situation, Lucas, aren't you?" I was about to react when suddenly she turn her gaze to me. Silently judging me as I see in her eyes.
"Who's this?" tanong niya kay Lucas ngunit sa akin pa rin ang tingin.
Ngayon ko lang nakita nang maayos ang mukha niya. She totally mad. Not just mad, she’s angry.
"She's my secretary, Melody." Pakilala niya sa akin sa girlfriend niya. Pinagmasdan ko lamang ito kaya hindi naging madali sa akin ang hindi niya pagiging komportable habang narito ako.
YOU ARE READING
Whispers of the Sun (Weather Series One)
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...